IT ALL STARTS HERE

12 0 0
                                    

Prologue.....

Ang sinag ng umaga at ang puting kisame ang sumalubong sa bagong gising na si Samantha...nanghihina at uhaw ang unang kanyang naramdaman, umupo siya ng dahan dahan at inilibot ang kanyang mga mata sa silid na kanyang hinihigaan, napansin niyang may nakakabit sa kanyang dextrose.

Anong ginagawa ko rito? tanong niya sa kanyang sarili.

Biglang bumukas ang pinto ng kanyang inookopang silid.

May pumasok na isang babaeng nakaputi at gulat ang unang makikita sa mukha nito. Agad agad itong lumabas at nakarinig na lamang siya nang mga ingay papalapit sa kanya.

May pumasok na lalaki at babae sa silid at nangingilid na ang mga luha lalong lalo na ang babaeng halos 30 anyos na kung titignan.

"Mabuti't gising ka na..." saad ng ginoo.

Nahihirapan siyang magsalita parang natutuyo ang kanyang lalamunan, nahihirapan rin itong gumalaw ng maayos.

" N-na-nasaan s-si-sin-a m-mam-at p-a-pa? " putol putol nitong tanong sa magasawa na nagpaputla sa mga mukha nito, ang kaninang masayang mga mukha ay napalitan ng pagkaawa at takot.

" Magpahinga ka muna Samantha " tugon ng ginang.

Nagdadalawang isip man ang batang si Samantha ay ginawa pa rin nito at tuluyan na siyang inasikaso ng mga nurse at doktor..

Samantala, ang magasawa ay nagtungo sa labas ng silid upang magusap.

" Ano na ang gagawin natin mahal ko? Papaano natin sasabihin sakanyang patay na ang kanyang mga magulang dahil sa aksidenteng nangyari sakanila? " nagaalalang saad ng ginang.

" Wala tayong magagwa kundi sabihin sakanya dahil karapatan niya yun at magandang mas maagaa natin sabihin para matanggap niya na ang mga pangyayari.." naawa man ay kailangan nilang sabihin.

Lumipas ang mga araw at palagi na lamang hinahanap ng batang si Samantha ang kanyang mga magulang, hindi agad masabi nang magasawa sa kadahilanan na baka hindi tuluyang gumaling ang batang si Samantha.

" Dok bakit parang walang natatandaan si Samantha sa mga nangyari sakanila? Ano ang dapat naming gawin? " tanong ng ginang sa mababang tinig na boses.

" Base sa pagaaral namin sa kondisyon niya, normal lang yun dahil nashock pa siya sa mga nangyari kaya wala pa siyang matandaan sa ngayon pero kapag sinabi naman natin ang totoong nangyari sa tingin ko dahan dahan niyang matatandaan yun or maaring siya mismo ang makaalala ng lahat...bata pa si Samantha kaya mas madali nilang maialis ang mga pangyayaring hindi kayang tanggapin ng kanilang utak, mas magandang sabihin na natin ng maaga para maiwas natin siya sa anumang depresyon...kapag maaga, mas madaling matatanggap ng bata ang mga nangyari....yan sa ngayon ang naiisip kong solusyon. " mahabang paliwanag ng doktor.

Napagisip isip ng magasawa na sabihin nila sa bata ang mga nangyari.

Kinagabihan ay nagpasya ang magaswa na sabihin ito.

.....................................

Nang masabi na nila ito ay hindi nila nakitaan na kahit anong bakas nang luha ang mukha ng bata, kahit lungkot sa mga mata.

Matagal itong hindi nagsalita at nakatingin lamang sa labas ng bintana habang nakaupo sa kama ng isa sa mga kwrto ng ospital na inookopahan nila Tahimik ang magasawang nakatingin sa batang parang nasa malalim na pagiisip.

" Gusto ko na pong matulog." saad ng batang si Samantha habang nakatuon pa rin sa labas ng bintana na nagpagulat sa magasawa matapos ang mahabang oras na pananahimik tiyaka lamang nagsalita ang bata.

Labag man sa kalooban ay lumabas na ang magasawa.

Niyakap na lamang ng lalaki ang asawa nitong nagaalala.

" Hintayin na lang natin siyang matanggap ang mga pangyayari. "mahinahong pagwika ng lalaki.

Samantala.....

Ipinikit ng batang si Samantha ang kanyang mga mata at parang isang pelikulang nagbalik sakanya ang lahat.

Isang pagbabalik tanaw ang pumasok sakanyang isip.

Isang gabi, lulan ng isang sasakyan ay masasayang nagkwekwentuhan ang pamilyang Santiago nang biglang may isang liwanag at malakas na horno ng sasakyan ang nagpatigil sa masaya nilang kwentuhan.

" Honey si Samantha! " sigaw ng kanyang ama na pinipilit iliko ang sasakyan samantala ang ina nito ay nagtungo sa kanyang tabi at niyakap ito ng mahigpit habang takot naman ang bumalot kay Samantha.

" Wag kang matatakot anak." bagamat nagaalinlangang tumango ang bata sa ina, ipinikit ng bata ang mga mata nito at tuluyan ng nawalan siya ng malay, huli niyang narinig ang ingay ng sasakyan at malakas na salpukan nito.

Sa kalagitnaan ng kanyang mahimbing na pagkakawalan ng malay, pinilit ng batang imulat ang kanyang mga mata kahit hindi ganon kalinaw ang imahe nakita niya pa rin ang duguang katawan ng magulang at basag na salamin sa harap gustuhin niya mang gumalaw ngunit mahirap at masakit ang kanyang katawan, ang nanay niyang alam niyang nakayakap sakaniya ay nasa harap na at nakasubsob papuntang harap at ang kanyang amang nakasubsob ang mukha sa manibela ng sasakyan.

Gusto niya mang abutin ang magulang ngunit tila may isang pwersang humuhugot sakanya pabalik at nagpapasardo ng kanyang mga talukap.

Nagbalik sa reyalidad ang kaninang lumilipad na isip ng bata.

" papa.....mama...." mahinang saad ng bata habang dahan dahang iminumulat ang mga mata, tumingin lamang ito ulit sa labas ng bintana at isang takas na luha ang lumabas sa kanyang malulungkot na mga mata.

***********

authors note.....

hello!!!readers, well yung sinabi ng doktor are all kathang isip lamang...all in all lahat ay galing lamang sa isip kong magulo...kaya bahala kayong magbigay ng opinyon...basta hinay hinay lang...thanks....

UNFAITHFULTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon