Separation 1
"Oooh"
"Masakit"
"Oooh!"
"Dahan-dahanin mo nga yang paggagamot mo sa sugat ko! Tsk" Rinig kong sigaw ni Serpentine sa loob pagkadating ko sa boarding house na tinutuluyan ko. Napailing ako. Hindi maiiwasang malagyan ng lumot ang utak ng makakarinig sa pag-uusap nila.
Pumasok ako nang walang paalam at ibinalibag ang bag ko sa sofang kinauupuan nila. Natamaan ang sugat ni Serpentine sa paa at ang kamay ni Ravine. Napasigaw si Tine. That surely hurts. Nilagyan ko kasi nang puncher ang bag ko.
Serpentine shot me her deadliest glare while Ravine didn't mind it at all. Pinanindigan ang pagiging man of few words. I wonder kung pano nagkatuluyan ang dalawang ito. Tine is the girl who never stops talking. Salita ng salita. Million of words ang pwedeng lumabas sa bibig niya within one day. Ravine ofcourse kabaligtad ni Tine. Kaya niyang mabuhay ng hindi nagsasalita. Madalas napagkakamalang pipi. Isa ding malaking bwisit sa pagtataas ng kilay at pang-iirap. Srsly?! Nakakinsecure dahil mas mataas pa ang inaabot ng kilay niya sa nagagawa ko at mas magaling siyang umirap. He can roll his eyeballs 360°. It's like his way of saying 'Angal ka?'. And i find it irritating. Pano kaya sila nakakacope-up sa relasyon nila? I imagine. Sigaw ng sigaw si Tine habang nakatunganga lang si Ravine sakanya at nakataas ang kilay. Perfect.
Ako? Wala. Maganda lang ako and sapat na yun. Ugali? Don't expect too much. I'm your darkest nightmares. Masama ang ugali ko. I admit it. Yung kasabihan na 'Nasa panloob na kaanyuhan ang kagandahan'. Mga pangit lang ang nagsasabi nun. Kaya wag kayong nagpapaniwala.Unless your ugly.
Nagbihis ako sa banyo. I'm wearing a skater skirt and a black shirt na medyo kita ang tiyan ko and ofcourse killer heels. Off to go.
Inirapan ko ang magboyfriend na busy-ing naglalampungan sa living room. Rolling my eyes is my sign of farewell. You should be grateful kung nasilayan mo akong umiirap. Either naiimbyerna ako sayo o special person ko. Sad to say special yung dalawang talipandas na kaibagan kong yun.
Kinuha ko ang phone sa dala kong purse when i heard it rang. I opened the message .
From: Separator Inc.
Gianina Street, Hanyeon District. Plaza. 5:00 p.m sharp. Don't be late or else i'll kill you.
Napakunot ang noo ko. Gianina street,Hanyeon district ang kinatitirikan ng boarding house namin nila Tine. Nasa harap lang namin ang Plaza. Why would Separator Inc. send me on my own residence? I immediately look infront at nakita ko roon ang lalaking nakaupo sa bench at nakadantay ang kamay sa handle nito showing his tatoo. Capitals SI in black. Just like mine.
Naglakad ako papunta roon. Tinitigan niya ako. Pinakita ko ang SI na tatoo ko sa batok ko. Kinailangan ko pang itaas ang mahaba kong buhok para makita niya iyon. May hinugot siyang papel sa pantalon niya at agarang ibinigay saakin. Binasa ko ang paalala na palagi kong nakikita sa mga misyon ko. Inangat ko ang tingin ko pagkatapos basahin ang three word reminder. Unti-unting umangat ang gilid nang mga labi ko nang wala na akong maabutan na lalaki ko roon. Samantalang tatlong letra lang ang binasa ko. Tss!
Pero unti-unting napalitan iyon ng confusion at pag-aalala. Kinusot ko ang mata ko at muling tinitigan ang papel. This can't be. Ang isang Kismet Kiosk na katulad ko nag-aalala. Muli ko itong binasa .
Don't fall inlove
Separation Target:
Ravine Pantomine and Serpentine Shenanigan
Napabuga ako ng hangin at naikuyom ang aking kamao. For the past 5 years of working in Separation Inc. Ito ang masasabi kong pinakamahirap na misyong ibinigay sakin. Look it's not that easy to break my bsstfriend's heart and my bestfriend's boyfriend heart. Pano ko maatim na traydorin at paghiwalayin ang dalawang o masasabi kong tanging dalawang kaibigan ko? Pano..