POEM 1

10 0 0
                                    

Mama

Una sa lahat, Bago ko simulan ang tulang ito
Gusto ko lang marinig mo ang salitang 'mahal kita' bago natin marating ang dulo.

Siya nga pala, Ang babaeng nagpalaki saming walo
Ang babaeng pinaka hinahangaan ko dito sa mundo
Ang babaeng laging nariyan dahil wala siyang mapag-pipilian,
E, Alagan namang itakwil niya kami, Paano nayan?

Pero kahit na mabilis uminit ang dugo mo
Kahit konti nalang mahuhulog na ang turnilyo sa iyong ulo
Mahal parin kita,
Kahit na alam kong mapapangiwi ka pag binasa mo ito,

Mahal kita, Kahit trip mo talaga kaming sermonan lagi
Mahal kita, Kahit tuwing bibili ako sa tindahan may bayad pa sa shipping fee
Mahal kita, Kasi ang ang ganda ng ating lahi

Importante ka, Kahit minsan nasasagut na kita
Importante ka, Kahit hindi nakikita ng iyong mga mata
Importante ka, Hindi lang sakin kung hindi saming lahat na iyong pamilya

Gusto kong umiyak pag nagkaroon ako ng kasalanan sayu
Wagas ka kasi kong magalit akala mo ata nasa digmaan tayu

Gusto mo pa bahay natin bawat segundong lilinisin
Lagi ko pang hinahayang langgamin ang mga hugasin
Lagi ko ring hinahayaang matutung ang mga kaldero at kawali,
Pero sana,
Gaya nga lagi kong sinasabi Huminga ka muna,
Dahil akin mo nayang isasantabi

Pero sa gitna ng mga katangahan ko, Nagawa mo paring mambola at manloko,
Tinatanong ko lang naman kong ano yung plot na salita,
Bakit dinamay mo pa yung dede ko mama?

Pero gusto ko sanang sabihin sayong hinahangaan kita
Dahil kada naiisip ko kung gaano kahirap maging ina
Napapabilib ako ng kusa

(Ankorni.)

Ang tatag mo pala, Ang ganda ganda mo pa
Malapit na birthday ko, Gusto ko lang ipaalala
Tsaka yung sapatos ko nakain na ng daga,
Sinasabi ko lang at baka iyo'ng makalimutan, Mahirap na

Pero kahit ganito katindi ang ugali ko Gusto ko sanang malaman mo
Na ma-swerte ako dahil napunta ka saming mundo

Maswerte ako dahil ikaw ang naging nanay ko

Your magandang anak, mwhmwah

-YSSA

Poems for my MotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon