-PROLOGUE-
Sinasabi na ang Ina ang s’yang Ilaw ng Tahanan. Siya rin ang nagsisilbing haligi ng tahanan king minsan lalo na kung wala ang Ama dahil sa malayong lugar ito nagttrabaho o di kaya’y pumanaw na. Maliban dito, ang mga Ina rin antin ang s’yang nagsisilbing unang guro natin. Sa kanila natin unang natututunan ang mga karaniwang pag uugali gaya ng pag galang sa mga nakatatanda.
Ang kwentong ito ay simple lamang at possible rin na mangyari o kasalukuyang nangyayari sa isang pamilya sa ngayon. Sana sa dulo ng kwentong ito ay makapulot kayo ng aral. Enjoy Reading!
-SINO AKO?-
Sa isang lugar sa Tondo kami nakatira. Kasama ko doon ang aking bunsong kapatid na tatlong taong gulang pa lamang at ang Nanay ko na medyo may edad na rin. Ang tatay ko? Hindi ko alam.. Wala naming nabanggit sa kin si Nanay tungkol sa kanya e. Siguro limang taong gulang lamang ako noon ng huli saking ikwento ni Nana yang tungkol kay Tatay. Sabi ni Nanay, sanggol pa lang daw ako ng iwan kami ni Tatay dahil sumama na raw ito sa ibang babae. Magmula noon.. hindi ko na inisi pa kng bakit niya kami iniwan. HINDI NIYA KAYA KAMI MAHAL??? Marahil ay.. hindi nga. Pero ok lang. Masaya na rin naman ako kahit papano kase inaalagaan kami ni Nanay at kahit kelan ay di niya kami pinabayaan.. di tulad ni Tatay.....
Nasa unang baitang na ako ngayon. Masaya kasi kahit mahirp lang kami ay nakakapag-aral pa rin ako.. sa public nga lang. Lagi rin ao hinahatid ni Nanay sa eskwela pero dahil sa kailangan niya ngang maghanap buhay, kung minsan ay ako na lang mag-isa ang pumapasok sa skul. Naalala ko tuloy bigla ang 1st day of skul namin.. Hinatid ako nun ni Nanay sa paaralan kasama sympre ang bunso kong kapatid. Mas excited pa nga si Nanay noon kesa sa akin eh. Hndi kase s’ya nakapag-aral.. No read, no write ba. Kaya yun, ganun na lang ang tuwa niya para sa akin.
-GRADE1-
(sa skul..)
“Magandang Umaga! Ako nga pala sa Bb. Lopez at ako ang inyong magiging adviser niyo sa taong ito. Inaasahan ko na magiging maganda ang ating samahan at sana, kapag may nagsasalita sa unahan ay tatahimik kayo at makikinig lang sa nagsasalita. Naiintindihan ba?”
“Opo.” Sabay-sabay naming sagot..
“Ngayong tapos na akong magpakilala, sa palagay ko ay dapat na rin kayong magpakilala. Simulan natin sa unahan.”
Sa unahan ako nakaupo nun. Yun ksi ang sabi ni Nanay. Mas maganda daw kapag sa unahan ka nakaupo mas madali mong maiintindihan nag tinuturo. Kaya ako ang unang nagpakilala.. Nasa labas ng silid aralan nun si Nanay, tinitingnan tingnan ako. Kasama niya sympre ang bunso kong kapatid. At nang mag-umpisa na akong maglakad papunta sa gitna kung saan ang lahat ay tahimik at waring ako lamang ang nakikita, kitang kita ko sa kanyang mga mata ang labis na kasiyahan kahit pa magpapakilala lang naman ako.
“Magandang Umaga po. Ako po si Angeline Mendoza, pitong taong gulang.. Ikinagagalak kop o kayong makilala lahat at sana po ay marami sa inyo ang maging kaibigan ko. Maraming Salamat po.”
Hanggang sa pagtatapos ng aking pananalita ay nakatingin pa rin sa akin ang lahat ngunit nasilayan ko na rin ang ngiti ng ilan sa kanilang mga labi.
Sunod na ring nagpakilala ang iba hanggang sa magtapos na nmga iyon sa dulo. Wala pa akong masyadong kakilala maliban kay Karen dahil bukod sa kaklase ko siya, ay kapit-bahay rin namin siya. Siya na rin ang nagging kasa-kasama ko sa pagpasok sa skul hanggang sa pag-uwi.
-SI NANAY..-
Sa Awa ng Diyos ay nakahanap na ulit ng trabaho si Nanay. Namamasukan siya bilang labandera sa mga bahay-bahay malapit sa amin at kung minsan ay plantsadora din.