Nandito ako ngayon sa school at nagpapasa ng requirements for enrollment. I decided to study here in Manila, para naman maiba ang environment ko. Mag-isa lang ako na mag-aaral dito, yung mga classmates ko nung high school ay nasa ibang schools dito sa Manila, o di kaya'y do'n din sa'min at mas masaklap do'n ay hindi na mag-aaral. Pagkatapos ko ipasa ang mga requirements ay nagikot-ikot din ako sa campus. Maganda dito, madaming mga buildings at facilities.
Masaya ako, dahil in the first place, ito talaga ang choice ko. Masaya ako at sinuportahan 'to ni Papa kahit si Mama ay ayaw dahil malalayo daw ako sa kanila. May kapatid akong babae na high school na. Ang sabi nga niya ay pag-graduate niya ay susunod siya sa'kin. Dahil dito, nag-decide sina Papa na kumuha ng bahay malapit sa school na papasukan ko. Hindi naman ako mag-isa dahil kasama ko si Manang Rhoda, matagal na namin siyang kasama sa bahay at siya rin ang nag-alaga sa'min ni Maureen nung bata pa kami. Ngayon ay nandito na 'ko sa bahay at nagpapahinga.
"Liza, nandyan ka na pala. Kumusta naman ang pagpunta mo dun sa school mo?" tanong ni manang nung maabutan ko sya sa kusina.
Umupo ako sa kitchen stool at sinabing, "Ayos lang naman po, settled na lahat at babalik na lang po ako sa orientation."
"Ganun ba? Kumain ka na ba? Nagluto ako ng mechado."
Hay, buti na lang talaga at kahit papa'no ay kasama ko si manang dito sa Manila.
"Hindi pa nga po, e. Tamang-tama dahil favorite ko pa po yung niluto niyo. Hehe." Tugon ko sa kanya at tumayo para amuyin ang niluluto nya.
"Alam ko naman yun, kaya sige at magbihis ka na at kumain na."
Pumunta ako sa kwarto at nagbihis. Bumaba na rin ako para kumain. Pagkatapos nun ay pumunta ako sa mall para bumili ng mga gamit sa school. Thursday ngayon, orientation sa Saturday, at sa Monday na ang start ng klase. Grabe! Hindi ako makapaniwalang college na 'ko ngayon, ang bilis parang kailan lang umiiyak pa 'ko pag iniiwan ako ni Manang Rhoda sa school.
Si Manang na talaga ang kasama ko noon pa, dahil may trabaho sina Mama at Papa, palagi silang wala. Pero di kagaya ng ibang bata, di ako sinanay ni Manang na magalit at magtampo sa mga magulang ko. Palagi niyang ine-explain sa'min, kung bakit ganun yung mga nangyayari. Hindi rin naman kami binibigo nila Papa 'pag sinabi nilang uuwi sila o mamamasyal kami. Ngayon lang talaga 'ko malalayo sa pamilya ko, hindi ko alam kung kakayanin ko pero dahil nandyan si Manang, alam ko tutulungan niya 'ko.
Pagkagaling sa mall ay umuwi na rin ako, ang dami ko ngang dala dahil sa mga supplies at books. Nagpahinga na rin ako after ko kumain ng dinner, pero syempre tinawagan ko si Mau para makibalita.
"Hello, Mau" sabi ko agad nung sagutin nya yung tawag.
"Yes, ate. Musta ka dyan?"
"Ayos lang naman ako 'no. I went to my school to pass some requirements, tapos bumili rin ako ng supplies. Eh kayo dyan?"
"Okay lang kami 'te Liza. Miss ka na namin lalo na is Mama. Hehe."
BINABASA MO ANG
I FELL IN LOVE WITH MY PROFESSOR [LIZQUEN]
Roman pour AdolescentsEveryone knows it's wrong... Everyone thinks I'm stupid... Everyone judges me so badly... BUT... Am I the one to blame? Is it my fault? Why love has to be this hard on me? I admit I'm wrong. I know how foolish to fall in love with him... ...