Chapter 2

32 0 0
                                    

Agad naman akong pumunta sa office ni Sir Carlos

Nasa hallway palang ako papunta sa principal's office ay nakita ko si Miss Remy na kalalabas lang galing sa principal's office. Papalapit na ako kay Miss Remy na naglalakad din sa direksyon ko.

"Good morning po Ms. Remy," pambungad ko sakanya
"Good morning Alliah, hinihintay ka na ni Sir Carlos sa office niya, sige mauuna na ako sayo." ayun na lamang at umalis na si Ms. Remy

Kumatok ako sa pintuan ni Sir Carlos at binuksan ang pinto pero ang nakakapagtaka ay nakatayo si Sir Carlos at nakatalikod.

"Good morning po Sir Carlos," sabi ko, "Pinapatawag niyo daw po ako," nakangiti kong sabi sakanya.

Humarap sa akin si Sir at nakita ko ang mata niya na naging blue at bigla din naman naging black binalewala ko nalang ito at baka namamalikmata lang ako pagkatapos ay sinenyasan niya ako na umupo sa upuan na nasa harapan niya, agad naman akong sumunod. Umupo din siya at parang may kinuhang asul na sobre at ang nakakapagtaka ito dahil parang may pagkahologram yung envelope.

"Alliah, tanggapin mo ito at basahin mo ang nasa loob nito," nakangiting sabi ni Sir at binigay sa akin ang sobre na hanggang ngayon ay sobra pa din akong nagulat sa kulay nito di ko akalaing may gantong kulay ma sobre.

Sa loob ng sobre ay may nakasulat na 'You're officially a student of Westfield Academy' nakakagulat din yung kulay ng papel dahil hologram yung kulay ng papel at parang 3D yung pagkakasulat sa papel.

Kung magtatransfer ako dito sa school na ito ay paano na lamang yung pagaaral ko dito sa Riverside ?

Sinabihan din pala ako ni Sir na wag daw ipagsasabi sa iba kong kaklase dahil baka pagdudahan daw sila ng mga estudyante. Um-oo nalang ako. Sabi ni Sir ay umuwi na daw ako. Pero hintayin ko daw na makarating si kuya Alfred na ibaba yung gamit ko at ihatid ako palabas ng school.

Pagkauwi ko ng bahay ay agad kong hinanap sina mama at papa. Sinabi ko sa kanila lahat ng nangyari sa eskwelahan ko kanina. Pagkatapos kong ikwento sa kanila tuming si mama kay papa at sinabi na "They're making their move," at ngumit siya kay papa na ikinatuwa din niya.

Sobrang dami nang nangyari sa araw na 'to, nanaginip ako na lilipat ako ng school tapos ngayon nagkatotoo nga na lilipat ako ng school. At bakit ko nakita na nagiiba yung kulay ng mata nina Sir Ryan at Sir Carlos kanina. Sobrang sakit na ng ulo ko. Naligo muna ako at nagpalit ng pantulog at humiga ako at hinayaan ang sarili ko na tangayin ng antok.

The QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon