Epilogue: The Win-Win Situation

14.2K 318 72
                                    


EPILOGUE

JUSTICE informed her parents and her brothers that she would just inform them again once she flies to USA. Laking tuwa naman ng mga batugan niyang kapatid at hindi na maaabala ang mga ito.

Alistaire returned to USA alone dahil hindi na halos tumayo si Justice at Pierre sa sofa sa kaka-make love that day. Tinawagan na lang niya ito na hindi na siya sasabay. Pina-cancel na rin niya ang flight niya. Sabi naman niya sa sarili, her friend would be fine. For sure ay may mabibingwit na itong mga 'blue eyes white dragon' doon.

Hindi nag-resign si Justice sa Sofisticada. Siya pa rin ang naging resident FFF columnist, pero dalawa na sila ni Jubilee na halinhinang sumusulat sa column na iyon. She continued the heartbreaking article last February with a new one, answering all the questions left behind with a love story that lasts forever.

Hindi na rin itinuloy ni Justice ang pagbebenta sa bahay niya. It would be her and Pierre's love nest. Doon sila maglulugawan. Doon siya kakain ng pandesal, hotdog at itlog. At siyempre, bawal ang malalanding tilapia.

A few months later after studying, dinala naman ni Pierre ang textile business ng pamilya nito sa Pilipinas. Nag-boom ang negosyo nito dito. Because of that, Justice made a review out of it in her column. At kada seventeenth of the month, hatid-sundo pa siya nito with their Perari, Bokswagen and Mersedes na dati ay sa Tap Gir lang nito nakikita.

Every once in a while, bumibisita sina Justice ni Pierre sa ampunan. Nagpatuloy ang pagtulong nilang dalawa sa mga batang naroroon. At humiling pa sila kay Father Eduardo na ito ang magkasal sa kanila. Nagpaunlak naman ito dahil gusto rin nitong ibalik ang maraming naitulong ni Pierre dito at sa bahay-ampunan.

Malvar and Dang got married in Germany. Doon na nanirahan ang mga ito dahil bumenta ang bagong imbensyon nito na ispeyshal goto with Frankfurt sausage. Nagsu-swimming na rin ang mga ito sa salapi.

Vera was very happy with her husband and children. Minsang nagkita-kita silang muli at nagkapatawaran sa nangyari. Her husband even became Justice and Pierre's legal consultant. Tama naman ito na win-win situation nga ang nangyari sa kanilang lahat nang nagbalik ito.

After a long time, nilabhan na rin ni Justice ang sando ni Pierre. Hindi naman na raw niya kailangang amuy-amuyin iyon dahil puwede naman daw na dumiretso na lang siya na samyuin ang katawan nito. Kanyang-kanya rin naman na daw iyon, at wala nang ibang magnanakaw pa.



•••WAKAS•••


🎉 Tapos mo nang basahin ang Hot Intruder - Pierre: The Compassionate Intruder (PUBLISHED under PHR) 🎉
Hot Intruder - Pierre: The Compassionate Intruder (PUBLISHED under PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon