Prologue:

1 1 0
                                    


"Valentino, natapos mo na ba ang ipinapagawa ko sa'yo?" Tinapik niya ito sa balikat nang maabutang humihilik ito sa kanilang sofa.

"Opo Maestro! Heto, basahin mo." Nasasabik niyang iniabot ang luma at makapal na talaan. Lumiwanag at kuminang ang talaan nang kaniya itong buksan.

Sana'y sa muli kong pagsilang, ako na ang 'yong minamahal, prinsipe.

- Wakas -

Kunot na kunot ang kaniyang noo nang mabasa ang katapusan ng kwento. Hinarap niyang muli si Valentino na humihilik na naman kahit nakatayo. Mukhang antok na antok na talaga ito.

"Valentino!" Napapiksi si Valentino nang palagitikin ni Maestro ang kaniyang mga daliri sa kaniyang harap.

"Ayos na po ba maestro?" Nakangiti niyang tanong dito. Nasasabik na siyang aprobahan ng pinuno ang kaniyang obra maestra. Aba! Kaytagal din siyang walang maayos na tulog matapos lamang ang kwento ni Cinderella, 'hindi naman siguro ipapaulit ito ni Maestr-'

"Revive it, Valentino."

°°°

"Arrgghh! Nakakairita! Anong klaseng asawa siya! Ikukulong niya ako sa islang ito? Para ano? Para gutumin ako? Oh baka naman kasi gusto niya lang talagang lumandi sa Manila at magagawa niya lang 'yon kung wala ako. Idadahilan niya pa talaga ang pagiging arogante at disrespectful ko to punish me! Para raw magtanda ako! Argghh! I hate you Princeto-"

"Ma'am Cindy, heto na po ang mga pag-kain mo, pagkasyahin niyo nalang po, good for 1month po ito." Natigil siya sa kakatalak nang pumasok ang isang ginang, may dala siyang mga groceries. Nakayuko lamang ito at hindi makuhang mag-angat ng tingin sa kaniya, 'aba'y dapat lang!'

"Aba'y hindi mo ako lulutuan?" Aroganteng tanong niya na ikinaputla ng ginang.

"P-Paumanhin po maam, utos po ni sir Prince-"

"Arrghh I hate him! Alam niya namang wala akong alam sa gawaing bahay! Papatayin niya ba talaga ako sa gutom dito!"

Hindi niya na ito pinatapos sa sasabihin at umakyat na sa kaniyang kwarto. Bahala na kung wala siyang kain, itutulog niya na lamang ang gutom, tutal ay maaga pa naman.

"Maestro, kabaligtaran siya ni Cinderella, bakit siya ang napili mo?" Mahimbing na ang tulog ni Cindy nang lumitaw ang mga naka-balabal na lalaki, natatakpan ng sumbrero ang kanilang mga mukha.

"Dahil kabaligtaran din ang magiging wakas ng kaniyang kwento," Sagot ni Maestro habang pinagmamasdan ang napakagandang babae. "Matutupad ang hiling ni Cinderella, na sa muli niyang pagsilang, siya na ang minamahal." Dugtong nito sa kaniyang sinabi.

"Ngunit pa'no siya mamahalin Maestro kung sa muli niyang pagkatawang-tao ay napakasama ng ugali niya?" Tila naiinis na tanong ni Valentino, hindi siya makapaniwalang ang pinakamamahal niyang character sa kaniyang obra maestra ay magiging kasuka-suka ang ugali. 'Ganito ba ang rebisyon na sinasabi ni Maestro?'

"Kaya tayo narito Valentino, tayo ay mga autor, manunulat ng tadhana ng mga tao. Gusto kong ibalik si Cinderella sa unang kabanata. Pero hindi bilang si Cinderellang kay busilak ng puso, kundi si Cindiella Grace Mortalejo, the arrogant wife." Nakangiti niyang tugon at nilapitan ang dalaga.

"We are the God's of fate Cindiella, and we are here to revive your destiny."

~AkieYaSshiro~

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reviving Your Destiny (Cinderella, The Prince, And The Maestro)Where stories live. Discover now