Chapter 1: hallway

6.3K 57 1
                                    

Xyrille pov:

Hi guys' today is our back to school after a long christmas and new year break and i will admit hindi pa ako handang pumasok muli but what choice do i have ? 

Besides konting kembot nalang din naman at graduate na ako sa pagiging high school but the question is will i able to graduate this last year? Psh!

"Xyyyy!!!!!!!!" Malakas na sigaw ng magaling kong kaibigan na animo ay hindi kami nagkita the whole break

Dinamba niya ako ng yakap kaya napatingin ang ilang chismosa at chismoso samin " wahh namiss kita at gaga ka dika manlang nagsabi na papakulay ka ade sana nagpakulay din ako!" Nakangusong usal niya habang tinitignan ang bagong kulay kong buhok

Ang itim ko kasing buhok ay pinakulayan ko nung nakaraan out of boredom lang din buti nga ay hindi bangs psh! Pero ngayon ang kulay ng buhok ko ay madilaw dilaw na blonde ganon

"Eh bat ko nanan kasi sasabihin sayo eh alam ko namang magpapalibre ka lang—-

"Ang sama ng ugali mo" saad niya kaya ngumiti lang ako at iniwan siya don

Bahala siya don daig pa kasi niya ang mahirap sa mahirap kung makapag palibre akala mo wala talagang pera when in fact she's rich ni kaya nga niyang bilin ang mall pero sadyang matipid si gaga pero pagdating sa jowa ay daig pa presidente sa sobrang galante

"Hoy hintayin mo naman ako! Parang siraulo!" Rinig kong usal niya pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makita kona ang lilikuan kong pasilyo

*blag*

"Ouch" nagulat ako ng saktong pagliko ko ay may nakabungguan ako kaya napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa babaeng nakasalampak ngayon sa sahig

"Sorry....here let me help you pasensya na talaga di kita nakita——

Napatigil ako sa pagsasalita ng mag angat siya ng tingin at parang huminto ang lahat sa paligid ko at tanging siya at ako lang ang naririto

What the fuck xyrille!

"Hoy! Gago buhay ka pa ba?!" Nabalik ako sa wisyo ng marinig ang malakas na boses ni jennie na nandito na pala at nakatayo nadin ang babaeng nakabungguan ko kaya naiwan sa ere ang kamay ko

Napapahiyang binawi ko ang kamay ko " ah pasensya na pala sa katangahan nitong kaibigan ko haha" napairap ako sa sinabi ni jennie

Tinignan ako nung babae nato mula ulo hanggang paa kaya napalunok ako

Grabe ang ganda niya! Bakit ngayon ko lang to nakita dito? Anong grade naba siya? Shitt nakakaakit ang kagandahan niya para siyang anghel na hulog ng langit

*fake cough*

Nahihiyang napaiwas ako ng tingin ng makitang kumunot ang noo niya.

Gosh nakakahiya ano ba xyrille umayos ka nga

"A-ahm pasensya na talaga di kita napansin kanina—-

"It's fine but next time look at where are you walking para dika nakakabunggo" napayuko ako sa sinabi niya

But i'm lucky to bump with you. Ayiee!

Hinila na ako ni jennie ng magbell na kaya naman napasibangot ako " bat ngayon ko lang nakita yon?" Tumawa si jennie ng makaupo kami sa pwesto namin

Wala pa yung ibang tropa baka late or tinamad pumasok since first day palang naman at siguradong may hang over pa ang lahat pati ang teacher

" seriously? Hindi mo kilala si Zara Quinn Hidalgo ang hottie ng BS Management course at oo alam kong maganda siya kaya nga boyfriend niya ang gwapong gwapong si Wayne Vasquez ng engineer department at certified mvp ng school noong high school days nila"

Ay may boyfriend napanguso ako sa sinabi niya so college na pala sila? At malayo ang business management building dito samin kaya siguro diko din siya nakikita but her boyfriend kilala ko ito dahil crush to ng isa kong kaklase

Sayang naman

The class went smoothly at diko na ulit nakita si zara hanggang sa maguwian na kaya naman sa parking lot palang ay naghiwalay na kami ni jennie since we brought our own cars

Sa condo na ako nakatira since my first year in highschool kaya ibigsabihin ever since naka hiwalay na ako sa magulang ko

Wala lang gusto ko lang and besides wala din naman sila lagi dahil sa kanya kanya nilang trabaho my dad is a businessman while my mom is a doctor kaya parehong busy

I have two siblings na parehong nasa ibang bansa doon nag aaral ng kolehiyo kaya in short i'm all alone

KINABUKASAN

"Gago kayo di kayo pumasok kahapon andami naming ginawa tas sabi pa ni mam may plus five daw kami sa exam kasi pumasok kami kaya kayo..." panloloko ni jennie kila lisa na hindi nga talaga pumasok kahapon

"Wee?! Totoo ba gago? Unfair naman ni mam bat nung last day of school last year konti lang kami pumasok pero wala namang plus five!" May pagka uto uto kasi si lisa kaya tinawanan siya ni jennie

" special kasi kami at alam moba diba kilala mo si Zara Hidalgo ng Bs management?" Napaarko ang kilay ko sa sinabi ni jennie  " oo yung jowa ni wayne, bakit ano meron break naba sila?" Napanguso ako

Oo nga pala kahapon pag uwi ko sa condo ay agad Kong inistalk si zara at ang sakit nila sa mata ng jowa niya ang sweet kasi at nakakasura ang pagkasweet hindi bagay

" hindi pero etong kaibigan natin mukang natipuhan pa si zara pano ba naman nakabungguan niya kahapon kaya ayon na love ag first sight ata" nanlaki ang mata ko " hoy! Grabe ka naman sa love at first sight hindi ba pwedeng nagandahan lang?"

Yes po opo hindi po ako straight tulad ng iniisip niyo and hindi ako nahihiya na hindi ako straight at nagkakagusto ako sa babae dahil sariling pamilya ko nga ay masaya at suportado ako sa gusto ko eh kaya anong nakakahiya doon?

And besides walang masama magkagusto sa kapwa babae as long as Wala kang tinatapakang ibang tao at mabuti ang hangarin mo sa kapwa mo

" we di nga? Malas mo gurl alam mo bang straight as pole pa si zara at tsaka may boyfriend yon sa pagkakaalam ko nasa tatlong taon na silang dalawa" another heart ache hmp!

Kaasar naman huhu sayang ganda pa naman niya but i guess hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko? Hehe hanap nalang siguro bagong crush for sure madami niyan sa college department

Tama tama madami pang maganda at tipo ko hindi ako mauubusan bwahahaha

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon