- 3 -

142 12 7
                                    

" Uy guys! Ano na plano sa field trip?"


Halos mabingi na ako sa sigawan nila Kylie. Grabe naman talaga sila pag excited.


"Mahahati ata kami eh" sabi ko.


"Oo nga. Nahati na ang 3B dati diba?" sagot ni Margaux


"Basta sama-sama pagbaba sa bus haaa!!"


Spell excited: K-y-l-i-e. Parang nakakatamad naman kasi yung pupuntahan eh adventurous type. Gusto ko kasi indoor lang. Ayoko masunburn no. 


Kadalasan lang nasa backpack ko ay cellphone, earphone at shades. Yung tatlo lang sapat na. Di ko kakalimutan ang shades kasi part na yun ng attire ko pag aalis ako. Pero sila, as usual puro foods. 


Simula first year pag nagfiefield trip, paramihan sila. Ang pinakamababang number ng bags of chips ay 7. Kung ang field trip lang kasi namin sa Star City, hayy 100% na akong sasama. Libre ko pa silang pito eh. Syempre candy lang ayoko gumastos eh.


After ng 2nd recess, pumasok ulit sa classroom ang adviser namin.


"Okay class, I'll take your last period to talk about our field trip. Wala na kasi tayong meetings na pwedeng gawing homeroom naten kaya ngayon nalang."


*o* Walang social. walang history. Nabuhay ako ah. Hayy eto nanaman pag-uusapan. As usual yung about sa pupuntahan, mga dadalin namin at hindi. Masyadong mahaba yung sinabi samin kaya konti lang natandaan ko. Basta alam ko tuloy ang field trip. Sabi na nga ba eh mahahati kami. Sa Bus 13 kami.


"Nga pala class, don't forget your project while on the trip. Class dismissed"


Nagreklamo ang lahat. Hanggang 4th year ba naman ganun parin? Di na kami nasanay. Nauna na sila Den den sa baba kasi maglolocker pa sila ni Kylie. Pinuntahan ko na si Margaux sa pwesto niya at sabay na kaming bumaba sa tambayan. Nandun na agad ang grupo.


"4B daw mahahati!" sigaw ni Kylie na halos mabingi lang ako.


"Magdadala kami ng fooooods!" sabay na sinabi nila Aubrey, Ellaine, Rix at Alice.


Magkakaklase kase yung apat sa section 4A. Kami naman nila Margaux at Denise sa 4B. At mag-isa lang si Kylie sa 4C. Basta may soundtip sa bus okay na.


Umuwi na kaming lahat. Pinagpatuloy namin ang topic about sa field trip. Ayun tas puro excited na lahat hahaha. Sinara ko na laptop ko. At diretso tulog. Miss ko na kama ko hay!


xxx


The next day...


Nagising ako ng 5:34am. Omg, baka malate ako! Di pa naman ako nalalate ever since. Teka, asan na ba si Alaska? Siya lagi gumigising saken eh. Parang may mali.


Pag punta ko sa dining table nandun siya. Kinalat niya ang mga newspaper. Ako nanaman maglilinis neto. Tutal kaya ko naman eh bakit ko pa iuutos. Isa-isa ko pinulot ang mga papel na nakakalat sa sahig. 


Yung huling paper, eto nanaman yung nabasa ko nung nakaraang araw. Tungkol dun sa mga estudyante na naaksidente sa field trip. Kinuha ko yun at nilagay sa bag ko. Nakaready na ko pumasok. Sumakay na ako sa kotse. Habang papunta sa school, binabasa ko lang yung newspaper. Maya maya nasa school na ko. Bumaba na ako agad at pumunta sa tambayan namin.


Binasa ko yung full details ng aksidente. Same age at year level ko lang yung mga students na involved dun.


"Ano yan?"


"Ay CJ! Ano ba yan Rix nakakagulat ka!"


"Pati ba naman sa expression si CJ? Grabe ka naman."


(Fyi, si Caleb John lang naman ang pinakasikat na youtuber at singer. Die hard fan ako eh! Okay back to reality.)


Kinuha niya bigla yung paper na hawak ko.


"Oy akin na!"


"Teka babasahin ko lang." -Rix


"Tss. Hawak mo na eh."


Yung nakatawa niyang mukha napalitan ng seryoso habang binabasa niya yun.


"Eto pala yung sinasabi mo dati sa amin."


"Yah. Nakita ko nalang ulit."


Bigla akong kinilabutan. Goosebumps.


"Di ko alam kung sasama ako o hindi eh."


"Sumama ka na Carrie! Di kumpleto ang barkada pag wala ka eh."


Hays oo nga pala ako lang di makakasama. May special project pa pag hindi nakasama, ano pa  magagawa ko? Nagdatingan na isa isa ang buong grupo. Tapos nagbell na.


Math time means lipat bahay! Ay upuan pala hehe. Nakipagpalit ako kay Bryle ng upuan na nasa harap ni Denise. 


Umupo ako na nakaside view sa kanya para madaling makita siya at yung teacher namin. Makikipag-usap na sana ako kay Denise. Pero may napatid ako dahil sa paa ko. Ang classmate na ngayon ko lang napansin, si Craig.


x x x x x x x x x x

In Death's EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon