The Fres Candy (Short Story)

71 4 0
                                    

Unang araw ng Pasukan. As usual, maraming estudyanteng nakakalat. May ibang nagiging emotional dahil nagkita-kita silang magkakaibigan. May mga lovers, may nageemote. May Pasikat. Hinahanap kung saan ang classroom nila. May loner at iba pa.

Si Hilda Collins, isa siya sa mga naghahanap kung saan ang classroom niya. Inisa-isa niya yung bawat classroom. Nagtanong siya sa isang babae na nakatambay sa labas ng classroom.

"Excuse me, can I ask a question? Is this Section A? Ahh gold?" Mahinhin na sabi ni Hilda. Isa siyang pilipina pero nanirahan siya sa America ng ilang years. Pinay talaga ang hitsura niya. Hindi halata sa kaniya na nanirahan siya sa America ng ilang years.

"No, you see that last room? *tango* that's Section A."sabi ng dalaga.
Mabuti nalang at Ingles ang sinabi ng dalaga. Di pa masyado makaintindi ng tagalog si Hilda dahil ilang months pa lang siya naninirahan ng 'Pilipinas'. Naglakad patungo si Hilda ng last room. Pero nakakailang yapak pa lang siya ng marinig niya ang mga tawanan ng mga tao sa kaniyang likuran.
"Uto-uto!" rinig niyang sigaw. Pero hindi nalang iyon pinansin ni Hilda dahil hindi niya alam kung anong ibig sabihin nun.

Nagring na ang bell, sakto yun dahil nasa pintuan na si Hilda. Pumasok siya ng walang alinlangan.Pinihit niya yung doorknob. Nagulat siya sa nakikita niya. Mga estudyante na naghahagisan ng papel, natutulog,nagsasoundtrip at iba pa. Gulat pa rin ang hitsura niya. Tinignan siya ng mga estudyante.

"Hoy! Umupo ka na nga! Attention Seeker ka ?!" Agad na nagising si Hilda. Umupo siya sa isang bakanteng upuan sa bandang likuran. Uupo na sana siya pero biglang nagtayuan ang mga estudyante "Good morning Ma'am Felly..." sabay sabay na sabi ng mga estudyante.
"Good morning class. Sit down" sabi ng guro.

Umupo na ang mga estudyante at nakatingin lang sila sa guro habang iniiscan ang listahan ng mga estudyante.
"When I call your name say Present."
Isa-isa ng tinawag ang mga estudyante pero di pa rin tinatawag ang pangalan ni Hilda. Tumayo ang guro at magtuturo na sana pero nagtaas ng kamay si Hilda.
"Excuse me ma'am but you didn't called my name." mahinhin na sabi ni Hilda. Napakunot ang noo ng guro.

"Ano ba ang pangalan mo, nak?"
"Hilda Collins po."
Agad na kinuha ng guro ang papel at binasa ulit yun.
"Your name is not on the list Ms.Collins" nagulat si Hilda.

"B-but..."
"Anong section ka ba nilagay?"
"Section A-Gold po..."

"Tanga pala to eh"
"Mukha ba tayong taga Section A?"
Mga bulungan ng mga estudyante. Kahit di yun naintindihan ni Hilda. Alam niyang masama at patungkol sa kanya yun.

The Fres CandyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon