Chapter 3

17 0 0
                                    

Drew's POV

Nandito kami ngayon sa Cafeteria.

Kasalukuyang pumipila kami nila Shaun, Apolo at Gray. HABA NG PILA! GRABE! 10 kilometers! Joke. (^v^)

Kami na ang nag-order ng mga pagkain, GENTLEMEN po kami. Alangan naman yung mga Cracklings pa ang mag-o-order eh nakitable na nga kami.

(FLASHBACK)

Kaninang Vacant time namin. Dumiretso kami nila Apolo sa Tambayan namin dito sa School which is a SECRET.

Walang nakakaalam ng tambayan namin kasi sa taas ng puno iyon ^_^

Adik noh?

Pinaglihi kami sa Unggoy. Astig diba? Pinaglihi kami sa Unggoy pero di kami mukhang Unggoy. Joke lang! Kayo naman, Di mabiro.(⌒▽⌒)

Umakyat na Kami. Nauna si Shaun. Siya kasi ang pinakaEXPERT umakyat sa Puno. Kumbaga siya yung Monkey Leader. 

Hanggang sa sumunod na rin kami. Nagpwesto na rin kami, Hanggang sa Nagsalita si Gray.

Gray:"Sa tingin ko, Kailangan nating kaibiganin yung mga Cracklings."

"Seryoso ka? Ngayon ka pa lang ata nagdesisyon na kaibiganin ang mga babae?"

Shaun: "Kaibigan ko naman na yung mga iyon eh. Lalong lalo na si Cas."

Apolo: "Si Cas na naman pumunta sa Bibig mo"

Gray: "Apat sila diba?"

Shaun: "Walo sila pare. W-A-L-O"

"Usapang matino to diba?"

Apolo: "Kailangan nating mapaibig yang Apat na iyan. Mga pare, Kailangan nating ipakita sa mga ibang lalaki na kaya nating paiyakin at durugin yang mga puso ng Cracklings na iyan."

Kilala kasi kami dito sa G.U na habulin ng mga babae. Oo, magkakalahi kami. Hindi talaga kami tunay na nagmamahal.

Wala kaming pinipili. Kahit sino man, KAYA NAMING SAKTAN.

"So ano na balak niyo? Sakto, naging classmate natin sila."

Shaun: "Akala ko ba na starting this year wala nang mangloloko ng babae? Ano na naman tong binabalak niyo?"

Gray: "Pare, isa ka ba talaga sa amin? Huwag ka ngang magbait-baitan! Naloko ka na rin ng mga babae. Kailangan rin nating iparamdam sa kanila kung paano masaktan!"

Shaun: "Pero hindi na sa ganitong paraan! Makakarma lang tayo!"

"Idaan nalang kasi iyan sa pustahan."

"Sige" Sabi ko naman.

Gray: "Kung mapapa-ibig mo si Angge, bibigyan kita ng iPhone 5. Diba kailangan mo nga siyang paikutin para makuha mo yung rank niya? Kailangan mo siyang matalo This Grading Drew, At magagawa mo lang iyon kung ipapakita mo at pa-i-inlababuhin mo yang Angge na iyan para matalo mo na siya." 

"Peroo"

Apolo: "Wala nang pero pero pare. Kailangan mo rin yang gawin para sa ikabubuti mo."

"Sige. Basta kapag mapaibig ko siya, Okay na ha? May iPhone 5 na ako!"

Shaun: "Oops. Wag lang paibigin ha. Pasagutin mo rin!"

"Ha? Grabe naman kayo. Huwag nalang."

Gray: "Duwag mo naman Drew, Yan lang di mo magawa?"

"Siyempre Kaya ko yan! Ako pa?!"

Apolo: "Ikaw naman Gray, Pa-ibigin mo rin si Alexia, Tutal, Pareho lang naman ata kayo ng tutorial center diba?"

Gray: "Geh, Kaya ko iyan. Kahit sinong babae pa. \(^o^)/"

Shaun: "Kapag napaibig mo yung Alexia na iyon, Bibigyan kita ng iPad Mini."

"Sayo naman Shaun, Hindi ka naman na siguro mahihirapan kung si Cas ang papaibigin mo diba? Sure naman kami na gusto ka non. Pero kailangan mo parin siyang Paibigin at SAKTAN."

Apolo: "How Bout me? Si japps? Yung main na kalaban ko sa Skating? Huh. Yun pa. Kaya kong paibigin yun gamit ang Charms ko."

Kaming Tatlo: "Edi Paibigin mo Apolo! Kung magawa mo iyon, Bibigyan ka namin ng iPod Touch 5th Generation."

Apolo: "Sige ba! Ito na ring pagpapaibig sa kanya ang paraan para makuha ko yung rank niya sa skating."

Gray: "Ang bribri-bright talaga natin."

Shaun: "Ganiyan ba ang bright na alam niyo? Ang gumawa at mag-revenge sa mga babaeng walang ka-alam-alam na masasaktan rin balang araw? Gamitin niyo nga utak niyo. Ikaw Drew, Matalino ka ba talaga?"

"Ano ba problema pare? Ako ba problema mo dito?" Sabi ko kay Shaun. Grabeee.

Apolo: "Huwag na kayong magaway. Gawin na ang napagpustahan. TANDAAN niyo na ang hindi makakagawa ng mga pinagkasunduan ay may kaparusahan."

Gray: "Matinding KAPARUSAHAN."

"Then, lets start this MISSION?" 

Sabay lagay ko ng kamay sa gitna namin. At nagapir-apir.

Bakla lang ang PEG?

(END OF FLASH BACK)

Ang hirap isipin na gagawin ko to. Pero alam ko naman na kayang kaya ko to.

Kami ngang magbabarkada ay marami na talagang napaiyak.

GWAPO kasi kami. Artistahin ang dating.

At sa wakas, Nandito na kami ngayon sa Area kung saan kami'y nago-order.

Nag-order narin kami at nilagay yung mga pagkain ng Table kung saan andoon ang mga

Babaeng Sasaktan Namin..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BETTER TogetherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon