Prologue

11 0 0
                                    

"Uy, Galit ka?"

"Divi, sorry na. kausapin mo na 'ko!" bakit ba ang kunat nito?! kanina pa 'ko dito ha!

"Divi!"

"Divi? Divi!" sambit ko pa, kunwari ay isa s'yang kakilala na nakasalubong ko.

"Divi, Divi, Divi-"

"WHAT?!?!" Napanganga ako ng bigla s'yang sumigaw. I mean, hindi naman sigaw medyo lang pero kahit pa!

"Galit pa pala," bulong ko sa sarili "ah, haha sige ito oh pagkain, gawa ko. usap nalang tayo sa susunod." sabi ko, habang nakaturo sa pagkaing dala ko. umatras ako ng kaunti hanggang makarating sa pinto.

Dahil wala rin naman akong gagawin dito, matutulog nalang ako sa clinic. buti pa don. wala naman akong klase dahil may kailangan daw gawin ang teacher ko para sa last subject namin ngayong araw.

"Ria!"

ay, asungot.

"Nico! uy, long time no see," I chuckled awkwardly, looking everywhere, except him "napadaan ka? " tanong ko para matapos na.

"wala naman, just checking on you. you've been avoiding me these past few weeks, akala ko ayaw mo na akong kaibigan." 

hindi naman, medyo lang.

"ha? hindi naman kita iniiwasan, busy lang," napakamot tuloy ako sa batok " sige, una na'ko." paalam ko, pero pinaglihi yata to sa kalyo, hindi nya ba feel na I'm sad? look oh, I'm so sad.

"san ka?" 

"clinic, makikitulog lang."

Tumawa lang sya at kinumpas ang kamay sa ere, pinapaalis na 'ko.

Pagdating ko sa clinic binati ko lang yung aports ko, si ate nurse at dumiretso na sa pinakadulong kama para matulog,  s'yempre.

                         ***************

Nagising ako nang biglang may humawi ng buhok ko, ibinukas ko ang mga mata ko nang kaunti at nakita si Divi, kausap ang nurse, pero hindi yan yung ka-close ko ha!

"Kaano-ano ka ni Ms. Yardley?" rinig kong tanong ng nurse, nakataas pa ang kilay. kaya hindi ko to tropa eh, sungit.

"boyfriend." HUH? napapikit tuloy ako bigla, kunwari nalang ay tulog parin ako, hindi naman nya ako nakitang gisin-

"Boyfriend? Since when did hope have a boyfriend?"

Behind Every RainbowWhere stories live. Discover now