Chapter 1 - Scholarship---
"What's up Mates! I have something to tell you...
The new school year is about to kick in and aren't we all excited? Villamora U? St. Binside? Stormshore Academy? Are these prestigious universities even tops your list?
Well kung hindi naman, sa mga listeners natin d'yan na into arts, sports and music, Guerra Arts High School is opening their doors for you! Thank you so much nga pala for sponsoring my episode for today and before I forgot, filing of applicants are now open! Just click the link from my bio para madali niyong ma-access yung form and yes, limited slots lang 'to kaya go na!
Ito nga po pala si Nate, salamat sa pakikinig at hanggang sa susunod na Sabado po dito sa . . . The Late Nate Podcast."
Napabalikwas ng bangon si Frances mula sa pagkakahiga nang matapos ang pinapakinggang podcast. Naka-live broadcast kasi ito at hindi inaasahang ito lang pala ang muling magpapagising sa kanya.
Talaga lang Nate ah? 'Di mo talaga sasabihin sa'kin kung hindi ako nakinig ng podcast mo?
Saktong-sakto at kasalukuyang hawak ni Frances ang isang mini-brochure ng Guerra Arts High School. Ito lang naman ang isa sa pinaka-tinitingalahang paaralan sa bansa lalo na sa larangan ng sports at musika.
Kaibigan niya si Nate at kung tutuusin, magkatabi lang sila ng bahay. Kilala na rin ito ng mga tao sa social media dahil sa ginagawa nitong podcast ngunit maliban na rito ay labis ang kanyang pagtataka kung bakit hindi siya nito sinabihan tungkol sa Guerra Arts High School.
Humanda ka talaga 'pag nakita kita Nate.
Naisipang tumayo ni Frances upang silipin ito mula sa kanyang bintana subalit imbes na sigawan at tawagin ay namalayan niyang may kausap ito sa telepono.
Pinalipas niya na lamang ito at muling binaling ang atensyon sa mini-brochure ng paaralan. Sabik na sabik siyang maging parte ng prestihiyosong paaralan na ito lalo pa't galing dito ang kanyang tinitingalahang artista na si Abelaine Buenavista o mas kilala sa pangalang Abby.
Simula noong nakilala niya si Abby ay ginawa na niya itong inspirasyon na sa balang araw ay magiging sikat na artista rin siya gaya nito.
"Frances Geronimo!" Pagpuri niya sa kanyang sarili at umarte na para bang may mga audience na pumapalakpak sa kanya.
Napa-buntong hininga na lamang si Frances sabay itinulak muli ang sarili sa pagkakahiga. Tanaw ang kisame ay naglalaro sa kanyang isipan ang mga munting pangarap na sana ay magkatotoo. Matagal na panahon na rin niyang inaasam na makapasok sa isang high quality at sikat na paaralan. Bukod pa rito ay kung papalarin ng panahon ay ang maging bahagi ng Center Artist ng Guerra Arts High katulad ni Abby.
"Frances halika na, maghahapunan na."
Tila naglaho na parang usok ang lahat ng imbento ng imahinasyon ni Frances nang marinig ang boses ng kanyang kapatid. Hindi na nga niya namalayang nakauwi na pala ito.
Ito na rin marahil ang pagkakataon para sabihin dito ang kanyang plano para maipasa ang application form sa lalong madaling panahon.
---
"Hindi."
Binalot ng katahimikan ang buong hapagkainan. Ang kaninay masaya nilang usapan tungkol sa pagbubukas ng bagong school year ay nauwi bigla sa matindi nilang pagtatalo. Tuluyan na ring natigil sa pagkain si Frances at tulalang tinitigan ang sinabi ng kapatid na si Sheki.
"Ate anong hindi?" Dama sa mukha nito ang gulo at dismaya.
"Hindi ka papasok sa paaralan na 'yan at 'yan ang gusto kong sundin mo!" Kalmado ngunit diretsahang sagot ni Sheki sabay subo ng huling pagkain mula sa plato.
BINABASA MO ANG
CENTER
Mystery / ThrillerHanggang saan ang kaya nilang gawin para mapatunayang sila ang karapatdapat tawaging Center? [2022]