one shot

18 2 0
                                    



              gustuhin ko mang mapasakin ka ay hindi ko magawa 

hindi ko hawak ang puso at isip mo aaminin ko 

hanggang ngaun ikaw pa rin ang  mahal ko pero alam ko hanggang dun nalang un

 hanggang kaibigan nalang tau 

hanggang tinginan , biruan ,sakitan yun nalang ang magiging papel ko sa buhay mo alam kong hindi moko magagawang mahalin 

alam kong sa huli magigising ako sa katotohanang iba ang mahal mo 

iba ang paglalaanan mo ng oras ibang tao ang luluhuran at hihingan ng kamay upang makasama habang buhay 

pero sa ngaun gusto ko ako muna 

ako muna ang magiging dahilan ng iyong pag ngiti 

ng iyong halakhak 

ng iyong atensyon 

dahil alam ko balang araw pag nahanap mo na ung taong magpapasaya sau 

magiging isang alaala nalang ako ng buhay mo 

balang araw pag nagkasalubong tau 

mag ngingitian nalang tau konting kamustahan 

pero hindi tulad ng dating masaya tau 

nakakalungkot mang isipin pero alam ko balang araw may magseselos na 

may magtatampo hanggang   sa ikaw hindi ko na namamalayang tuluyan ka ng lumalayo 

gusto ko ako muna 

gusto  kong susulitin ang mga panahong gusto ma pakong makausap at makasama 

dahil pag dumating na sya siguradong ikaw mismo ang tutulak saakin palayo para lang magkabati kau 

nakakatawang isipin na isa akong panakip butas sa iyo 

magiging isang daan para mahanap mo ang mamahalin mo 

at un ang katotohanang alam kong balang araw ay haharapin ko ang iwan mo ko para lang maging masaya kau 

the end

balang arawWhere stories live. Discover now