PROLOGUE

12 5 0
                                    

PROLOGUE

WARNING: This part contains spoilers since this is like a Teaser of the story, you can skip this and jump into the 1st chapter to avoid being spoiled.

NOTE: This scene is a Teaser yet Spoiler of the future chapter but it wasn't written exactly the same. Let just say that this is a skipped version.

Thank You, Asher.

Showbreaker was destined to meet each other and be blessed with the elements, they were chosen by the deities to bear a power of the five elements. But even if they being blessed by the deities, they had given such hard responsibility to protect the people from the man-eating creature, aswang.

A loud horn that sign of the invasion is always creeping trough the cities and provinces almost everyday, due to this matter a lot of people are afraid to went out of their house, day by day an invasion of aswang is increasing over and over, the invasion almost happen in a night time and it only happen frequently in daylight.

***

FELIPE

Isang malakas na alingawngaw ang biglang tumunog ang gumising sa mga tao, ang alingawngaw na senyales ng pagsalakay ng mga aswang.

Mabilis kaming bumangon at naghanda, lahat kami ay nakabihis na ang ihahanda nalang ay ang aming sandata.

"Showbreaker get ready, we are going in the zone!"

Ani Rain Paul.

"BREAK!"

Sabay sabay nating tugon at bumalik sa paghahanda ngunit naunang matapos si Justice, dahil na rin sa kapangyarihan niya na kontrolin ang kidlat na nakakatulong upang mapabilis ng kilos niya.

"Guys mauuna na ako sainyo, dahil baka maraming mabiktima ang mga aswang, bukod pa dun ay hindi naman alam kung anong uri ang sumalakay o mga sumasalakay ngayon sa siyudad."

Salaysay ni Justice at sumang-ayon naman kaming lahat sakanya, mabilis siyang naglaho na parang bula matapos niyang matanggap ang pag sang-ayon namin.

Nagmadali akong ayusin ang gamit ko para makasunod na kami kay Justice, at naging maayos na lahat at dala na lahat ang sandata nila, naghanda na kaming apat na sumunod kay Justice.

Si Steve ay dala dala na ang mga pampasabog niya at ang kanyang bazooka, at si Jayce naman ay nakahanda na rin ang dala niya na ang kanyang mga baril at kutsilyo, at ang pinakahuli ay si Pinuno na may dalang drum sa likod niya kung saan nakakonekta ang kanyang water gun, at ako naman ay dala ang aking sibat at panang sandata ko.

"Tara na kailangan nating tulungan si Justice, mukhang hindi maganda ang mga nangyayare."

Saad ni Pinuno at ganun din naman ang tingin ko, dahil hindi lamang tunog ng kidlat ang naririnig namin, bukod dun ay hindi gagamit ni Justice ang ganyang kalakasan na kapangyarihan, kung mababa antas lang ang aswang na nilalabanan niya ngayon.

Ginamit namin ang aming mga kapangyarihan upang mas mabilis kaming makarating sa lugar. Makakapal na kidlat at malalakas na pagsabog ang nasisilayan namin mula sa kinaroroonan namin.

Ngunit may apat na matataas na antas ang humarang samin ng malapit na kami sa siyudad, maliban sa apat ay may mga kasama pa itong mga mababang antas na aswang na tuta nila.

Ang isa ay mistulang isang bangkay na may espadang dugo, pati ang buong kamay niyang nakahawak dito ay puro dugo. At ang isa ay kapansin-pansin rin ang kakaiba nitong hawak na itim na pusa, marahil ay ito ay resulta ng kanyang kapangyarihan o alaga niya lamang.

Maliban sa kanilang dalawa ay hindi ko malaman kung ano ang posibleng kapangyarihan ng dalawang iba pang mataas na antas, nalaman ko lamang na mataas na antas itong dalawa dahil nararamdaman ko ang enerhiya nito, ngunit nagaalala na ako ngayon sa kalagayan ni Justice dahil mas malakas ang nararamdaman ko mula sa lugar kung nasaan siya, kahit na malayo ito ay mas malakas ang enerhiyo nito kumpara sa pinagsama samang enerhiya nitong apat.

Naghanda kami sa pag-atake at mabilis na kumilos. Kailangan naming magmadali at kailangan naming tulungan si Justice, kaya naman si Jayce ay nagbalak na lagpasan ang hanay ng mga aswang, ngunit may pula na mistulang lubid na bumalot kay Jayce at inihagis siya papalayo ng isa gamit ang kapangyarihan nito. It's Red String pati na rin ang isa na di ko alam ang kapangyarihan ay inilabas na rin, it's Psychokinesis four of them are probably atleast S Tier man-eating creature aswang, the girl who carry a black cat also turn out to be able to control the Mystic, which is ability close to darkness that is considered as a treat to us, Showbreaker and even with the blessed by the moon and sun.

Naghiwalay-hiwalay kami bago sumugod at pinuntirya ng sabay sabay ang apat na mataas na antas, si Jayce ay pinagbabaril sa babaeng aswang na may kapangyarihan na Psychokinesis, ngunit ang kapangyarihan nito ay napipigil ang bawat bala.

Si Steve naman ay binomba ng bazooka at mga granada ang lalaking naglalabas ng pulang laso, ngunit ang laso ay kayang tanggapin ang mga pagsabog at hindi mabilis napapatid.

Si Paul naman ay ang pinagbabaril ng water gun ang bata, ngunit sinasalag lang ito ng kanyang kapangyarihan.

Ako naman ang pumintirya sa may espadang dugo, sa una ay sinubukan ko ito patamaan ng pana habang nakapulupot ang ugat ng puno sa paa nito, ngunit mabilis naputol ng espadang dugo ang ugat at mabilis siyang nakatakas.

Mabilis din ako kumilos at sinubukan siyang tuhugin ng aking sibat ngunit mabilis ang kanyang kilos, mabilis akong nagpalit ng sandata at tinira siya ng pana na sa kabutihang palad ay tumama sa kanyang braso, ngunit natanggal niya agad ito bago ko pa magamit ng aking kapangyarihan.

Sari-sari na ang naririnig ko sa paligid ko mayroon putok ng mga baril, kidlat, pagsabog, at pati na rin ang pagpatak ng mga tubig, pati ang mga tunog ng bawat tama ng mga aming pag-atake ay bumabalot sa buong paligid.

Isang malakas na pagsabog kasabay nang pagkalat ng kuryente sa paligid na ang iba ay tumama sa hanay ng mga aswang, ang isa naman ay tumama kay Steve kaya naman bigla siyang napaupo sa sahig.

Pagkatapos ng pagsabog ay napuno ng usok ang paligid na nilikha rin ng pagsabog, ang dalawa sa aswang na kalaban namin ang napaluhod din dahil sa tama ng kidlat at ang dalawa ay nagtungo sa siyudad.

Nakita kong lumabas mula sa usok si Justice na duguan, kasabay nito ang paglabas ng isang aswang na nababalot ng itim na usok.

"Justice!"

Sigaw ko ngunit bigla siyang hinawak sa leeg ng aswang at inangat pagkatapos ay hinagis siya patungo sa kinatatayuan ko.

Napatalsik ako kasabay ng pagsalo sakanya, tumigil lang kami ng tumama ang likod ko sa puno. Napadaing ako sa sakit at agad ko tinignan ang katawan ni Justice na nanghihina, napansin ko na may dalawang saksak siya sa tiyan at naghahabol din siya ng kanyang hininga.

Hindi maganda ito, wala kaming tiyansang manalo.

Ito naba ang katapusan namin?

"Kainitan ng Araw!"

"Liwanag ng Buwan!"

"Palubog at Pasikat!"

Showbreaker『✧』Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon