ngayon lang ako magfa-fanfiction, miss ko na kase si Kris eh, huhuhu.
***************************************************************************************************************
My Galaxy BOY......
[Zoe's POV]
"Zoe tigilan mo na yang katititig diyan sa computer, matulog ka na." say ni mommy
"ma, wait lang po, 5 minutes."
"5 minutes. bilisan mo ha, kaya lumabo yang mata mo eh magdamag kang nakatitig diyan sa computer." sabi ni mama at umalis na sa kwarto ko, if you want to know kung anong ginagawa ko, secret na yun... hehehe. uy walang greenminded diyan ha, sige na nga sasabihin ko na....... iniistalk ko lang naman ang timeline ni crush huehue.. oh yan na ha nasabi ko na, wag na kayong mangulit.
tumingin ako sa time ng computer and. ohhmyy. 11pm na. may pasok pa ako bukas.tsk tsk
pinatay ko na yung computer at humiga na sa kama ko.
*pikit
*taas paa sa pader
*takip ng unan sa mukha
walanjo naman oh... hindi ako makatulog. eh kung i-umpog ko kaya ang ulo ko sa pader, hmm siguradong knock-out ako nun...
aish, parang ang sakit naman nun eh, baka pag-umpog ko sa ulo ko sa pader hindi lang ako makatulog, baka makalimot na din ako, tsk
tumayo ako sa kama ko at nagtatalon
"Zoe mapapagod ka rin kaya keep jumping para matulog." sabi ko habang patuloy sa pagtalon ng biglang bumukas yung pinto papunta ng rooftop. na ikinahulog ko sa kama, ang sakit tuloy sa pwet
(a/n: ieexplain ko po yung kwarto ni zoe baka hindi niyo po kasi nagets, ganto po yan sa kwarto niya po tatlo ang pinto isa sa papasok ng kwarto, isa sa banyo, at isa papunta ng rooftop, ok na? gets na ba? oh edi ipagpatuloy na ang pagbabasa.)
"anung ginagagawa mo?"
"AHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!! MULTO!!! MAMA, MAMA MAY MULTO!!! AAHHHHH" sigaw ko saka nagtalukbong nang kumot
"hindi ako multo. huwag kang matakot sakin hindi naman kita sasaktan." sabi nung lalaki, oo lalaki yung nakita ko ibig sabihin lalaking multo.
"AHHHH!!! wag kang lalapit, subukan mong lumapit kukuha ako ng bawang"
"hindi nga kasi ako multo, hindi ka naman ata nakikinig eh." inalis ko na yung kumot sa may mukha ko at nagmulat. asan na yung multo?
"hindi nga ako multo." bigla niyang sulpot, na nakahiga na sa katabi ko
"m-magnanakaw ka no? o kaya r-rapist. Ahh----" hindi ko na naituloy yung pagsigaw ko dahil tinakpan niya yung bibig ko.
"kanina ka pa sigaw ng sigaw, hindi ako yung mga pinagsasabi mo." sabi niya at ngumiti ng malapad
"tara sa rooftop." aya niya, hindi pa man ako nakakapayag eh hinila niya na lang ako pabasta papunta sa rooftop namin.
umupo kaming dalawa sa sahig at inilawit ang aming mga paa sa may raillings.
"pwede magtanong?"
"nagtatanong ka na nga eh." pilosopo tong akyat rooftop na lalaking to.
"saan ka ba nanggaling? anung ginagawa mo dito sa bahay namin?" sabay-sabay kong tanong sa kaniya
"galing ako sa Galaxy--." sabi niya na ikina-bilog ng mga mata ko, at umusog ng kaunti palayo sa kaniya.
"Alien ka?!"