Chapter 2- Minature Garden

73 2 0
                                    

"Sa wakas dumating na rin ang prinsesa!"

Napatingin agad ako sa likuran ko. Nakita ko may apat na lalake ang nakatayo. Serious ang mukha ng isa habang ang tatlo sa kanila ay naka ngiti.

"Ang tagal mo ha!" Sabi ng isa na color brown na buhok sabay yakap sa akin. Napa atras ako ng konti. Kilala ko ba sila?

"Ginulat mo si hime." Sabi ng isa namay dalang payong. At ano sabi niya hime? Napa taas naman ako ng kilay. Taga samiko ba ang apat nato at pinag tripan lang ako. Last time i check na sa riverbank ako at..... NAHIMATAY AKO! Tiningnan ko ang apat. Baka syndicato ang mga to at ang invitation ay bagong drugs. Tama!

"Hindi kami criminal!" Sabi ni blue. Haha hindi ko kase kilala kaya haircolor na lang muna. Nabasa niya ba utak ko?

"P-Papano mo nabasa ang ut--"

"Naka pinta sa mukha mo!" Sabay tawa ng mga kasama ni blue. Pinagtatawanan ba nila ako?

"Pasensya kana hime-sama ganyan talaga si Kashiro woman-hater eh!" Napatingin ng masama si blue este si Kashiro sa kay Violet. "Anyway ako si Arata at ang nakapayong ay si Takto at ang hyperactive na yumakap sayo ay si Kenta." Nilahad niya ang kanyang palad para mag shakehands. "At anong pangalan mo hime-sama?"

Sasabihin ko na sana ang pangalan ko pero biglang umepal si kenta at tinakpan ang bibig ko. "Yung nickname mo hime hindi ang totoo mung pangalan!"

"Pasensya hime-sama. Wag mung sabihin ang totoo mong pangalan" sabi ni vio--Arata. Tch. Nasanay na ako sa colors. Pero nickname? Diba pweding Ami lang?

"Bilisan mo!" Sabi ni Kashiro.

"Kuro!" Sabi ko. Ngumiti naman ulit ang tatlo except kay blu--Kashiro! Nilihad ni Kenta ang kamay niya. "Hali kana Kuro hime!" Hinawakan ni kenta ang kamay ko. Napataas naman ako ng kilay. Hindi ba sila natatakot sakin? Usually ang reaksyon ng mga tao sakin either iiwasan nila ako or awayin. Pero aawayin muna nila ako bago nila ako iwasan. Nag buntong hininga na lang ako.

***

"Okey ka ba hime?" Nag alalang tanong ni kenta.

"Better!" Note the sarcasm. Imagine labing-anim na bukid ang nilakad namin. Tapos tatanungin ako ni kenta Okey lang ako? Tch. I-D-I-O-T!

"Pasesnya kana hime kung alam ko lang na ang weak mo edi piniggy back ride kita" sabi ni kenta. Insulto ba yun?

"Wag mo nga ako'ng tawagin hime. Diba sabi ko pangalan ko ay Kuro!!" Mataray kung sinabi. "At hindi ako WEAK"

"Sorry hi-este Kuro!" Sabi niya sabay smile. Napa smile na rin ako. First time kase na may nag sabi na WEAK ako sa harapan ko. This guy has guts.

Naglakad kami ng ilang metro bago kami nakarating sa isang malaking gate. Nag clap ng hands si arata at bumukas ang malaking gate. Galing!
Pag kapasok ko sa loob..... ang Ganda. Naka line up ang mga puno in a straight line tapos may mga pillars na may rose vase. Sa gitna naman ay isang malaking fountain at naka palibot dito ay mga blue,silver,red at white roses. At may Mansion sa pina ka dulo. Parang victorian style.

"Kuro e sira mo ang mouth mo baka may maka-pasok na langaw" pabiro na sabi ni kenta. Nag rolled eyes lang ako sakanya. Ang ganda talaga. Teka mag lalakad ulit ba kami papunta ng mansion na-nasa pinaka dulo?

"Oo" tumingin ako sa right side ko at nakita ko si kashiro. Mind reader ba siya?
Lumuhod si kenta sa harapan ko "sakay na kuro!"

"Huh?"

"Your tired at kailangan mo ng mag pahinga kaya sakay na!" Hinawakan ko ang leeg niya at napa hawak naman siya sa bewang ko at tsaka nag jump siya Sobrang taas at nag landing kami sa front door ng mansion. Tiningnan ko lang na masama si kenta. Kaya niya palang tumalon ng ganong ka taas. Tch.

"Oh nandyan na pala kayo kenta!" Muntik na akong matumba dahil sa sobrang gulat mabuti na lang na salo ako ni kenta.

"Pasesnya na late kami Sensei!" Sabi ni Kashiro. Hinwakan ako sa bewang ni kenta baka kase mabigla naman ulit ako at matumba. Nakita ko'ng tumawa ang lalake na tinawag sensei ni Kashiro.

"Nice to meet you hi--"

"Kuro" at nag shakehands ako sakanya. Naiinis na kase ako sa hime eh. Tumawa lang si sensei.

"It's Tohrou!" Sabay smile. "Welcome sa Minature Garden hime-sama!"


Kuro KamiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon