Hi. Oh ito na po part 2. Parang bitin na bitin yung iba kasi eh! :> Sana magustuhan nyo itong sequel kuno. :)) No part 3 please? Stresstabs! Hahahaha! Uyy, love you all! Salamat sa mga comments nyo. I really appreciate it guys.
***
Uyy! Naalala niyo pa ba ako? Si Meg ito, yung nakakuha ng sleeping prince niya dahil sa pink na yellow paper. Hahaha! Taray no?! Ansaveh?
Ito na nga, college na kami at yes, oo, hindi kayo nagkakamali, tamang tama ang iniisip nyo...
KAMI PA RIN! Ganun eh. Mahal na mahal niya ako eh, magagawa ko? Diyosa eh! JOKE! Siyempre, mahal na mahal ko rin yung forever sleeping prince ko though hindi ko na siya pwedeng tawagin na ice sleeping prince kasi simula naging kami hindi na siya mataray. Lagi na siyang nakasmile. Iba nagagawa pala talaga ng pagmamahal, ang pusong bato nagiging pusong mamon. Acheche? Jumojoke?
Take note: nag-away kami ng dahil diyan. Eh sa possessive ako eh. Gusto ko sa akin lang siya mabait. Hihihihi.
*Flashback*
Nasa library kami nag-aaral tapos may isang girl na lumapit. Papaturo raw siya ng Physics kay Janrick. Hindi raw kasi siya ma-gets yung Law of Inertia, Center of Gravity, pati yung mga at rest chuba ek ek na yan.
Eh kung ilagay ko kaya lahat ng center of gravity ko sa kamao ko at maging at rest na forever buhay niya?! Halata namang nagpapacute lang ito kay Janrick! 'To namang isa hindi ko alam kung manhid manhid-an or bait-baitan ang peg.
WALA, WALA! HINDI AKO PROUD NA GWAPO AT MATALINO BOYFRIEND KO. DAMING HUNYANGO SA PALIGID NAMIN PALAGI!
Umalis na yung babaeng tagak pero sa sobrang inis ko hindi ko pinapansin si Janrick. Manigas siya, magturo na lang siya! Dyan sa magaling, dyan sa lilibing!
"Boo ko. Aral na po tayo ulit wala na yung nagtatanong." sabi niya. Hindi ako tumitingin. Instead, tinaas ko na lang yung binabasa kong libro sa mukha ko.
"Bakit galit yung Boo ko? Nagseselos ka ba?" tusok sa kamay ko. Baaa! Sa akin niya natutunan yang tusok tusok na yan ah. "Hindi ako galit, hindi rin ako nagseselos. Naiinis lang ako kasi kung kani-kanino ka na ngumingiti. Dati naman 'di ka ganyan" paliwanag ko. Totoo naman eh. Sungit niya nga dati sa fangirls niya db kaya pinaghinalaan ko rin na bakla siya. Hihihi.
Hinintay ko siya sumagot pero yung sunod niyang ginawa yung nagpaikli ng buhay ko...
...he pulled away the book I was reading and moved his head towards mine. He told me to close my eyes, even though I'm quite mad at him I still did what he told me then he started stroking my hair while soft lips were placed on mine.
BINABASA MO ANG
My Sleeping Prince [One Shot]
Teen FictionI'm Meg and this is the story about me and my sleeping prince.