no. 2

4 0 0
                                    


"Good morning, class." bati ni Miss Ferrer, adviser namin. "Let me introduce you to your new classmate, Dreyden." wika n'ya at ikinumpas ang kamay sa may pinto upang papasukin ang lalaki.

Huh? pwede pala 'yon? ang mag-enroll sa kalagitnaan ng school year? magthi-third quarter na kami ah! bakit kaya lumipat pa s'ya? baka na-expell, ang sungit ng awra eh.

"Please introduce youself to the class, Mr. Alcantara." utos sa kaniya ni Miss Ferrer.

'Di manlang siya umimik pumunta lang s'ya sa gitna at kumaway, parang walang gana naman 'to.

"Good morning, I am Dreyden Vince Alcantara. I am 16 years old, I am from Angelican Faith Academy."

AFA? Maganda roon ah, bakit umalis s'ya? catholic school? masama ata ugali nito, kemerut.

"You can sit next to Ms. Villafuerte." hindi ko napigilang kabahan sa narinig, seatmate ko pa siya, nakaka-takot.

umupo s'ya sa tabi ko pero hindi ko s'ya tinapunan manlang ng tingin, baka ma-fall ako, charot.

"yieeee.."

luh, ang malisyoso ah!

"Shut off, ililista ko kayo sa logbook!" Anas ko para tumigil sila, nakakahiya.

"Tulungan mo syang mag-adjust, Hope," agaw atensyong mensahe ni Miss Ferrer. "She's the class president, Dreyden. if you have any question, ask her, alright?"

"Yes, Ma'am." shocks, pogi.

Natapos ang subject ni Miss Ferrer saamin, tatlong subjects pa at recess na! Ano kayang masarap sa canteen? Gutom na 'ko.

Ilang minuto pa pero wala pa ring subject teacher na dumarating.

Bumaling ako sa katabi ko at nakitang tahimik n'ya lang pinagma-masdan ang mga kaklase namin. gusto ko s'yang kausapin.

"Hi! I'm Ilaria Hope Villafuerte! I'm the class president! I like playing instruments!" Sunod-sunod kong sabi at inilahad ang kamay, tinanggap niya naman. Mukhang nagulat pa siya sa biglaan kong pagsa-salita.

"Dreyden. Dreyden Vince Alcantara."

DVA. DV? Divi? divisoria yarn? Emz

"Can I call you Divi?" Nakita ko ang pagkunot ng noo niya, alam ko na agad na hindi sya papayag kaya hinayaan ko nalang.

"May fb ka?" Tanong ko, pero hindi nya sinagot. Psh, basic. Edi i-search whole name n'ya.

Tinipa ko sa search box ang pangalan nya, nakita ko naman kaagad. Nag-friend request na rin ako, wala lang.

                  Dreyden Alcantara
                        No bio yet.

Wala s'yang public posts maliban sa mga tags sa kanya.

Denara Alcantara is with Dreyden Alcantara and 5 others.

Family picture.  Tatlo silang magka-kapatid, mga magulang at kasama sa bahay ang ibang naka-tag. Pinindot ko ang profile ng Nanay n'ya. Baka may ibang info's. stalker na ba ako, huhu.

Denara Alcantara
5.2k followers 0 following
Personal Blog

Mom. Wife. Businesswoman.

Feeling young at 46. ✨

Marami siyang post tungkol sa pagiging Nanay, nasasali si Divi sa video minsan ngunit umiilag s'ya sa camera. Bubbly ang mama nya pati mga kasambahay nila, maligalig. Ang Tatay nya naman ang nakakatakot. Pareho sila ng awra.

Nag-post ang mama niya 2 hours ago.

What's in my bag as a businesswoman and a mom + dropping off my son to his new school!!!

Nakita sa vlog na hinatid niya si Dreyden sa school dahil na rin nasa kotse ang set-up. I mean, nasa title naman na iyon.

Nang matapos ko ang video, tiningnan ko ang comment section, Puno ito ng papuri sa kagandahan ng ginang, ngunit hindi nakaiwas sa paningin ko ang isang comment doon.

Gia Dump
Hello po! Ano pong ig ng son n'yo? hshshs thank u poe ;p

Denara Alcantara
Hi! His Instagram is @d_alcantara it's private though, GoodLuck :D

Uy, Instagram.

Binuksan ko ang app at sinearch sya, private nga.

d_alcantara

Family and friends only.

5 posts 24 followers 24 following

Wow, Wala pala talaga s'yang pinapa-pasok sa ig nya bukod sa relatives, sana i-followback nya 'ko. ang laki ng tinaya kong dignidad dito, charot.

Lumingon ako para tingnan kung anong ginagawa ni Divi kaya lang naka-headphones s'ya at nakatulala lang sa kawalan. hindi ko na siya inisitorbo dahil naniniwala ako sa kasabihan na; 'wag mong iistorbohin ang taong naka-headphones.

Joke, gawa gawa ko lang 'yun haha

Hindi na talaga dumating ang sana'y ikalawang guro namin ngayong umaga. noong dumating ang pangatlo naming teacher, nagpa-graded recitation s'ya bigla, everyone in the class protests. surprise iyon, kaya nanghingi sila ng kahit sampung minuto raw para makapag-review. sa huli, pinayagan din naman at nakasagot kaming lahat.

"sa susunod ay wala nang palugit ha, responsibilidad ninyo bilang estudyante na buklatin manlang 'yang mga textbooks n'yo atleast bago matulog para naman handa kayo sa mga surprise recitations and quizzes." ani pa ni Mrs. Buenaventura, English Teacher namin. 

She's kind pero strict when it comes to deadlines and such. May isa akong kaklase noon na nagpasa ng peta, sobrang late, minus 20 na kaagad iyon tapos hindi rin daw kagandahan ang itsura kaya ten points lang ang nakuha niya! over fifty 'yon! sixty percent din ng grades namin ang performance tasks kaya ang baba ng nakuha n'ya noong grading na 'yon.

Tumunog ang bell para sa recess, kaya mabilis na nawalan ng tao sa silid namin. hinarap ko si divi, dadaldalin ko s'ya hanggang sa maging frenny kami, natatawa ako sa iniisip. 

"Hello! May kasabay ka mag-lunch? hindi pa lunch ngayon, tinatanong ko lang." Litanya ko, tumango lang sya at binuksan ang lunch bag nya, nakitang kong may baunan doon ng lunch pero iyong biscuit at chuckie lang ang kinuha nya. I take his nod as an answer, bahala sya, tumango sya eh ibig sabihin oo. plus, silence means yes.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 25, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Behind Every RainbowWhere stories live. Discover now