CHAPTER 1

12 1 0
                                    


LOUISSE POV

"Siguro nga tadhana ko talaga na maging mag-isa!" Bumuhos ang mga luha nya habang kinakausap ang sarili, "Babalik na lamang ako sa dating gawi, ang mahalin ang aking sarili! Siguro sa paraan na iyon makakamtan ko ang tunay na kalayaan, ang katahimikan ng puso ko. Ito na ang huli....na magmamahal ako!"


"NAKAKAINISSSSS!"

"Bakit kailangan na lagi s'yang masaktan? Bakit  ba kasi wala siyang nakatuluyan? Ginawa naman na nya ang lahat nang makakaya niya para mag bago ahh." Matapos kong sumigaw ay tumungo ako at doon muling umiyak.

Naaawa talaga ako kay Zelan, kung pwedi lang na pumasok sa libro para damayan at yakapin siya ginawa ko na. Pero hindi pwedi eh,isa akong tunay na tao habang siya ay isang 'fictional character' sana naging tunay na tao nalang siya, isama narin si Peter na walking green flag.

Habang nag-eemote ako bigla namang pumasok si ate Lory sa kwarto ko at doon ako sinigawan!

"ANO BANG PROBLEMA MO LOUISITA AT SUMISIGAW KA? NAGBABASA KA NA NGA LANG NANG LIBRO NAPAKA INGAY MO PA!" Halos rap na sigaw ni ate.

"Ate naman, hindi ka paba nasasanay sa'kin? halos araw-araw naman akong sumusigaw o tumitili dito diba? kaya sorry na po." Nag pa-cute ako matapos kong sabihin iyon, alam ko naman na walang makakatiis sa kacute-tan ko.

"Sige na sige na, pero ano ba 'yang binabasa mo? Bago ba? Patingin nga!" Madali niyang hinablot ang libro mula sa akin!

"The Man That Lost Everything? LOUISITA? Ito nanaman? Paulit-ulit nalang ahh, ten times mo na atang nabasa 'to! Hindi kaba nagsasawa?" Sabi na nga ba at ganun ang magiging reaction niya, hindi ko naman siya masisisi dahil alam ko sa  sarili ko na ilang beses ko na itong binasa. 

"Sabi ko naman sa'yo ate na maganda ang story, maraming matututunan kaya lang di ako nasatisfied sa ending, kaya inuulit ulit ko nalang ang pagbasa." Sumimangot ako at doon muling nag salita si ate.

"Maganda naman yung ending, sadyang mahilig kalang sa red flag kaya inuulit ulit mo!"

"Sobra naman sa red flag ate, pero tama ka rin na mahilig ako sa red flag...PERO SA LIBRO LANG, never kong gugustuhin ang red flag dito sa earth hahaha!" Tumawa lang kami ni ate matapos nun ay bumalik na siya sa kusina at nagpatuloy na sa paghuhugas ng pinggan, habang ako ay nakatitig nanaman sa libro at nag-iisip kung babasahin ko ulit ito.

-FAST FORWARD-

Nagising ako sa amoy nang sinigang! Hindi ko namalayan na nakatulog ako, pero ok lang yan, normal lang ang makatulog matapos magbasa .

Tumayo na ako at inayos ang kama , matapos iyon ay lumabas na ako nang kwarto at nag tungo na sa sala.

Uupo pa lamang ako nang tawagin ako ni ate LORY.

"Louisita tawagin mo na muna si Lorex, sabihin mo kakain na." Agad naman akong umakyat papunta sa kwarto ni lorex.

Nasa tapat na ako nang pinto nya at agad na kumatok.

"Rex kakain na." Tawag ko sa kanya.

Nakatatlong katok ako bago niya mabuksan ang pinto niya.

"Ang tagal ahh, wait!" napatigil ako sa pagsasalita nang makita ko ang kaniyang mukha,"Anyari sayo? Bakit ang laki ng eyebags mo?" 

Hindi nya ako sinagot at bumaba na lamang, hays lagi naman, hindi ka paba masasanay self? Lagi ka namang di pinapansin ng bunso mong kapatid eh.

Bumaba narin ako at umupo na, magkaharap kami ni rex at magkatabi naman kami ni ate, tatlo kaming magkakapatid si ate Lory ang panganay at si Lorex naman ang bunso, malayo parin ang loob sa akin ng bunso kong kapatid, hindi nya parin ako napapatawad, well ako rin naman .... hindi ko parin napapatawad ang sarili ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE LINE BETWEEN USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon