Miss K

15 0 3
                                    

Ang bahaging ito ng aking buhay ang siyang aking ginugunita. Ako bilang isang kabataan, ay nakadama rin ng tinawag nilang pag ibig. Ang bugso ng damdamin na minsan ay hindi maipaliwanag nino man.

Ang pangyayaring ito ay naganap sa pagitan ng buwan ng Abril hanggang Disyembre.

Nakilala ko ang dalagang nag ngangalang Segunda Katigbak isang araw noon nang nagpasya akong bisitahin ang aking lola.
Siya ay kaibigan ng mga Katigbak kaya naman ninais kong magpasama kay Mariano upang makarating sa kanila..

Doon ay nakita ko ang isang binibini. Siya na nga si Segunda...Siya ay may mahabang buhok, matang nangungusap na maapoy kung minsan at mapanglaw naman sa ibang pagkakataon, malarosas na kutis, may nakahahalina at nakatutuksong ngiti, magandang ngipin at may kilos na malanimpa. Nasa tabi niya ang isang matangkad na lalaki.. Nalaman kong ito ay si Manuel Luz na siyang nakatakdang ipakasal sa kanya..

Hindi siya ang pinakamagandang babaeng nakita ko ngunit hindi pa ako nakakatagpo ng taong mas kaakit akit pa sa kanya...

"Nais mo bang maglaro tayo ng chess?"

Ang tanong ni Manuel sa akin. Pumayag ako sa hamon niya.. Batid ko ang pagtitig sa akin ni Segunda sa bawat galaw ko dahilan kung bakit ako'y hindi makapag isip ng maayos, nadarama ko rin ang pag init ng aking pisngi ng mga oras na iyon. Dahil sa presensya ng isang magandang binibini ay natalo ako sa aming laban.

Naisip ko ang bawat pagsulyap nya sa akin nung mga oras na naglalaro kami ng kanyang mapapangasawa. Siya kaya ay interesado rin sa akin?

Tanong na tila nasagot noong sumunod na pagkikita naming dalawa.

Minsan ay tinanong ko siya kung nais nya bang iguhit ko ang kanyang larawan, at ito naman ay kanyang pinaunlakan. Doon nagsimula ang aming pagkakaibigan.

Araw ng Huwebes noon ng ako ay ayain ng aking kaibigan na si Mariano.. Nais niyang pumunta sa Kolehiyo ng "Concardia" isang eskwelahan para sa mga kababaihan..

"Pepe, nais mo bang ako'y samahan doon sa eskwelahan ng ating mga kapatid?"

"Sige, ako'y sasama sa iyo nais ko rin sanang bisitahin si Olimpia"

Nagkasundo kaming pumunta sa eskwelahan ng araw na iyon.

Nang nakarating kami sa eskwelahan ay doon kami nanatili ni Mariano sa tanggapan.

Nasalubong ko ang isang binibini na sadyang nakakuha ng aking atensyon. Si Segunda, ang bawat hakbang niya ay napakagaan.

"Nais mo bang makita si Olimpia?"

"Sana., binibini, maaari mo ba siyang tawagin para sa akin?"

Ngumiti siya sa akin at saka tumango, napahawak ako sa aking dibdib ng mga oras na yaon. Bakit tumitibok ng napakabilis ang aking puso gayong ang binibining ito ay ngumiti lamang sa aking harapan?

Tila ako'y nakakita ng isang anghel sa katauhan niya.

Nang sila ay bumalik ay naupo siya.

"Maiwan ko muna kayong dalawa"

pahayag ni Mariano. Aniya'y may pupuntahan siya.

"Pepe, naisin ko mang manatili pa ng matagal ay hindi ko na magagawa pa dahil may kailangan akong gawin"

saad naman ni Olimpia.. Naiwan kaming dalawa ni Segunda roon. At natagpuan ko nalang ang bigla naming pananahimik.

Siguro ay sa kawalan ng masabi ay tinanong niya ako.

"Ano ang paborito mong bulaklak?"

Napakalambing niyang magsalita. Iyan ang tumatakbo sa utak ko ng mga oras na iyon.

Miss KTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon