Akala

38 1 3
                                    

Hello Po! Uhmm so first story ko po ito sa wattpad! One shot lng po! I am open for your opinions and tips para po kung sakalaing gumawa ulit ako ng story (if ever lng naman XD) ay mas ma improve po ang writing skills ko.. Yun lamang po ang sana po magustuhan ninyo!

Dedicated po sa babaeng nag encourage sakin na gumawa ng story.. ^^

-------------
June 18..

11:00 pm

3rd Anniversary namin ngayon.. At malapit nang mag midnight ay hindi parin niya ako binabati. Ilang araw na siyang hindi nagparamdam! Ni ha ni ho wala! Dati naman lagi niya akong binabati! Nagdadate pa nga kami ehh..Alam kong busy siya pero bakit parang nakalimutan na niya? AKALA ko pa naman maalala niya..haisst.. Pero hindi ako susuko. Kaya eto ako. Iniintay kahit isang text lng niya.

Napatingin ako sa oras.. 11:11 na! Sakto! Magwiwish ako..

"Sana, magtext na siya sa akin.."

Maya maya ay naramdaman kong nag vibrate yung cellphone ko. Tining ko kung sino ang nagtext at nakita ko pangalan niya!

"Yes natupad ang wish koooo!!!!!" Tuwang tuwa kong sabi.

Excited kong binuksan ang message. Habang binabasa ang text ay unti unting nawala ang aking ngiti at maya maya ay naramdaman kong may luha na dumadaloy sa aking pisngi. Ang laman ng text?

'Hello po. Isang employee po ako ng ******** hospital. Nabangga po ang may ari ng cellphone na ito at kayo po ang halos nasa inbox niya kaya kayo po ang ininform ko tungkol dito. Mejo malala po ang kondisyon niya ngayon.'

AKALA ko yung bati na niya ang matatanggap ko? Pero ano to?

Hindi na ako nagatubili pa at dali dali akong pumunta sa ******** hospital. kailangan ko siyang makita ngayon!

11:40 na..Pagkadating ko tinanong ko agad ang nurse kung nasan siya. Sabi ay nasa emergency room. Tumakbo ako papunta dun habang nagdadasal na sana maayos na siya.

Nakarating na ako sa emergency room. At saktong pagdating ko ay lumabas yung doktor mula rito.

"Dok! Kamusta na po siya?" Alalang tanong ko sa kanya

"Kayo po ba ang kamag anak?"

"Girlfriend po niya ako.."

Bilang tumungo ang doktor... Parang masama ang kutob sa mga aksyon ni Dok...

"Ginawa na po namin ang lahat... Pero hindi na po kinaya ng pasyente.." Tuluyan na akong nag breakdown sa tapat ng emergency room.. AKALA ko talaga aabot pa ako.. pero wala na.. wala na siya.. Wala na akong pakialam sa nakakakita sa akin.. Wala nang mas sasakit sa malaman mong wala na ang mahal mo...

"Pwede niyo po siyang tingnan sa loob.." Sabi ng doctor

Inipon ko lahat ng lakas ko para makatayo at pumasok sa emergency room.. Pero pagpasok ko ay biglang namatay ang ilaw.. Teka ano ang nangyayare? Halaa! Baka minumulto na ako ng boyfriend ko!

Palabas na sana ako ng may narinig akong tugtog ng gitara... Alam ko itong kantang to ah.. Theme song namin.

Napaiyak nanaman ako dahil naalala ko ang boyfriend ko.. Bakit kailangang tugtugin ang themesong namin dito?

Maya maya may naramdaman akong yumakap sa akin.. Ang yakap na ito.. Alam ko kung sino toh...

"POY?" Yan ang tawagan namin.. Ibig sabihin Promise Only You (A/N: nalaman ko po yan sa isang wattpad story.. ^^)

At biglang bumukas ang ilaw... Hindi ako nagkakamali.. Si POY nga! Ang Mahal ko! Hindi ako makapaniwala!

"POY ikaw ba talaga yan?!?" Tanong ko sa kanya

"Oo POY.. Ako to. Buhay ako.. "

"POOOOOY!!!!!" Niyakap ko siya ng mahigpit at unti unting tumulo ang luha ko..

Pagkabitaw namin sa yakap ay pinunasan niya ang luha sa mukha ko at tinanong " O, bat ka naiyak? Buhay nga ako ehh!"

"ehh kasi naman *sob* akala ko *sob* patay ka na *sob* talaga ehh *sob* akala ko *sob* iiwan *sob* mo na ako "paputol putol kong sabi dahil nga umiiyak ako.. AKALA ko kasi talaga, wala na ang mahal ko..

"Shhh tahan na.. hindi kita iiwan.. Pangako yan.." At niyakap nanaman niya ako.

Kumalas siya sa yakap. At lumuhod sa harapan ko. OMG

"POY.. Sorry kung nung mga nakaraang araw ay hindi ako nagpaparamdaman.. naghahanda kasi ako ehh. Para sa ating anniversary.. Alam ko naisip mo na nakalimutan ko dahil nga busy ako sa pagmamanage ng family business. Pero hinding hind ko ito makakalimutan dahil isa ito sa pinakamahalagang araw sa buhay ko.. Happy 3rd Anniversary! At ngayong gabi ay mas magigng memorable pa ito." Sabi niya. At maya maya ay may kinuha siyang isang bagay mula sa kanyang bulsa. SINGSING O.O

Tiningnan muna niya ang orasan bago magsalita

"Sakto, 11:59 na.. POY...Mahal na mahal na mahal kita. Maaari mo ba akong pakasalan?" Tumulo ang isang luha mula sa aking mata pagkasabi niya nun.

"Hindi.."

Nagulat siya sa pagkasabi ko noon.

"POY, AKALA ko ba mahal mo ako?"

"Hindi ..

Hindi ako papayag na hindi tayo magpakasal.. OO POY! papakasalan kita! Mahal na mahal na mahal din kita!!!"

Sinuot na niya nag singsing sa aking ring finger at hinagkan ang aking mga labi..

Saktong 12 midnight na.

Nakarinig kami ng isang malakas na *RIIIIING*

Ano yun?!? san nanggaling yun?Unti unti ay nararamdaman kong wala na POY sa harap ko...

"POY!"

Maya maya ay parang pakiramdam ko may gumigising sa akin..

"Ate! Ate! Gising na! Yung alarm mo!"

At tuluyan na akong nagising.

Panaginip lang pala. Akala ko totoo na. Akala ko happy ending na. AKALA ko lang pala yun..

AKALATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon