Yah... I met them but...

39 2 0
                                    

Click! Click! Click!

Haysss... Kahit anong angulo ko pala, ang ganda ko pa din! Hehe..  joke lang... ay nakalimutan ko pala magpakilala...

Ako nga pala si Hannah Kallaria. V^_^ 19 years old. Paano ko ba idescribe sarili ko? uhm... geh ganto nalang. ibabase ko nalang sa kung anong sinasabi ng mga tao sakin :D

Sabi nila I have short brown hair. Maganda daw mata ko kasi napapabilog ko siya at the same time sumisingkit.(gets niyo ba? hehe...) Idagdag mo pa daw eyelashes ko. tama lang yung haba at yung pagka-curve niya. Tama lang daw ilong ko. Hindi masyadong maliit, hindi masyadong malaki, hindi masyadong pango, at hindi rin masyadong matangos. Yung labi ko daw may Japanese type. Sabi yun ng kaklase kong half Japanese. :D May braces ako na color yellow! :) Perfect circle daw mukha ko. :( In short, mataba ako pero hindi daw halata kasi may curves daw. (wews... XD!!!) Not to mention maliit daw kamay ko. Kaya nga ako sikat sa university namin kasi college na ko pero kamay ko pang grade 3. Pero mabigat daw siya.

Masyado ba akong detalyado? hehe... para kasi maimagine niyo ako. V^_^

Sa ugali, K-pop fan ako!!! yan lang ang masasabi ko sa sarili ko na ako mismo nagsabi XD!!! GGSS daw ako. hehe... katulad nga nung kanina nagse-selca ako. Mahilig daw ako sa coffee shops. :D weird daw ako in a good way. -_- Kinakausap ko kasi yung favorite bear ko na si Dobi at pag nasa coffee shop kami, kailangan dalawa ang upuan para isa sa kanya. Dobi pangalan niya kasi ang alam ko big ears daw meaning nun eh. Kahit hindi malaki tenga niya, it reminds me of Chanyeol, my bias. V^_^ Kahit daw sa public place kinakausap ko pa din daw si Dobi. Sobrang clumsy ko daw to the point na nakakaisang step palang daw nadadapa na ko. Ganun po ako ka lampa guys. Pero sanay na kong pinagtitinginan ng mga tao. Ewan ko kung bakit pero bigla biglang papasok sa isip ko na 'I'm born with it. A part of me is being clumsy'. -_- Yun nalang ang sumasagi sa isip ko pag nadadapa ako. Lumalaki daw boses ko pag sumisigaw. -_- May sense of direction ako kaya hindi nagaalala sina mama at papa sakin pag umaalis ako ng ako lang mag-isa.Not to brag pero mayaman kami kasi we own a 5-star hotel.

So eto ako ngayon, nasa isang coffee shop nagse-selca ng biglang nag ring phone ko na ang ringtone ko boses ni Chanyeol at sobrang lakas pa ng volume so nakatingin sa kin ang ibang tao.

"Nak, uwi ka muna, may papagusapan tayong importante. Bye."

'Hindi man lang ako pinag-explain?!' nasabi ko nalang bigla kay Dobi... Si mama nga pala yun BTW.

Dali-dali akong tumayo at umuwi pero bigla akong nadapa. -_- Nahhh. I don't care...

Pag uwi ko ng bahay kasama si Dobi, nakita kong nakatayo sina mama at papa na may dala dalang maleta. Saan kaya sila pupunta?

"Anak may business trip kami ng papa mo for one week so here's 100,000 pesos. This is for one week so tipirin mo yan. Since ikaw, at ang mga maid lang naman ang nandito sa bahay, you can go wherever you want since kaya mo naman umuwi mag-isa basta ipaalam mo lang samin ng papa mo." Sabi ng mama ko sakin."

Magsasalita dapat ako ng biglang...

" Honey nandyan na driver natin. Bye anak *kisses forehead* ingat ka. don't waste your money okay? I love you. " Sabi ng papa ko.

"Okay po pa, ma, bye po! ingat po kayo! I love you po!"  Sabi ko naman :)

Pagalis nila, naglakad ako papuntang kwarto ng nadapa ulit ako. Guys mag-expect na kayo na everytime na maglalakad ako madadapa ako. Pumunta akong kwarto para isiping mabuti kung anong gagawin ko sa 100,000 pesos for one week. Sobrang laki nun for one week pero lahat ng kailangan ko sa bahay nandito naman. Haysss...

Naisip ko yung sinabi ni mama kanina kaya tinext ko siya...

'Mama I want to go to South Korea.'

I met EXO but... (EXO one shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon