Synopsis

9 0 0
                                    

"Mamang taxi para - para" hapong hapo na ako sa paghabol ng mga sasakyan na may pasahero na, at kahit mga jeep ay punuan na, wala naman akong makitang tricycle dahil nasa highway na ako ng lungsod.

Madiin kong pinagdikit ang labi. "Hay naku huli na ako" magkikita kami ni wanton, nakakahiyang magpa - antay.

Kilala ko na simula junior high school si Wanton Realonda kahit hindi kami pareho ng paaralan na pinapasukan ay sikat sya sa ibat ibang university, kasama ng amin.

Kilala sya di lang dahil sa sobrang ganda ng features nya, Player sya ng iilang sport tulad ng soccer, ganoon din sa basketball, at ang talino nya rin sa mga indoor games. Kaya hindi kataka - takang sisiw sa kanya ang mga subjects. Kaso kinikita ko na hindi sya ganong competitive

Nagkita kami nito sa fast food na pinagtatrabahuan ko. Dito lang ako nagkaroon ng pagkakataon makausap sya, kaya't di ko na sinunod ang lumang estilo ay syang nagpakilala ako, at don mas napalapit ako sa kanya.

Sa isang hotel restaurant ako nito kikitain kung saan ang takda naming dinner.

Pagbibigay sakin nito ng kabatiran ay kasama nito ang mga magulang kung kaya't mas lalo akong kinabahan.

Gusto ako nitong ipakilala bilang kaibigan, kahit na bago palang kaming magkakilala ay alam kong may espesyal na kaming nararamdaman sa isa't - isa

Sana nga'y ganoon nga, dahil sa sarili ko may namumuo na akong higit na paghanga para sa kanya.

"You're so gullible, a fool,  Jana Rivera... a reckless, you're not aware of your hedges."

"If doesn't only you stupid i will not let you come near me yet sateity of your tend."

Nakakaawang pakiramdam ang binigay sa akin ng katagang yon. Ito pala madadatnan ko.

Kasalanan ko dahil ako lang pala umaasa, pero di ko hahayaan na i - estribo niya ako.

Napalingon naman ako sa kasama nyang babae, na unang tingin ay mainam at napakataas ng napagaralan.

"I'm sorry Im Inery, Wanton's girlfriend" pag - tungo nito. "Babe... quit" pag - saway nito.

Hinawakan ni Inery ang braso nito, na hindi mapupunan ng kapintasan dahil sa kakinisan at kaputian ng balat.

Sandaling binitawan ito hindi upang lumayo dahil unti - unting napunta ang malaki at pipis nitong kamay sa balakang ng huli.

Sadya akong napaismid, pumikit at agad niluwang ang tiklop kong mga mata, hindi ko papayagang ipakita sa kanila ang tunay kong pakiramdan.

Muling tinutok ang mabigat nitong mata, tinaas ang kabilang sulok ng labi.

"Anong sinasabi mo, bakit? Muka ba akong patay na patay sayo?" Taas ng eyeball... sabay latikin ang magandang pilik mata "Humarap kayo... sa puntod" Dagdag ko at malapusang mapangmata kong tinignan.

"Isa nga akong buhay na magandang nilalang" pinakita ang sweet na ngiti

Maliit na pagbukas ng bibig ang nakapaskil sa muka ng babae.

Samantalang di rin napigilan ng isang kasalungat ang totoong emosyon.

Sandaling bumangga sa isat - isa ang magkabilang kilay nito at syempre... hindi na napigilan sakin ang mas ma - tuwa na may kasamang aglahi ang bibig.

Hilig ng mga itong magnga - nga nga - nga, wala pa nga mala word class kong performance.

"Ma'am... Sir..." lingon naming tatlo sa lumalapit na donselya "Magandang gabi" yukod, "Pinapatawag na po kayo ng mga magulang nyo." saka naman lingon nito sa direksyon ko, lumapit na mismo.

"Kailangan na natin kumilos ng mabilis, pumaroon ka na sa kusina" pag - aanas sakin, na kami lang nagkakarinigan.

Paniningkit ng mata at pang - gagalaiting mosyon ang ilong ko sa pag - aakalang kasama ako nitong kasambahay.

Sabagay akalain ba nito, dahil sa suot kong puting bistida na umabot sa lagpas ng tuhod ng kapara ng kanya, na kulang na lang magsuot ako ng delantal.

Kumpara sa dalawang ito na bida sa kanilang katha at ako yung kontra sa buhay nila na talagang disente ang kasuotan.

Ang pait naman...

Huminahon lang muna ako... Ngumiti... At kuha! "Sorry miss hindi po ako trabahador dito."

Nagitla naman ito. "Ah... Ah pasensya na"

Dagling lingon kay Wanton. "Salamat na lang sa lahat."

Kahit mabigat ang mga dala - dalang hindi naman ispesipikong bagay, ito yung mabigat na luha, mabigat na talampakan sa pag - aantay na pigilan ako sa pag - alis at mabigat na nakasuyo sa aking dibdib, na sa sobrang sakit ay tila mawawalan ako ng paghinga.

Hindi ko ipapangakong aalisin na kita sa sistema ko wanton... Dahil gagawin ko yun.

.Where stories live. Discover now