Binulabog niya ang nananahimik kong mundo.
Ginising niya ang katawang lupa ko at ipinaramdam sa akin ang mga bagay na hindi ko akalaing kaya ko palang maramdaman.
The funny thing is, wala siyang kaide-ideya na ganun kalakas ang impact niya sa akin dahil hindi naman niya ako kilala.
Mas okay pa ata kung sa mga Kpop idol ko nalang ibinuhos ang energy at devotion ko. E di sana wala nang ganitong drama.. less attachment.. less sakit.
Hindi ko akalain na tatagal ng 2 years ang noo'y simpleng paghanga ko lang sa kanya.
You may be curious to know who this person is. Well, I am referring to the one and only Natalie Arciaga. Most people also call her 'Nana', her popular nickname sa university.
Nagsimula ang lahat ng sumali at manalo siya as Ms. Behavioral Science (BES) 2 years ago.
Parehas kami ng year at major pero magkaibang block. Never ko pa siyang napansin until that one fateful night during the pageant.
Napukaw ang atensyon ko sa taglay niyang kagandahan, angking talino, malakas na presensya at karisma.
Sa bawat paglabas at pagrampa niya sa stage ay siya ring dagundong ng buong auditorium sa lakas ng palakpakan, sigawan, at hiyawan.. maging ang kabog ng puso ko.
Hindi ko gets kung bakit hindi pa nag-uwian ang ibang contestants nung gabing yun. When clearly, may nanalo na.
And I wasn't the only one who felt that way.
After kasi ng landslide win niya as Ms. BES, naging matunog na ang pangalan ni Natalie sa buong Behavioral Science department.
Maraming gustong maging ka-close siya at kumuha ng atensyon niya.
Habang ako ay kuntento na sa mga nakaw na tingin tuwing magkakasalubong kami sa hallway or kapag may department events.
Sino ba naman ako? Isa lang akong di hamak na nilalang na sumasamba sa lupang nilalakaran niya.
Paano ba naman sinalo na niya ata lahat ng clichés ng isang perpektong babae sa mundo. Maganda, matalino, mabait, mayaman, popular, maraming kaibigan, talented.. Siya na talaga.
Bukod sa pagiging consistent dean's lister, pinagsasabay din niya ang kanyang studies sa part-time modeling.
Sa tangkad at haba ng biyas niya, for sure secured na ang career niya as a supermodel or beauty queen bago pa man kami grumaduate.
Sa loob ng mga panahong crush ko si Natalie, nasaksihan ko ang pagpapalit niya ng mga boyfriend. Grabe, tiniis ko yun ha!
Si Mark ang unang boyfriend niya before pa siya nanalong Ms. BES. Gwapo at matino sana si koya kaso nasa loob ang kulo.
Hindi niya ata kayang i-handle ang fame ni Nana dahil maraming umaagaw sa atensyon nito, kaya nakipaghiwalay nalang siya.
Yung pangalawa naman niyang boyfriend na si Von ang kinasusuklaman ko sa lahat. Hindi ko alam kung anong nahithit ni Nana nung mga oras na sinagot niya ang mokong na yun.
Obvious naman na hindi seryoso si Von sa kanya. Medyo bastos siya, playboy, at walang modo. To sum it up, ang toxic ng relationship nila.
Feeling ko naghanap lang ng rebound si Natalie kaya pinatulan niya si Von. Buti nalang nauntog at natauhan din dahil siya na mismo nakipagbreak.
Yung last niyang si Jeric ay hindi ko sure kung talaga bang naging sila or what.
Long-time suitor niya kasi yun at nang maghiwalay sila ni Von ay madalas silang namamataang magkasama. Sabi ng madla, wala na raw sila but I guess we'll never really know the truth.
Sa ngayon ay single ulit siya. Sigurado akong marami na namang nakapila at nag-aasam na maka-iskor sila bago siya umalis ng university.
Syempre hindi na ako umaasang mapapansin niya ako. Lalo pa't graduating na kami at magiging busy na kaming lahat.
After nun, alam kong hindi ko na siya makikita. Siguro sa TV or magazines nalang. Mas mabuti pang itigil ko na ngayon ang kahibangang ito dahil ako lang din ang mahihirapan sa huli.
Ilang beses ko ring tinry na mag-move on...
Pero ang last straw talaga ay nung sumabak siya sa Q and A portion ng department event namin.
May nagtanong sa kanya kung anong message niya sa mga die-hard fangirls niya. Ang sabi ba naman niya: "Sorry girls. My heart is strictly reserved for boys only."
Edi wow. Hindi ba parang gaga? Sa dami ng pwedeng i-message, yun talaga ang napili niyang sabihin sa mga fangirls niya? Ang dami tuloy nawasak at naglupasay.
Medyo isa na ako dun.
Simula nun parang na-turn off na ako sa kanya na ewan. That made me realize this stupid crush is pointless. Unti-unti ko nang natatanggap ang katotohanan... Nana is a raging heterosexual!
Kailangan ko nang ayusin ang buhay ko bilang isang graduating student. I need to focus more on myself and my studies.
And this ultimately means one thing: KAILANGAN KO NA TALAGANG MAG-MOVE ON!
I, Catherine Santillan, vow to never cross paths again and avoid Natalie Arciaga at all costs. Will my plan succeed or fail?
This is my journey to moving on.
******
A/N: Gulat kayo noh? Ako rin nagulat e! Lakas ng loob ko magsimula ng ganito kahit di pa tapos yung isa. Actually, last year pang nasa drafts ko ang idea na ito. Hehe don't worry.. short story lang naman 'to. Kayang-kaya tapusin agad! 😅
![](https://img.wattpad.com/cover/297911864-288-k798853.jpg)
BINABASA MO ANG
Paano Mag-Move On Kay Crush (GxG Short Story)
RomanceButi pa sa Facebook pwede mag-unfriend. Buti pa sa Instagram pwede mag-unfollow. Buti pa sa YouTube pwede mag-unsubscribe. Sana pwede ko ring i-uncrush ang crush ko. Magiging effective kaya ang aking 5-step plan para tuluyang maka-move on kay crush...