"Liza! Tama na yang tv. Kumain ka na ng dinner at gawin mo na yung mga assignments mo." Sigaw ni mama sa akin mula sa kusina. Paano kasi, alas-nuebe na pero hindi pa 'ko nakain.
Lumpait naman ang kapatid kong si Maureen kay mama, "Hay naku, ma. Hayaan mo na yang si ate. Hindi na po talaga aalis yan sa puwesto niya hangga't hindi natatapos yung palabas."
Sabay silang pumunta sa akin sa sala. "Oh, e ano ba kasi yang palabas na 'yan? At mas uunahin pa kaysa sa pagkain."
"Forevermore po, ma." Halos sabay naming sabi ni Maureen.
Minsan lang kasi naming kasama 'tong si mama sa bahay. Palagi silang nasa trabaho ni papa, e. Kaya pati mga shows sa tv, hindi siya updated. Si Manang Rhoda lang talaga ang kasama namin, kaso umuwi siya ngayon sa pamilya niya.
"Tumayo naman ako para akbayan si mama. "Ma, promise kakain na po 'ko after nito. Malapit na matapos, oh."
Umupo naman kaming lahat at sabay-sabay na pinanood yung show. Nagtanong din si mama kung ano ba yung kwento kaya naman lumabas ang pagiging madaldal ko at naikuwento ko kay mama yung storya.
"Tignan mo na 'ma? Kabisadong-kabisado ni ate yung istorya niyan. Kapag nagtanong ka sa kanya tungkol do'n, tiyak para mo na ring napanood."
Napatawa na lang kaming lahat sa sinabi ng kapatid ko. Pero totoo 'yon. Sobrang paborito ko kasi talaga yung story nina Agnes at Xander. Sana nga may forever din ako.
"Oh, siya sige. Tapos na. Liza, kumain ka na at gawin mo yang mga assignments mo. Graduating ka na, h'wag puro Forevermore. At ikaw Mau, matulog ka na."
Tumayo na nga ako at kumain na rin, ako na rin ang naghugas ng mga plato. Umakyat na kasi sila sa taas. Pagkatapos no'n ay ch-in-eck ko na kung naka-lock na ang mga gate at pinto. Mahirap na baka may maka-salisi na magnanakaw, e.
Pagkaakyat ko ng kwarto ko, ginawa ko na ang mga assignments ko. Habang ginagawa ko yun, ay naka-on line din ako. Tinitignan ko kasi yung mga reactions ng mga tao sa Forevermore. Tapos sh-in-are ko rin yung 'feels' ko syempre. Nakakakilig kaya. Naging professor ni Agnes si Xander, tapos mag-ex sila. Riot 'yon panigurado.
Pero speaking of professor... magka-college na nga pala ako sa susunod na pasukan. Ang alam ko sa Manila na 'ko mag-aaral. Hmm... ano kaya ang naghihintay sa akin doon? Marami kaya akong mae-experience na bago? Magkakaro'n ba 'ko doon ng maraming friends? Magiging mabait kaya ang mga professors ko? May mala Alexander Grande III kaya doon? Magkakagusto kaya ako kung sa kanya kung sakali?
Will...
I FALL IN LOVE WITH MY PROFESSOR?
BINABASA MO ANG
I FELL IN LOVE WITH MY PROFESSOR [LIZQUEN]
Teen FictionEveryone knows it's wrong... Everyone thinks I'm stupid... Everyone judges me so badly... BUT... Am I the one to blame? Is it my fault? Why love has to be this hard on me? I admit I'm wrong. I know how foolish to fall in love with him... ...