2

55 2 0
                                    

"Serene your parents are here!"




I put down the utensils I was holding at umayos ka agad ng upo. I saw mom and dad walking habang naguusap sila sa parents ng debutante. I smiled when dad saw me. Kumaway siya sakin bago bumalik sa pakikipag-usap.





"Where's your boyfriend? hindi mo ba ipapakilala samin?" Tanong ni mommy pagkalapit niya sakin. Pictures of me kissing the vice mayor's son are spreading everywhere. Hindi ko yon sinasadya lasing lang ako doon.





"He's not my boyfriend!" agad ako kinabahan sa tingin ni mommy sakin kaya pinigilan siya ni daddy baka magalit siya dito at sigawan ako, nakakahiya sa mga kaibigan ko. I know she's happy that I'm dating the son of dad's Vice Mayor. But not. Clady is not my type, masyado siyang babaero.





Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na sila. Buti pinayagan niya parin akong manatili dito kahit na alam kong galit siya sakin, ewan ko lang kay daddy. Maghahanda nalang ako paguwi ko. After drinking two glass of beer sa after party tumigil na ako. Tumayo ako at nagpunta ng CR. Umihi muna ako at nag-ayos bago lumabas. I was walking back to the couch ng makarinig ako ng bulungan sa paligid ko. They are a group of men, siguro mga ibang friends ni Ria since palipat lipat siya ng school noon at marami siyang kaibigan na invited dito sa debut niya.




"Diba siya yong anak ng tumatakbng Mayor?" rinig kong tanong noong isang lalaking may hawak na alak sa isang kamay. Napalingon ako sa kaniya at tinitigan siya ng masama.





"Siya nga! at kumakalat na sa buong internet yong pictures nila na naghahalikan sila noong anak ng tumatakbong vice mayor pero hindi daw sila magjowa" tumawa pa yong isa nilang kasamahan.





"Si Claidy Silvestre ba? anak pala siya noong tumatakbong Vice Mayor? narinig nambili sila ng boto kaya mananalo ang party list nila bukas" Rinig ko ang malakas nilang tawa. Imbes na magalit ako dahil sa kung ano-anong sinasabi nila tungkol sa daddy ko ay mas napansin ko pa ang isang lalaki sa gilid nila na nakikipaghalikan pa sa isang lalaki.





Pamilyar sakin yong isa, kaya pala. Anak ng tumatakbong mayor sa kabila.




That kiss was so good. I want to kiss now pero wala naman akong mahahalikan. Ayaw ko naman makipaghalikan sa kung sino-sino rito. Napatulon nalang ako sa laway ko ng mas lumalim pa ang paghahalikan nilang dalawa. Bakit ba ako naiinggit? Aalis na sana ako ng makarinig ako ng tawag mula sa isang lalaki.





"Anak ng Mayor!" He shouted. The man who was kissing another man earlier. He looks so good and hot. Nakabukas ang tatlong buttones ng red polo shirt at nakaayos parin ang buhok kahit hinawakan na yon ng nakahalikan niya kanina.




"Anak ng mananalong Mayor!" pagbalik ko kaya natawa siya. Inayos niya muna ang shirt niya bago tumayo at nilapitan ako. He looked down from my heels before staring into my eyes.





"Di natin sure bukas!" nakangising sabi niya sakin. May balak ba sila bukas para manalo sila? baka sila yong nambili ng boto para manalo.  I know my dad kahit ganoon yon ay patas lumaban yon ewan ko lang dito sa ama niya.




Sasagutin ko na sana siya ng biglang tumunog ang phone ko at nakita kong nag text sakin si mommy.





From: Mom
Umuwi ka kung kailan mo gusto, basta magpahatid ka kay Claidy.





I rolled my eyes at in-off ang phone ko para hindi na mabasa pa ang mga susunod niyang text at kung sakaling tumawag siya. Naiinis na ako at lagi niya akong tinutulak kay Claidy e, hindi ko gusto yong tao kahit nga si Claidy hindi ako gusto pero tinutulak din siya ng mga magulang niya sakin. Agad akong napalingon rito sa lalaking nasa harap ko pa rin nakangiti sakin at ang isang kamay ay nasa bulsa na niya.





