Book 1 (OUR ONE-SIDED LOVE): Chapter 4

833 58 5
                                    


NAPAHINTO sa akmang pagsusuot ng baseball uniform si Hiro nang maramdaman niya ang malakas na tapik sa balikat niya. Nang lumingon siya ay nakita niya si Lei na mukhang kakarating lamang sa club room nila.

"Huy, nagtatampo si Mikha sa iyo. Hindi ka sumipot kahapon. Kapag bigla na lang siyang sumulpot para sermunan ka huwag mong sabihing hindi kita sinabihan," sabi nito.

Napangiwi siya. "Sinabi ko na ngang may nangyari kaya nawala sa isip ko. Besides nakapanood naman kayo ng sine kahit wala ako hindi ba? At hindi ako naniniwalang nagtatampo siya. Kung sinabi mong naiinis siya maniniwala pa ako."

Pumalatak ito. "Sabihin mo iyan sa kaniya. Ano ba kasi ang nangyari na nagpalimot sa iyo sa lakad natin? Nagpaalam ka lang sa amin ni Michael sandali na pupunta ka ng restroom hindi ka na bumalik," tanong pa rin nito.

Sa sinabi nito ay biglang gumitaw sa isip niya ang imahe ni Mari. Mula sa mahabang buhok nito, sa nangungusap na mga mata, sa matangos na ilong at sa mamula-mulang mga labi nito. Maging ang pakiramdam ng balat nito sa kaniya sa tuwing nagkakadikit sila at ang matamis na amoy na nalalanghap niya mula rito na marahil ay dahil sa pabangong gamit nito. He could also clearly remember her awkwardness, her cute way of eating, her blushing cheeks and the way her eyes sparkle everytime she stares at him. Sa lahat ng napansin niya tungkol rito sa loob ng sandaling magkasama sila, ang kislap na iyon sa mga mata nito ang madalas na bumabalik sa isip niya.

Alam niya na kapag sinabi niya kay Lei ang nangyari kahapon ay titigilan na siya nito sa kakatanong. But somehow, a huge part of him doesn't want to tell anybody about what happened. Kaya sa huli ay mabilis na lamang niyang tinapos ang pagbibihis niya, isinuot ang baseball cap niya at tinapik ang balikat ni Lei. "It's a secret," aniya rito.

"What?" litong tanong nito. Subalit mabilis na siyang lumabas ng club room bago pa ito makapagtanong. Nang makalabas siya sa field ay saglit niyang binati ang ilang mga freshmen na unang araw pa lamang sa team nila sa araw na iyon na mas maagang nasa field ng hindi hamak sa mga dati ng miyembro. Pagkatapos ay humugot siya ng malalim na paghinga bago nagsimulang magstretching. Habang ginagawa niya iyon ay hindi niya maiwasang ilibot ang tingin sa field. Huminto ang tingin niya sa isang bahagi kung saan kadalasang nananatili ang mga nanonood kapag may laban sa field na iyon.

Sa isang iglap ay may isang alaalang sumagi sa isip niya. Alaala ng isang partikular na laro nila sa ibang eskuwelahan. Pagkuwa'y tila aparisyong may nabuo siyang imahe ng babaeng nakatayo sa parteng iyon ng field na gaya noong araw na iyon. Nang luminaw ang mukha ng babae ay agad niya itong nakilala. Mari. Yeah, that was how I first saw her.

Ang totoo ay nagsinungaling siya rito nang sabihin niyang hinulaan lang niya ang pangalan nito. Dahil ang totoo ay narinig niyang tinawag ito ng isang babae ng Mari noong araw na una niya itong nakita at una niyang masilayan ang matamis na ngiti nito. Mula noon ay hindi na niya nakalimutan ang pangalan nito. Sa tuwing may game din sila ay hindi niya maiwasang hindi ilibot ang tingin sa field sa pagbabakasakaling makikita niya ito. At sa tuwina ay hindi siya nabibigong makita ito kahit gaano pa karami ang tao o kalawak ang field. She was always watching their game. Ngunit kahit isang beses ay hindi ito lumapit sa kanila na gaya ng ibang nanonood. Sa tuwing tapos na ang game ay bigla na lang itong nawawala. Pagkatapos ng lahat ay bigla na lamang niya itong nakita kahapon bilang transfer student sa unibersidad nila. Coincidence. Naiiling na naisip niya.

"Alam mo na macu-curious lang ako ng husto kung hindi mo sasabihin sa akin ang ginawa mo kahapon. At kukulitin din ako ni Mikha. Ano ang isasagot ko?" untag ni Lei na ikinalingon niya. Nakapagpalit na rin ito ng damit at kasama na nito si Michael.

"Oo nga. Siguro may nakita kang maganda at nakipagdate ka sa kaniya himbis na sumama sa amin manood ng sine. Para tuloy akong kawawang third wheel kahapon kasama itong si Lei at si Mikha," sabi naman ni Michael na sinamahan pa nito ng tawa.

SLU HAWKS TRILOGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon