CHAPTER 2

10 0 0
                                    

CHAPTER 2

1st year collage na kaming apat. BSIE ang course namin. At mga HRM na boys ang tipo namin. Mga gwapo eh hahaha.

Sa Eisen university kami pumapasok, sikat na school, pina-prioritize kasi nila ang course namin. Actually top 1 sa mga best school to dito sa pilipinas in terms of graduates ng Engineering.

“HI GUYS!” bati ko pagpasok namin sa room. Di pa naman ako sumisigaw pero nagtakip na sila ng tenga nila, hmmp! OA.

“MISS WAG KANG SUMIGAW HINDI SOUND PROOF ANG ROOM NATEN!” sigaw ni joseph barkada rin namin.

“Gaga! ikaw yung sumigaw VOVO” sabi ko sabay irap.

Dumeretso naman kaming apat sa mga upuan namin hiwahiwalay kami ng chairs nakakasawa daw kasing kami kami nalang lagi ang magkakasama baka daw kasi masanay kami, hay nako pakana to ni Marie arte nuh?

“San ka nabili ng megaphone miss? may on hand kaba? pabili nga.” bulong ng weird na nerd kong katabi. Ang hina talaga ng boses niya. Ang weird weird.

“wag kang bumulong” bulong ko.

“eh ganto na to miss eh.” OWS? yun na yun? grabe. Napangiti nalang ako, meron akong EVIL GOOD PLAN wahahahaahhaa!

“magsalita ka nga laksan mo huh  yung highest medium voice mo huh papakinggan ko kung maririnig ko tsaka ako magdedecide kung pagbibilhan kita ng megaphone” sabi ko sabay deretso ng upo at tingin sa unahan na kunwari may prof.

Nagsimula na siyang magsalita “ahhh miss, eto nayun talaga eh naririnig mo naba?”  YUN NA YUN? ANG GALING NAMAN bakit kaya ang hina ng boses niya? Saan kaya to pinaglihi?

                                         

Hindi ko muna siya tinugon at may tinatong ako kay Sheryl na katabi ko sa kanan para makasigurado.

“Sheryl, narinig mo yung sinabi ni chelle?” sabay turo ko kay chelle.

“huh alin yun? Hindi, bakit?”

“ahhh wala wala”

AYOOOS! madaling makakapagpagaya itong si chelle.

“chelle, Lapit ka” lumapit naman siya at may binulong ako.

“bibigyan kita ng megaphone pero may condition”

“huh ano yun?”

“twing may quiz sa math bulong mo sakin ang sagot hindi yan maririnig ni prof, nasisiguro ko. Huh. Huh. Deal na owkay. Wag ka na magsalita bukas na bukas may megaphone kana. Yehey!” iniwan kong blanko yung face ni chelle at naggala gala nalang sa room at nangungulit. May sakit kasi ako eh pag di ko inaliw ang sarili ko maluluka ko, XD hahahaha keme lang de seryoso nalulungkot kasi ako pag walang kausap tapos madaling nababadtrip. Kaya tiis tiis.

After 5 minutes siguro yun dumating na si Maam majo. Prof namin sa Trigo. Saklap nuh? first subject ang trigo.

Ibang klase kasi din yan si Maam eh moody! bipolar. HAHAHA minsan hugot din. Kainis diba? Kaso madalas seryoso sa klase. Sila Marie lang ang close jan , layo ang loob ko jan parehas kaming moody baka magdiklapan.

“Sin over hypotenuse, blah blah blah blah”

Nakukunot kunot yung noo ko habang nakikinig kay maam. Hindi lang naman ako pati sina Mica hahaha di ako loner XD hindi ko talaga naiintindihan yung mga sinasabi niya sumasakit yung ulo ko >< hindi pwede to magaactivity mamaya yan panigurado kaya dapat maintindihan ko anlayo kasi ni Marie siya lang nakakaintindi niyan e. Waah! NO CHOICE!!

How To Be INDEPENDENTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon