Riv's POV*"NORIII!! hoy bilis bilisan mo nga! Mapag sasarhan na tayo ng gate! Ang kupadkupad mo naman!" Ang bagal talaga kumilos kahit kailan.
"Eto na ako panget, Masyado kang nag mamadali. Chill your houses ah"sagot nito sakin pababa ng hagdan
"Anong chill your houses ka dyan, Gunggong horses yon! Ang engot mo talaga kahit kelan" at tsaka ko siya binatukan.
"Luh bat ka ng Babatok!" Pinan lisikan Niya ako ng mga mata sabay himas sa batok niya "Sumosobra kana kuya ah. Isusumbong kita Kay Mama!" Bantam nito sakin.
"Bakit? Na Bali ba leeg mo?" Sagot ko at staka kinuha na Ang bag ko. "Hindi naman! Ay bahala ka dyan kuya! Nakaka sira ka ng araw" sabi nito at tumingin sa kanyang Relo. Nanlaki Naman ang mga mata nito.
"Oh bakit nanlalaki yang mga mata mo? Trip mo ba maging kwago?" Akmang Babatukan ako nito kaya agad naman akong lumihis at pumunta na sa may pinto.
" Tanga kuya late na tayo!" Bulyaw nito kaya napa takbo na lang ako papunta sa bike ko
"Ang bagal mo kasi e! Kanina ko pa sinasabi saying bilisan mo!" Nakaka bwiset talaga tong babaeng toh
"Kuya bilisan mo na lang sa pag aayos ng bike mamaya kana manermon late na nga tayo e" hindi na lang ako sumagot at inalis ang kadena na naka tali sa bike ko at sumakay na ako.
Umangkas sakin si Nori at kumapit sa balikat ko. Ng maka ayos na siya ng upo ay Sinimulan ko ng mag pedal at dumber deretso na kami.
Ayos lang naman yon dahil wala ng masyadong sasakyan at naka village kami. Angas noh? Baka renejay toh, De joke.
Naka limutan ko ng mag pakilala, Ako nga pala si Rivert Aris Manalo,Riv na lang for short, 19 years old... Fresh na fresh, tsarap tsarap. De joke, second year na ako. Pero muhka paring junior dahil baby face ako, de joke ulit.
Ipapakilala ko na din itong kasama ko. Siya nga pala si Noriel ang bunso, at ang pinaka pangit. Joke
Nag aaral Ako sa Preeminent University. It's not a school for high class people pero hindi Rin naman ito masasabing hindi pag ka mahalan.
Agad naman ako napa tigil sa pag padyak ko ng may nakita akong isang Lola na pina lilibutan ng mga Lalaking muhkang mababaho.
Agad akong lumapit doon at staka kami bumaba ni nori ng bike.
"Lola inaano ka ng mga yan? Sabihin mo saken Lola" bungad ko pag ka lapit ko sa mantandang babae
Bigla na lang ako tinulak ng isa sa mga babahong lalaki "sino ka ba? Bat ka ba na ngangailam dito?" Ang angas nito ah baka gusto nitong maka tikim sakin ah.
"Apo ako ni lola, bakit? Ano kailangan niyo sa kaniya?" Tinignan naman nila ako at ngumisi. Mga panget bat kaya ngumingisi ngisi toh
"Kung ganon ikaw na lang ang mag bigay samin ng kailangan namin" Sabi ng isa sa mga ulupong. Ngayon alam ko na, gusto nila mang holdap tinignan ko sila isa Isa.
Wala naman Silang mga nawawalang parte ng katawan. Muhka namang matitino ang ulo nila at ang sisiksik pa ng mga katawan. Pero bakit hindi na lang sila mag trabaho.
Inilabas ko ang wallet ko at nag labas ng isang libo at itinulak ko sa dibdib nung ng tulak sakin kanina.
Sinamaan naman ako nito ng tingin at staka tinignan yung wallet ko na itinatago ko na.
"Tara na Nori, Lola" aakayin ko na sana pa alis sila ng bigla ako hawakan sa balikat ng isa sa mga ulupong.
"Sinong nag sabing makaka alis ka na? Hindi pa tayo tapos" sabi nito staka ako inangasan ng tingin. Sarap sundutin yung mga mata nito.
Sinabi ko kina nori na Mauna na sila at susunod na lang ako, hindi pa sana siya papayag pero pinaalala ko sa kaniya na late na siya.
Nilingon ko na Yung mga mababaho "Ano pang kailangan niyo? Binigyan ko na kayo ng pera sige na umalis na kayo" tinaasan lang ako ng kilay nung isa sa mga mababaho, tatlo sila to be exact.
