gustuhin ko mang mapasakin ka ay hindi ko magawa
hindi ko hawak ang puso at isip mo aaminin ko
hanggang ngaun ikaw pa rin ang mahal ko pero alam ko hanggang dun nalang un
hanggang kaibigan nalang tau
hanggang tinginan , biruan ,sakitan yun nalang ang magiging papel ko sa buhay mo alam kong hindi moko magagawang mahalin
alam kong sa huli magigising ako sa katotohanang iba ang mahal mo
iba ang paglalaanan mo ng oras ibang tao ang luluhuran at hihingan ng kamay upang makasama habang buhay
pero sa ngaun gusto ko ako muna
ako muna ang magiging dahilan ng iyong pag ngiti
ng iyong halakhak
ng iyong atensyon
dahil alam ko balang araw pag nahanap mo na ung taong magpapasaya sau
magiging isang alaala nalang ako ng buhay mo
balang araw pag nagkasalubong tau
mag ngingitian nalang tau konting kamustahan
pero hindi tulad ng dating masaya tau
nakakalungkot mang isipin pero alam ko balang araw may magseselos na
may magtatampo hanggang sa ikaw hindi ko na namamalayang tuluyan ka ng lumalayo
gusto ko ako muna
gusto kong susulitin ang mga panahong gusto ma pakong makausap at makasama
dahil pag dumating na sya siguradong ikaw mismo ang tutulak saakin palayo para lang magkabati kau
nakakatawang isipin na isa akong panakip butas sa iyo
magiging isang daan para mahanap mo ang mamahalin mo
at un ang katotohanang alam kong balang araw ay haharapin ko ang iwan mo ko para lang maging masaya kau
the end