~~~
Dreia
Maaga akong nagising kinaumagahan para mag asikaso at mamili nung mga nilista ni Simon. Nagpaalam lang ako kay nanay ng maayos dahil may pasok siya ngayon.
Mag isa akong pumunta ng mall para mamili, pagkatapos ko mamili ay kumain lang ako at umuwi narin.
Nagulat pa ako nung naglalakad na ako palapit sa bahay namin ay nandoon si Simon nakaupo sa labas. Nakasimangot at halos hindi na maipinta ang mukha.
"sir? anong ginagawa niyo diyan?"
"I told you to stop calling me sir when we are not in office." nakasimangot niyang sabi.
"suplado mo naman." bulong ko.
"what?"
"wala sir ay este Simon. Ano ba kasi ginagawa mo dito? e diba sabi mo gabi pa ang biyahe natin?"
Inaya ko siya papasok ng bahay dahil pinag titinginan kami ng mga kapit bahay namin, baka nakilala siya.
"san ka galing?" tanong niya sakin.
"ay hala? diba nagbigay ka ng list sakin ng mga ipapabili mo? nakalimot agad?"
"hindi ka man lang nagsabi, wala ka palang kasama edi nasamahan sana kita." sabi nito nakaupo na sa sala, feel at home lang.
"hindi ka naman nagsabi kagabi na sasamahan mo ako, tiyaka sir-"
"sabi ko Simon." pagputol niya sa sasabihin ko. Nakasimangot ko naman siyang tiningnan.
"sige Simon, tsaka wala akong number mo." sabi ko dito.
Napatingin naman siya sakin, tinitigan niya ako na parang may nagawa akong kasalanan sa kanya. Tumalikod nalang ako at inayos ang mga gamit ko pati narin ang pinamili ko.
"give me your phone." sabi nito na kinagulat ko dahil nasa likod ko na siya.
"bakit?"
"just give me."
Inabot ko naman ang cellphone ko sa kanya, may tinipa siya sa dito at inabot narin niya pabalik sakin.
"nagtext ang crush mo."
"sino? si Joshua?" tanong ko.
"its Shawn." bumalik narin ito sa sofa at umupo ulit, pinanuod lang ako sa ginagawa ko.
"hindi ko nga crush yun, biro ko lang yun. Ikaw kasi masyado kang epal." saad ko.
"what did you just say?"
"wala sir ay este Simon."
"whats epal by the way?"
"epal, papansin."
"and you think I'm epal?" seryoso niyang tanong.
"joke lang, ito naman di na mabiro."
"I don't have time for your jokes Chandreia."
"ako din sir wala." sabat ko.
"are you making fun of me?" seryoso niyang sabi.
"huh? hindi ah! gutom kaba si-Simon? mag oorder ako ng pagkain para sayo." tanong ko.
"sasama kana sakin-"
"san tayo pupunta?!" pag putol ko sa sasabihin niya.
"patapusin mo ako."
"mag ano?"
"you know what? you're getting into my nerves Chan." seryoso niya na talagang sabi.
"may ganon?" tanong ko.
YOU ARE READING
Only Hope (a Simon Marcos fan-fiction story)
FanfictionLife will never be fair, it will never be fair to love someone that is so hard to reach. Sa katayuan palang ng buhay ay hindi na kayo magkatugma. Paano ka nga ba mamahalin ng isang taong hindi mo ka estado sa buhay? Yung tipong hindi naman iisang ha...