" PAGYAKAP"
Mag Isa Sa Gitna Ng Gabi
Nakatulala sa kisameng madilim
Nais magbahagi sa iba
Ngunit kinakain Ng hiya
Pagkat takot mahusgahanSa mundong Hindi ko kontrolado
Na Kung minsan pakiramdam ko
Ako ay Hindi kabilang
Pagkat madalas maliitin at husgahan
Sa loob at labas man Ng tahananMadalas maligaw, Hindi Alam Ang pupuntahan
Gusto Kong umiyak,Gusto Kong sumigaw
Ngunit PAANO?
Hindi ko Alam paanu sisimulan
Gayong pakiramdam ko ako ay naliligawBinitawan Ang Sariling Pangarap
Alang ala sa iba
Isang tanong na laging nasa aking kaisipan
Masaya ba ako sa aking napiling landas?
Magsisinungaling ako Kung sasabihin Kong OOSumubok ngunit ako'y nabigo
Ako' nasaktan, Ako' y nanghina
Ngunit Wala akong magawa
Kung iyan Ang aking kapalaran
Pinilit tanggapin at magpatuloy sa Laban Ng buhayNi minsan, Hindi ko pinangarap maging Guro
At iyan ay walang halong biro
Ngunit asan ako ngayun??
Pinapag aralan Kung paanu maging isang dalubhasaang guro
Pinipilit mahalin kahit Hindi iyan Ang aking gustoHindi ko sinasabi na Hindi magandang maging Guro
Hindi iyon Ang aking intensyun
Wala iyan sa aking vocabularyo
Sadyang Hindi Lang talaga iyan Ang aking gusto
Ngunit hanga ako sa inyu aking mga Mahal Na GuroNais Kong yakapin Ang sandaling Ito
Para sabihin sa aking sarili
" Mahal, Patawad"
Dahil Hinayaan kitang pumasok
Sa isang mundong Hindi mo kabisado
Hinayaan kitang maligaw
Sa isang paraiso na hindi mo ginustoAlam Kong asa proseso ka ngayun
Ng pagtanggap at pagyakap
Sa propesyong pinili mo
Hangad ko Lang sa iyo
Sanay maging Malaya at matagumpay ka
Magawa mong mahalin
Ang daang tinatahak moHuwag mong pilitin
Hayaan mong magkusa
Masakit pero kailangan mong magpatuloy
Dahil kailangan ka ng bansa
Kailangan ka Ng mga bataHahayaan Kong lumipas Ang panahon
At sa paglipas niyon
Susubukan Kong balikan Ang tulang Ito
At kapag dumating Ang araw na iyon
Iisa lamang Ang hangad ko para sau
Na sana'y tanggap Muna,
Yakap at KAya mo nang maging isang Guro...
![](https://img.wattpad.com/cover/298993514-288-k538558.jpg)