Yung Isa ay matangkad at may tattoo sa mga Braso Niya hanggang leeg, yung Isa naman naka sando at ang mga Hita nito ang puro tattoo at dun naman sa isa na tinulak ako ang tanging na iiba naka uniform ito ng tulad sa amin.
"Ano sa tingin mo? Isang libo? Really? Give me the god damn wallet"Sabi nito at staka lumapit at kinapkapan ako. Tinulak ko naman siya palayo na naging dahilan ng Pag urong niya'
Muhkang na inis siya sa Pag tulak ko."Just give it already! bwiset ka, Naki alam kapa kasi! Hindi mo Kilala Kung sinong kinakausap mo bata! Eto ang na papala ng mga pakialamero!" Agad na dumampi sa muhka ko ang kamao niya. Natumba ako, kaya na pahawak ako sa pisngi ko at ngumisi.
Muhkang Lalo itong na inis dahil sa Pag ngisi ko, Tumayo na ako sa Pag kaka salampak ko. Susuntukin ulit sana ako nung mabahong lalaking sumuntok sakin kanina pero agad ko itong na ilagan, Aba ano akala mo boy! Swinerte ka lang.
Suntok lang ito ng suntok at ako naman ay ilag ng ilag. Shadow boxing ba ang trip nito? At hangin yung sinutuntok? Hahahah.
Pero may nakalimutan ata ako. Naka higa na ako sa sahig ng hindi ko na Malayang na suntok na ako ng kasama niya, Sheet black eye toh. Ngayon ko lang din na ramdaman yung sakit. Huhu ang bad nila, choss.
Tatayo pa sana ako pero na kita ko naman na nag labas ng isang lanseta yung kasama nung naka uniform. Gagi, I didn't see this coming. Bahala na si batman.
Think! I need to think quick, Kung hindi mag kaka gripo ako sa tagiliran ko, bigla naman umilaw ang bumbilya ko sa isip. Tumingin ako sa likod ng mga mababaho at umaktong parang nagulat ako sa nakita ko
"gag* May pulis" sabay sabay naman silang lumingon, que ko na yon.Tumayo na ako at tumakbo na ako paalis, hindi pa ako masyadong nakaka alis ng marinig ko Ang mga sigaw nito. Shet! Ayaw ko pa pag lamayan!
Binilisan ko pa lalo ang pag takbo ko, Tumakbo ako na parang wala ng bukas pa pero Kahit anong takbo ko na ririnig ko padin Ang mga hiyaw nila.
"Hoy ungas! Ang bagal ko Tumakbo" tinignan ko kung na saan na Yung mga humahabol sa akin, pero nung nilingon ko sila ay Wala na sila. Pero pag lingon ko sa harap ko andon na pala sila.
'Nabigla naman ako at aktong hihinto na sa pagtakbo pero hindi ko mapigilan Ang mga paa ko at ng dere-deretso na akong na tumba dun sa Lalaking nasa harap ko'
'Akala ko ay tapos na Ang kalbaryo ko pero...hindi pa pala huhu' nag pagulong gulong kami Nung mabahong lalaki dahil pa slope yung kalsada.
Hindi ko na mapigilan ma pahiyaw sa nakita ko " Ahhhhh! Posteeee! Tulonggg! Mamaaaa!" Na pa pikit na lang ako at Napa hawak sa ulo ko 'booogggsshhh' sound effects, hinihintay ko Yung sakit ng pag tama ko sa poste, ilang Segundo pa ang hinintay ko pero wala talaga.
"Aghh...ang sakit, pwede bang tumayo kana?" Napa dilat naman ako agad ng mga mata ko ng may marinig akong mag salita.
Nakita ko si mabaho na naka dikit don sa poste, muhkang siya Ang na puruhan ng poste, agad naman akong na pa tayo. Tinignan ko siya muhkang hirap ata siya tumayo, Kawawa naman.
Ini alay ko yung kamay ko para tulungan siya pero tinignan niya lang ito, Hindi ba nito alam Yung bagay na tulong? Muhkang inosente. Ang cute :-)
Hindi ko na hinintay na kunin niya ang kamay ko at hinila ko na lang ito sa braso niya ng matulungan ko siya maka tayo. Nang maka tayo siya ay tinitigan lang ako nito ng masama
Pinagpag na niya ang suot niya, ilang Segundo na kami naka tayo, hinihintay ko Yung thank you niya :-D
_______________________________________
AN: Eto po itsura ni Riv
YOU ARE READING
Text Mate
Teen FictionMga 1970's pa na uso ang pen pals, it's 2016! Meron ng advance technology! lahat lahat! Meron ng touch screen cellphone! meron na ring mga apps para na ilang minuto lang Ang kailangan at mag Se-send na yung chat mo sa kausap mo! Pero bakit wala padi...