Chapter 1

80 1 0
                                    

/Alliah/

6:50

Kagigising ko lang, di ko namalayan na 6:50 na pala.

"Shit, malalate na ako, lagi nalang ako late sa subject ni Sir Ryan," habang sinasabi ko yun ay lumabas ako at bumaba papunta sa kusina, pero nagulat ako dahil nakita ko sina Sir Carlos at Ms. Remy na nakaupo sa sala at parang may pinaguusapan sila nila papa.

"Uy, Alliah, gising ka na pala. Halika rito at may paguusapan tayo, mas mabuti na kung mas maaga naming sasabihin sayo ito." Sabi ni papa.

"Good morning po, Ms. Remy at Sr. Carlos," sabi ko sakanila at ngumiti naman sila sa akin.

"Alliah, napagusapan namin na ilipat ka na ng paaralan," sabi ni mama

"Bakit po ?," sabi ko,"Ano po bang problema ?" nalilito kong tanong sakanila.

"Alliah, ang problema lang ay mayroon kang natatagong kakayahan na-," hindi na naituloy ni mama ang kanyang sinabi dahil pinigil ito ni papa.

"Ms. Remy ? Sir Carlos ?," tinignan ko sila.

At parang nakita ko na biglang naging blue ang mata ni Sir Carlos at bigla din naging black, hindi ko alam kung namalikmata lang ako pero sigurado ako sa nakita ko.

"Alliah, you are transferring to...,"

*****************************************************************

Bigla akong ginising ni mama at sabi niya na malalate na daw ako kaya kailangan ko ng mag madali.

Huminga ako ng malalim dahil nalaman ko na panaginip lang pala ang lahat. Pero hindi ngayon ang tamang oras para sa ganun. Kailangan kong magmadali.

Mabilis akong kumain ng agahan at naligo, siguro 6:47 na nung matapos ko na gawin ang lahat ng kinakailangan ko bago pumasok sa school.

Kasalukuyan akong nagaaral sa Riverside Highschool. Wala naman talaga akong interes sa mga tao dito at wala akong balak na makipag-kaibigan sakanila okay na saakin yung kaibigan kong si Ashley. Mabait siya at makakapagkatiwalaan.

Nasa kalagitnaan naman kami sa paguusap ni Ashley nang biglang pumasok si Sir Ryan sa classroom. "Good morning, class," nakangiting sabi niya.

"Good Morning Sir Ryan," sabi naming lahat kay Sir.

bigla namang tumingin saakin si sir kaya bigla na lamang ako nakaramdam ng awkwardness kaya umiyas ako ng tingin.

"Miss Barcinal, pinapatawag ka nga pala ni Sir Carlos sa principal's office, pumunta ka na daw doon," At habang sinasabi yun ni sir nagkaroon naman ako ng lakas na tignan siya, nakita kong biglang naging parang navy blue yung kulay ng mata ni Sir Ryan at bigla din naging black na parang nangyari sa mata ni Sir Carlos sa panaginip ko.

Agad naman akong pumunta sa office ni sir Carlos.

The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon