Ano nga ba ang pagmamahal?
Ito ba yung nararamdaman mong
kaba at hilo kapag lumalapit sayo ang isang tao?
O
Si Kai.
---
"Kyungsoo." tawag sakin ng
bestfriend ko.
Si Kai.
Mahal ko siya pero hindi ko sinasabi sa kanya dahil baka bigla nalang siyang lumayo sa akin.
"May sasabihin ako sayo." sabi niya saakin. Nakita kong may hawak siyang bulaklak sa likod niya at tinatago niya ito.
"Ano yun?" bigla akong kinabahan. Sasabihin niya ba na mahal niya ako?
"May gusto ako..
may gusto akong ligawan si Luhan yung kaklase mo sa math." parang bumagsak ang langit saakin noong sinabi niya yun.
Kaya mula noon ay hindi na ako nagpakita sa kanya, hindi ko na siya kinausap, at hindi ko na siya pinansin.
Hindi dahil bitter ako, kundi dahil pagkakinabukasan noon ay sila na ni Luhan.
Ayoko siyang makita dahil kapag nakikita ko sya ay lagi niyang kasama yung mahal niya.
Nandito ako sa library at nagbabasa ng libro,wala akong kasama dahil isa lang naman ang gusto kong kasama.
Si Kai.
Kaya lang ayoko namang hatiin niya ang oras niya para saaming dalawa ni Luhan. Sino ba naman ako para pansinin niya pa?
---
Natapos na ang klase, naglalakad ako pauwi ng may makita akong umiinom sa kalsada malapit saamin. Napatigil ako ng makita ko siya.
Si Kai.
Umiiyak siya. Ang sakit. Ang sakit sakit makita na umiiyak yung taong mahal mo. Napatingin siya saakin. Hindi ko sya pinansin at nagdire-diretso sa paglakad.
"Kyungsoo." tawag sakin ng mahal ko.
Si Kai.
Lumingon ako sakanya at ngumiti..
"Bakit?" sabi ko sakanya.
"Wala na kami ni Luhan." sabi niya at umiyak ng mahina. Napatitig ako sa itaas. Pakiramdam ko kahit anong segundo ay tutulo na ang luha ko.
"Pumunta ka ba dito para lang sabihin yan? Ang sakit Kai! Ang sakit! Tama na! Kung yan lang yung sasabihin mo narinig ko na, umalis ka na!" sigaw ko sakanya. Ayoko ng masaktan dahil alam kong hindi niya naman ako magugustuhan, isa lang naman akong kaibigan.
Naglakad ako papalayo.
"Kyungsoo." bulong ni Kai. Huminto ako. Hindi sya nagsalita kaya dumitetso ako.
"Mahal kita." narining kong bulong ng mahal ko.
Si Kai.
"Kyungsoo, yung pagmamahal ko sayo parang kandila..
..Bahala ka, kapag iniwan mo ko, susunugin ko bahay niyo.." sabi ni Kai, at tumawa ng mahina.
Napangiti ako pero iniwan ko pa rin siya..
Narinig ko siyang humagulgol pero nagpakamanhid ako. Hindi ako naniniwalang mahal niya ako.
Ang bestfriend niya.
---
"Iha!!" kumakain ako ng almusal ng biglang tumawag si Tita Chenita. Ang nanay ni Kai.
"Bakit po?" tanong ko sakanya. Nanginginig ang boses niya.
"Si Kai!!"
"Ano pong meron ka Kai?"
"Wala na siya iha. Patay na siya." at doon biglang tumulo ang luha ko. Wala na ang mahal ko.
Si Kai.
---
Lumapit ako kay Kai. Hinawakan ko ang mga mata niya, ang ilong niya, at ang labi niya.
Ngumiti siya sakin. Ang ngiting makakapagpabilis ng takbo ng puso ko. Ang ngiting nagpapahina sakin.
"Kyungsoo, mahal kita. Mahal na mahal kita." biglang tumulo ang luha ko ng halikan niya ang noo ko. Biglang dumilim, biglang nawala ang mahal ko. Ang bestfriend ko.
Si Kai.
---
/2 months later/
"Ouch." daing ko ng bigla akong mabangga ng isang matangkad at maputing babae.
"Sorry." sabi niya.
Tumingin ako sakanya. Si Luhan. Dalawang buwan ko na din siyang hindi nakita. Mula ng libing ng mahal ko.
Si Kai.
"Pwede ba tayong magusap." sabi niya sakin. Nakangiti siya pero hindi ito umabot sa mga mata niya.
"Mahal ka niya. Mahal ka ni Kai." sabi sakin ni Luhan. Umiling ako. Naiiyak nanaman ako.
"Alam mo ba kung bakit kami nagkahiwalay?" sabi niya sakin. Malungkot siya.
"Dahil sayo." sabi niya sakin. Nakita king gumulo ang luha niya.
"Bakit pa kasi ikaw yung mahal niya,bakit hindi nalang ako." sabi ni Luhan habang humahagulgol. Hindi ko siya maintindihan.
"Noong naging kami, araw araw, wala siyang ibang bukambibig kundi ikaw. Kundi ikaw lang Kyungsoo. Mahal ka ni Kai. Akala niya ako ang mahal niya. Pero mali siya. Dahil ikaw ang mahal niya. Mula umpisa Kyungsoo. Natatakot lang siyang lumayo ka sakanya dahil kahit kailan hindi mo maibabalik yung pagmamahal niya sayo." humagulgol ako. Iniwan ko si Luhan at nagdrive papunta sa pinaglibingan ni Kai.
---
"KAI!! BAKIT? BAKIT MO AKO INIWAN!! MAHAL MO AKO DIBA!! BAKIT!!" umiyak ako ng umiyak hanggang sa napagod ako at umuwi.
Umakyat ako sa rooftop ng bahay. Malamig ang hangin sa taas. Parang niyayakap ako. Pumunta ako sa dulo ng rooftop at hinawakan ang puso ko. Ang lakas ng tibok nito.
Magkakasama na kamin ng mahal ko.
Si Kai.
-THE END-