"Prologue" Kuno

491 15 14
                                    

Ipag-palagay na lang nating araw ng huwebes nun ika-16 ng Disyembre 199* around 8 o'clock to 9 o'clock AM natutulog ang mga paniki at aswang nang isilang ang isang super duper ultra megang POGING NILALANG na nasa anyong sanggol.

Sa sobrang ka-pogiang taglay na ipinamalas ng sanggol nabulag  sa sobrang pagkasilaw at napavomit ng rainbows ang kumadronang nag-paanak sa kanyang ina. De joke. Namangha lang siya dahil one in a million lang ang nabibiyayaan ng ganitong shit. @( ̄- ̄)@

Maaring naligtas niya ang buong mundo ng three times noong dati niyang buhay kaya ngayong nareincarnate na siya ay lubos lubos ang biyaya.

Pinagkalooban siya ng kulay blue na buhok, maliliit ngunit matangos na ilong at bilugang mata. Kahawig ng ating bida si kuroko. de joke lang ulit dahil di hamak na mas pogi ang ating bida dun!

Nung nailuwal ang sanggol na nag-ngangalang Juan Carlito M. Yu doon nagkaroon ng pag-asa ang madla. Sumikat muli ang araw sa silangan at nagkaroon ng kulay ang mundo dahil after 1245263772828198736771 years may POGI na ulit sa mundong ibabaw.


***

Ang akdang ito ay 80% nakabatay sa tunay na buhay ng may-akda boy version nga lang. Peace sabay rakk @( ̄- ̄)@

PS. marami kayo ditong matututunan... pramis!

POGIOLOGYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon