Second Chance

17 1 4
                                    

1. EXT. TAPAT NG BAHAY NI ABBY. NIGHT

Pagkatapos ni JOEBEN, 26, i-park ang kanyang kotse sa tapat ng bahay ni ABBY, lalabas ito; makikita nating may dala itong regalo. Gayak na gayak ang pananamit.

Maririnig natin ang malakas na tugtog na nagmumula sa loob ng bahay. Makikita ni JOEBEN na nagkakasiyahan ang mga bisita sa loob ng bahay.

Papasok ito.

2. INT. BAHAY NI ABBY/DESPEDIDA PARTY. THAT NIGHT

Masayang nagkakasiyahan ang mga bisita. May mga nag-iinuman, kumakain, nag-uusap, nagsisisayawan.

Ililibot ni JOEBEN ang kanyang mga mata, hinahanap si ABBY. Habang naglalakad, mapapansin siya ng mga ilang bisita.

GIRL 1

Hi Prof.

GIRL 2

Good evening Prof.

JOEBEN

Good evening. Where's Abby?

Malakas ang tugtog, kaya naman hindi nila maririnig ang tanong ni JOEBEN.

GIRL 2

Sir?

JOEBEN

(lalaksan ang pananalita)

Nasaan si Abby?

GIRL 2

Ahh, she's with her officemates. Nasa kitchen po yata.

JOEBEN

Okey, thank you.

Maglalakad papuntang kitchen si JOEBEN, masasagi siya ng ilang nagkakasiyahang tao.

3. INT. KITCHEN. THAT NIGHT 

Makakarating ng kitchen si JOEBEN, hahanapin niya si ABBY; ngunit wala rin ito dito. Makikita siya ni BOGS, 27, officemate ni ABBY.

BOGS

Sir Joeben.

JOEBEN

Bogs.

Aalukin ni BOGS si JOEBEN ng drinks.

BOGS

Drinks?

JOEBEN

(kukuha ng drinks sa tray na hawak ni BOGS)

Sure. Thank you.

BOGS

Kakagaling mo lang sa work?

JOEBEN

Yah. Dami ngang activities ngayon sa university.

By the way, have you seen Abby?

Kanina ko pa siya hinahanap eh.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Second ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon