IMAW
“At doon na nga nagsimula ang away ng Etheria sa Lireo. Noong malaman ni Reynang Mine-a na si Avria pala ang nagpanggap na Adhara at hindi ang kapatid niya.” kwento ko sa mga bata.
“Ano na pong nangyari sa Etheria matapos ang laban?”
“Kung titignan, mas malakas ang Etheria noon dahil may sing lakas sila ng isang bathaluman. Pero noong malaman ng Hathoria at Sapiro ang nangyari, sila’y tumulong sa Lireo dahil matinding paghihirap din ang ginawa ng Etheria sa buong Encantadia.”
“Talaga po bang kaanib natin ang Hathoria noon, Lolo Imaw?” tanong ng isang bata na ikinahinga ko ng malalim.
Tumango ako sa bata. “Oo. Kakaiba ang Hathoria noon. Ngunit simula ng malaman nila ang tunay na kapangyarihan ng mga brilyante, hindi na sila naging kaanib kundi mahigpit na kalaban na ng Encantadia.” sagot ko sa kanilang katanungan. “Kaya nga nasira ang aming tahanan dahil sa mga Hathor. Kasabay ng pagkabagsak ng Sapiro—”
“Nunong Imaw.” may tumawag sa aking ngalan.
Ng tignan ko iyon ay ang Reynang Mine-a pala. “Oh siya mga bata. Bukas natin ipagpapatuloy ang aking kwento.” aking paalam sa mga bata.
Pumunta na ako sa Reyna na hinihintay pala ako. “Anong kailangan sa akin ng mahal naming Reyna?” tanong ko sa kaniya.
“S-Si Gio, Lolo Imaw.” at nagsimula na siyang umiyak ng banggitin niya ang pangalan na iyon.
“Mine-a!” inalalayan kaagad siya ni Aquil, ang Punong Kawal.
“Mahal na Reynang Mine-a, ano ang nangyari sa ikalawa ninyong supling? Anong nangyari sa Sang’greng Gionne?” deretso kong tanong sa Reyna.
“Nais siyang paslangin ni Hagorn, Imaw. Sinubukan na niya ito kanina.” umiiyak na sumbong niya sa akin.
“Si Amihan. Gaya ni Amihan, ngunit—”
“Tama ka, Imaw. Gaya ni Amihan. Pareho lamang silang nagdadala ng poot sa akin kaya’t anong pinagkaiba, Nunong Imaw?” nagtuloy ito sa pag-tangis.
“Ipagpatawad mo, Reyna Mine-a. Ngunit kung sana’y narito pa si Adhara, hindi ka mag-iisa.” iling ko sa kaniya.
“Nuno, ako’y labis na nagsisisi at sinumpa ko ang kapatid ko sa maling pag-aakala.” mayroon ngang pagsisisi sa kaniyang tinig habang sinasabi iyon.
“Mine-a!” may isang tinig pa ang tumawag sa kaniyang ngalan.
“Raquim!” tawag ng Reyna sa minamahal niyang Prinsipe.
“Mahal na Prinsipe.” nagbigay galang si Aquil sa Prinsipe gayon din ako sa kaniya.
“Si Gio. Nabalitaan ko ang nangyari. Nasaan ang aking anak, Mine-a?” tangi lamang tanong niya ng ito’y makarating.
Tunay ngang wala ng higit na mas importante sa Prinsipe kundi ang nag-iisa nitong anak kay Mine-a na si Gionne.
“Mabuti na ang lagay ni Gio ngayon, Raquim.” humiwalay siya sa amin kaya ako’y kinabahan na. “Ngunit hindi ako malalagay sa katahimikan hangga’t hindi ko napaghihigatihan si Hagorn.”
“MINE-A!” sabay sabay naming sigaw ngunit tuluyan ng nawala ang Reyna namin.
“PASHNEA!” sigaw ni Raquim ng dahil roon.
“Aquil, samahan mo ang Prinsipe ng Sapiro sa silid ni Gio upang masilayan nito ang kaniyang anak.” utos ko na lamang sa punong kawal.
Sinunod iyon ni Aquil kaya’t huminga ako ng malalim.
YOU ARE READING
Encantadia
FantasyEncantadia is an enchanted realm comprised of four kingdoms namely Adamya, Sapiro, Lireo and Hathoria. Each kingdom bears a magical gemstone under the natural elements of fire, air, water and land. These gemstones are also critical in holding the ba...