Prologue

15 1 0
                                    

Prologue
Nothing more, nothing less

"You're leaving me."

Napangiti ako, pinunasan ang mga luhang tumutulo at saka marahang umiling. This is the last time I'm gonna cry for him. This is the last time, I swear.

"No Seungyoon, I'm not. It is you who's leaving me. Dahil simula pa lang wala naman talaga ako sa buhay mo. Ikaw lang naman ang nakapasok sa sistema ko. This nothing but a one sided love."

Hinintay ko ang isasagot niya. I waited for minutes pero nanatili lang ang tingin niya sa akin. Parang hindi naiintindihan ang mga sinabi ko.

At ang katahimikan niyang iyon ang lalong nagpaiyak sa'kin. Akala ko itatanggi niya ang mga paratang ko. Akala ko sasabihin niyang hindi totoo ang lahat at mahal na mahal niya ako. Akala ko sasabihin niyang huwag ko siyang iwan.

Am I really that stupid to enter this situation? This stupid relationship? Or is it even a relationship to begin with?

"Ang sama mo. All along you gave me false hopes. Ang sama-sama mo. Ako naman si tanga, todo asa naman ako. Kasi ayan na eh! Ang dami mo nang pinahiwatig. But why, Seungyoon, tell why you did those shits? You're too cruel."

Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin. Nilipat niya ang tingin sa lupa.

"I'm sorry." Mahina niyang sabi.

"Isn't it too late for that? 'Cause you already broke my heart. Alam mo, I might accept your sorry kung noong umpisa pa lang sinabi mo na sa'kin na di mo ko gusto eh."

Noon tinanong ko siya kung gusto niya ako, hindi niya sinabing oo. Nag assume lang ako.

Sino bang hindi mag a-assume? Niligawan niya ako! Hatid sundo, gave me chocolates and stuffs. Pinakilala sa Mom niya since hindi pa niya nakikita ang Dad niya dahil nasa Korea ito.

Gusto ako ng Mom niya at lagi akong iniimbitahan pag dinner. Pinakilala niya ako sa mga ka-banda niya at lagi akong kasama sa mga gigs nila.

Paanong hindi ako mag a-assume? Tell me.

"Jane, listen. I like you," That made me laugh sarcastically. "I really do, Jane. Pero hindi pa lang siguro tamang oras. Hindi pa ko handa."

Mabibigat ang titig niya sa akin. Para bang hirap siyang sabihin ang mga iyon.

"You like me? Alright then. Naniniwala ako. Because you're deep in love to your dreams. Kaya hanggang like lang ako sa'yo, right?"

"Hell, yes Jane! Masyado akong lulong sa pangarap ko. Music is my life Jane. Walang pwedeng pumalit ni pumantay doon!"

Nanlaki ang mata ko sa narinig ko. Masyadong tumagos sa pagkatao ko ang sinabi niya. Walang pwedeng pumalit ni pumantay? Hindi ba't napaka-imposible naman niyon?

That alone made me turn my back to him. Ang sakit na talaga eh. Yes I'm aware kung gaano niya kamahal ang musika. Pero ni minsan hindi ko inakalang ipapamukha niya sa akin iyon.

Patuloy sa pagpatak ang luha ko habang patakbo akong umaalis sa lugar na iyon. Ang lugar kung saan sila tumugtog kanina lang.

Dahil pagkatapos mismo ng pagtugtog nila ay nilapitan ko agad siya sa back stage. Feeling ko kasi sasabog na ako anytime pag di ko pa siya nakausap agad.

"Jane wait!"

At tila ba isang robot, at huminto nga ako. Nilingon ko siya.

"This is the last time I'm gonna say this to you, so listen up and savor the feeling. I love you Seungyoon. I love you so much that I'm willing to do anything for you. Loving you makes my heart beat but it destroys me at the same time. Masarap pero bawal. Kaya bago pa ko tuluyang mamatay dahil sa suicidal act kong ito, ibabalik na kita kung saan ka nararapat, sa entablado. That's the right spot for you honey. Not in my heart. Not in anyone's heart too. Nobody owns you anyway."

Nadudurog ang puso ko sa bawat salitang binibitiwan ko. Maybe I'm being selfish here, pero masyado na akong naging selfless. Siguro oras naman para isipin ko rin ang sarili ko.

"Jane, don't do this.. Di ba sabi ko sa'yo maghintay ka pa."

Hinawakan niya ang kamay ko to convince me. But I know it's too late. Kung sana noon pa niya sinabing 'like' niya ako then maybe walang ganito.

Ang simpleng like na 'yon ay sapat na para mabaliw ako lalo. Alam ko ang babaw pakinggan. Pero anong magagawa ko? Ang tindi ng tama ko eh.

I know ang tanga ng dating ko. Pero hindi ba't dapat nagpapakatanga naman talaga dapat sa pag-ibig? You can't call it love if you're using your brain and not your little organ, which is your heart of course.

My fault, I know. I made my self fool out of love, that doesn't even exist.

"Seungyoon, I'm waiting for like three years already. But may progress ba? Wala di ba?"

Natahimik siya at naramdaman ko ang unti-unti niyang pagbitaw sa kamay ko. Napangiti ako ng mapait. Ang bilis naman. Wala pang isang minuto suko ka na agad.

"You can live your dream life now Seungyoon. I wish you a good luck. Naniniwala akong maabot mo ang pangarap mo."

Huminga ako ng malalim para masabi ko nang maayos ang gusto ko. This is way too hard than I thought it would be.

"Then someday we're going to meet again. You as an idol and me as your fan. Nothing more, nothing less."

I'm Just DifferentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon