AMIHAN
“Mga pashnea!” sigaw ko’t bumaba mula sa kinasasakyan ko.
“Ang Sang’gre Amihan!” kanilang hiyaw kaya’t kaagad na nangamba ang lahat.
Hinarap ko sila ng walang takot ngunit poot na siyang lalo ikina-takot nilang lubos.
“Sino ang nang-atas sa inyong gawin ito sa isla ni Cassiopeia? Mga walang hiyang nilalang!” aking tanong ng pasigaw sa mga ito.
Nagsimula lamang silang sumugod kaysa sagutin ako na hindi ko inatrasan.
Inikutan nila ako kaya’t hindi ako nag-dalawang isip na gamitin ang aking kapangyarihan upang tangayin sila ng napakalakas na pagsabog.
Tuluyan silang natumba’t namatay.
“Mahusay, Amihan. SANG’GRE, Amihan.” diing bungad ng sinumang salita.
Napantig ang aking tenga lalo pa’t nabosesan ko kaagad iyon.
“Avria,” humarap ako at hindi nga ako nagkamali. Si Avria nga. “Avria. Hindi nga ako nagkamali.” ngiti ko rito. At batid kong batid niyang kunwaring ngiti lamang iyon. Na siyang ikinangiti rin niya pabalik. “Ang traydor na SANG’GRE ng Etheria.” lumapit ako. “Isang Sang’gre na hindi nararapat maging tagapag-mana sa ni isang kaharian!”
“Pashnea, Amihan!”
Sinubukan niya akong gamitan ng espada na siyang tinapatan ko rin ng aking sariling sandata.
Ngunit sindak ang aking naramdaman ng hawakan niya ang bandang likuran ko’t unti unti kong naramdaman ang panliliit at panghihina ng katawan ko.
Hanggang sa matumba ako.
Ako’y nabigla dahil sa pagka-tumba ko ay bumalik na ang dati kong lakas. Ngunit nakakulong na ako.
Sa isang....bolang kristal?
“Pashnea, Avria! Pakawalan mo ako!” sigaw ko kahit alam kong nabalot lamang ng kristal ang boses ko. “Avria!”
“Poltre, mahal kong Amihan. Kailangan pa kita laban kay Mine-a.” huli niyang ani’t naramdaman ko ng naglaho ito.
‘Pashnea. Mine-a, mag-ingat ka kay Avria!’
•••••••••
MINE-A’S
‘Pashnea. Mine-a, mag-ingat ka kay Avria!”
“Amihan!” sigaw ko’t tuluyan na nga akong nagising.
Napahinga ako ng malalim at napahawak sa aking dibdib dahil sa pangamba na aking naramdaman sa aking panaginip.
May nais bang ipahiwatig sa akin ang aking kapatid?
“Mahal na reyna.” napatingin ako sa aking tabi’t naroon na pala ang isang dama.
“D-Dama,” aking saad rito. “May kailangan ka ba sa akin?” tanong ko sa kaniya.
“Nasa punong bulawagan po ang Sang’gre Amihan, hinihintay kayo.”
Tumango ako kaya nagbigay galang ito bago umalis sa aking harapan.
“Amihan....” bigkas ko sa pangalan ni Amihan.

YOU ARE READING
Encantadia
FantasyEncantadia is an enchanted realm comprised of four kingdoms namely Adamya, Sapiro, Lireo and Hathoria. Each kingdom bears a magical gemstone under the natural elements of fire, air, water and land. These gemstones are also critical in holding the ba...