Hindi ko alam kung anong iniisip niya at kanina pa siya nakatitig sakin. May gusto ba to sakin? Napangiti ako bigla ng may maisip akong kalokohan. Hinawakan ko ang kwelyo ng polo niya at inayos yon, napatingin siya roon bago inilipat sakin ang mga tingin. Lalapitan ko na sana siya ng makita ko ang kapatid ni Claidy na papasok. Alam ko makikita niya ako kaya naisip ko gamitin ang lalaking ito.





"Do you have a girlfriend?" Tanong ko, nakangisi sa kaniya. Agad naman siyang natawa at tumagilid nagiisip bago bumalik sakin.





"Type mo na ba ako agad?" He said while looking at my lips. Natawa nalang ako ng sarkastiko.





"May girlfriend ka na ba o wala?!" paguulit ko.




"Wala"



"Let's make a deal!" Kumunot agad ang noo niya, nagtataka sa sinasabi ko.




"Deal? What deal?"




"Kapag natalo ang daddy mo bukas, I' will use you as my boyfriend para tigilan na ako ng parents ko na itulak sa anak ng Vice Mayor. Kapag natalo naman ang daddy ko you can use me anytime! we can be friends with benefits, fuck buddies o kahit ano!" agad siya natawa sa sinabi ko. "Ayaw mo ba?!"




"I know you're making a deal with me to use me dahil kampanti ka na mananalo ang daddy mo dahil malakas siya sa tao. Looks like we already know kung sino ang magagamit after the election" he said while bringing his face closer to mine kaya umiwas ako agad ng tingin.




"There are still elections to come, don't be stupid! kapag natalo na dad ko doon muna ako pwede gamitin!" I smiled at mas inilapit pa ang mukha ko para sana maranasan yong halik na nakita ko sa kaniya kanina pero lumayo siya. Ang arte nito kala mo naman hindi ako magaling. Nagsigawan pa tuloy yong mga kasamahan niya sa couch.





"Deal!" nakangiti niyang sabi kaya tumango ako. He took my phone number at kinuha ko rin ang sa kaniya baka sakaling kailangan na namin ang isat-isa. "What's your name?"




"Serene. Serene Maude!" Tumango siya sakin bago isinulat ang pangalan ko sa contacts niya.




"Kice Almora" pagpapakilala niya bago umupo ulit sa couch.




Kinabukasan ang eleksyon. We were wearing blue t-shirts na may print ng mukha ng daddy ko at ng pangalan niya. Dahil 18 na ako pwede na ako bomoto. Pagkatapos ko bomoto ay agad ko nakasalubong sa labas si Kice also wearing red shirt na may print ng mukha at pangalan ng daddy niya. Agad niya ako kinindatan ng makita ako pero inirapan ko lang siya.




Kinagabihan ang counting of votes. Kinakabahan ako sa magiging resulta dahil sa deal ko kay Kice. Pero kampanti akong mananalo ang daddy ko dahil maraming may gusto sa kaniya dito at malakas siya sa mga tao. Kanina pa malakas ang tibok ng puso ko habang nagbibilang ng boto sa bawat barangay.




"Nakakalamang na po si Mayor Maude sa apat na barangay" balita samin ng dati niyang secretary kaya nakahinga ako ng maluwag habang si mommy naman ay nandito sa gilid ko parang mahihimatay na sa kaba, pinapaypayan na ang sarili gamit ang mga kamay.





Agad ako napatingin sa cellphone ko ng may biglang mag-text.




From: Almora
Mukhang magagamit mo ako huh.





Agad akong natawa at hindi na siya nireplayan dahil nag-focus ako ulit sa bawat balita na sinasabi ng dating secretary ni daddy. Sa dalawang barangay na natitira, panalo si daddy kaya si daddy parin ang Mayor ng lugar namin. Out of 15 baranggays nanalo siya sa sampung barangay. Bagohan lang din kasi yong kalaban kaya siguro walang masyadong bomoto. Kawawang Kice.






Tumayo na agad kami pagkatapos malaman na si daddy yong nanalo. My mom was so happy kaya kung sino-sino nalang ang tinatawagan para ipabalita ang resulta ng botohan. Narinig ko pang gusto mag celebrate ni mommy sa bahay kasama ang mga kaibigan nila ni daddy, gusto ko mag-celebrate pero gusto ko ng umuwi dahil pagod na ako kakahintay sa resulta. I was about to get into the car ng mag text ulit sakin si Kice.




From: Almora
Congratulations to your dad. I'm on my way to meet your parents.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 24, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Who Became My Home (First Part)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon