ELLE'S POV.
Hay, good morning philippines?? ay first day of school pala ngayon,anong oras na ba? huh? 7:30 na? eh 8:00 magsisimula ang klase eh!! bwisit na alarm clock to! kung kailan first day of school,dun din siya nasira!!
"anak gising na!! malapit nang mag 8:00 baka malate ka!!" Sabi ni mommy.
"Opo ma maliligo na po ako!!"
Then, i did my thing.. Pababa na ako at ready na ang breakfast na hinanda ni mama para sakin...
"oh, anak kumain ka na para di ka ma late!" Aya sakin ni mommy
"ah ma, hindi na lang po muna ako kakain diet ako eh!!" Sabi ko nalang..
"hhhmmm?? diet ka diyan, ang payat-payat mo na nga, mag di-diet ka pa? kaya para makain mo tong hinanda ko, ba-unin mo na lang."
"sige po ma!!" Pagpayag ko.
Habang hinahanda ni mama ang baon ko,tinext ko na ang bestfriend ko para hintayin ako sa gate ng school..
"oh ito na anak" at binigay niya na ito.
"thanks a lot mom, bye!!" Nag paalam na ako kay mommy, sabay beso..
(FAST FORWARD)
Nasa school na kami ng best friend ko na si Jess, at buti na lang talaga at hindi kami nalate.. nakakapag taka lang kung bakit nagtitili an ang mga tao dito? Nakakabangas! Para namang dumating ang EXO? kung sila lang ang dumating? Suus, makikitili talaga ako! -////-
"best, total ikaw naman ang medyo chismosa sa ating dalawa, itatanong ko lang.. bakit nagtitilian ang mga people of the philippines ngayon???" Tanong ko sa bestfriend kong si Jess. Chismosa yan eh? Wala yatang pumapalyang balita jan..
"ah, dumating na siguro yung mga transferee? balita ko, mga gwapo daw yun eh, at mga talented pa! I'm sure, pag aagawan na naman yan!" Sagot niya sakin.
"eh, para namang si kung sinong mga gwapo? Sure rin ako, wa epek sakin yan!"
"Ayy, langya! Humanda ka pag nakita mo sila.. tignan natin kung di malaglag panty mo? Wahaha"
Tawa lang siya nang tawa tapos, nabigla siyang wala na pala ako.. iniwan ko na, tignan natin kung sinong mag mukhang tanga?
"ang sama mo! Bakit moko iniwan don? Mukha tuloy ako ng baliw tumatawa mag-isa!" Reklamo niya.
"bagay sayo yun.. maka tawa ka kasi, parang di nakatawa buong taon?" Kainis.
Nabigla nalang ako nang bigla nalang siyang nagbago ng emosyon, parang may naaalala siya..
"Best, nasaan nga pala si Kyrene?"
Napa kunot nalang ang noo ko sa tanong niya. Oo nga no? Nasaan na naman kaya yong haliparot na yun? Si Kyrene, siya ang isa ko pang kaibigan. Siya yung tipo ng babae na makakita lang ng gwapo, crush niya na! Hibang yata yun eh? Teka..
"Parang alam ko na kung nasaan siya?" Sabi ko at tinignan siya ng nakakaloko. At mukhang pareho naman kami ng iniisip.. Tingin namin, nakikitili rin yun sa mga bagong asungot na transferee at hindi nga kami nagkamali dahil nahagip siya ng mga mata namin!
"Hoy Kyrene!" Hinila ni Jess ang buhok ni Kyrene at nakaladkad naman ito.
"Ano bang problema mo? Ina-ano ba kita? Nakikitili lang naman ako dun ha?" Sunod sunod niyang tanong.
"Eh kasi naman, ang dami mo nang crush tapos idadagdag mo pa sila? So ano to? Pag nag ulan ng mga gwapo, aangkinin mo lahat?" Sagot naman ni Jess sa kaniya.
"Tama na nga yan! Para kayong mga ewan eh? Hindi niya ba namamalayan, late na tayo dahil sa mga kadramahan niyo?" Oo, magka klase parin kaming mga tatlo. Mula pa noon hanggang ngayon. Nakakasawa na nga eh? Joke. Kaya siguro magkakaibigan kami kasi pare-pareho ng pag-iisip pero hindi ng ugali.
"Okay lang naman sigurong ma late ngayon no? First day of school naman diba?" Sagot sakin ni Kyrene.
"Yun nanga eh, first day of school late tayo? Pag-iinitan talaga tayo ng professor nito ng wala sa oras!" Langya, dahil to sa mga asungot na transferee eh? -__-
"Oo nga, muntanga ka naman!" Singit naman ni Jess.
"Nahiya naman ako sayo?" Sagot ni Kyrene.
"Tara na nga.. maliit na bagay, pinag-aawayan? Late na nga tayo diba? Tara na!" Aya ko sa kanila at nag madali na kaming pumunta sa room namin and WE'RE REALLY DEAD. Terror ang proffesor namin! Kaasar. Bakit siya pa? Si Prof. Lee, siya ang pinaka ayaw ng mga studyante. Kainis kasi eh? Sinusubukan talagang pasensiya namin! Tse. Bahala na si batman samin?
A/N: forgive the first timer.. (*o*)
BINABASA MO ANG
MR. HEARTBREAKER MEETS MS. BRAT
Teen FictionPaano kung ang heartbreaker ay ma-inlove sa sinasabi nilang brat??? Will they have a happy ending??? Hi sa inyo?? ako nga pala si Elle Madrigal, grade 9 student sa Fantasy to Reality Academy.. called brat pero para sakin hindi naman ako brat, ang b...