4th story. haha! :>
***
6 AM pa lang pero nandito na ako sa school. Sumasabay kasi ako kay Daddy para tipid pamasahe.
Ayan tuloy, feeling ko part-time security guard na ako kasi minsan kasabay ko yung iba pumapasok. Hehehe.
7:30 AM pa ang class so pwede pa ako umidlip since wala namang assignments.
"Meg, gising na. Five minutes na lang time na." Malakas na bulong ni Kirsten sa tenga ko. Forever alarm clock na talaga ang role niya sa akin.
"Hmmm... antok pa ako." Tamad na tamad na sagot ko.
"Ano ba Bakla! Gumising ka na! Magpupunas ka pa ng table mo, may lawa na ng laway mo." Sigaw niya na sa tenga ko.
Nag-process pa sa utak ko yung sinabi ni Kirsten.
"OH EM! Talaga?!" Tapos biglang bigla sa bibig ko.
"HAHAHA! Joke lang! Para magising ka na. Baka mapagalitan ka pa kasi parehas pa kayong tulog ng katabi mo," sabay nguso sa katabi ko.
Sino ba ang katabi ko? Ahh, oo nga pala. Katabi ko itong si Janrick. Si Janrick na kahit tulog lang ng tulog sa klase, nakakasagot pa rin kapag may quizzes or exams.
Si Janrick na kahit tulog ng tulog ay ang dami pa ring fangirls.
Si Janrick na kahit tulog ng tulog ay gwapo pa rin.
Si Janrick na kahit tulog ng tulog at walang ginagawang effort ay crush ko. Ahihihi.
Swerte ko nga kasi kahit tulog siya lagi, katabi ko naman. Edi nakakatitig ako! Ang gwapo niya talaga. Siya ang aking sleeping prince. Gigising lang kapag may quiz slash seatwork slash activity at sa break time!
Nag-iisip na nga ako minsan eh, hindi kaya call boy ito or nagdodroga sa gabi kasi puyat na puyat lagi? Pwede rin siguro na bampira siya since qualified naman siya maging bampira dahil hot siya. Minus the sparkling effect ni Edward Cullen, mind you. Silipin ko minsan kung may pangil ito. Papakagat ako. Ahihi. Ang landi, please.
Hayy. Pero in all fairness sa kanya ha? Kahit pa ubod siya ng gwapo ay suplado siya. Hindi siya namamansin masyado sa mga fangirls niya, palaging boys lang kasama niya. So, siya na ang aking ice sleeping prince. Suplado na antukin.
Hala! Hala! May narealize ako! Hindi kaya suplado siya sa girls dahil boys talaga trip niya?! At kaya puyat siya lagi ay nagsasayaw siya sa gay bar? Hala! Lord, please spare him. Palagpasin niyo na siya. Marami ng gwapong bakla. Huhuhu.
"Meg! Baka matunaw si Baby Janrick mo, ikaw rin." Sabat bigla ni Kirsten sa gitna ng pagpapantasya ko.
"Hindi naman niya alam, tulog na tulog kaya."
BINABASA MO ANG
My Sleeping Prince [One Shot]
Teen FictionI'm Meg and this is the story about me and my sleeping prince.