Part 1

5 0 0
                                    

Title: GIRL WITH RED SHOES
written by Serenity Amore
Genre: Erotic/R18+
Warning: Read at your own risk. Not suitable for young readers.

PART 1

MALAKAS na sunud-sunod na katok ang nagpamulat ng aking mga mata. Agad akong bumangon upang pagbuksan ang taong kumakatok sa aking silid upang mairita lamang nang bumungad sa aking harapan ang aking inang si Dolores.

“Ano’ng kailangan mo, Inay? Alam mo ba na iniistorbo mo ang tulog ko?!” singhal ko sa aking ina.

“Pasensya ka na, Anak. Gusto ko lang ipakita sa iyo ito...” tugon naman ni Inay at inabot sa akin ang isang pulang sapatos na nahihinuha kong nasa anim na pulgada ang taas ng takong.

“Siguradong magugustuhan mo ito, Anak. Regalo ko sa nalalapit mong ika-labing siyam na taong kaarawan,” nakangiti pa niyang saad sa akin na animo tuwang-tuwa na nabilhan niya ako ng magandang sapatos.

Nakasimangot kong tinanggap ang sapatos na regalo ni Inay. “Buwisit naman, Inay! Dahil lang sa punyetang sapatos na ‘to ay inistorbo mo ang tulog ko?!” galit ko pang bulyaw sa kanya, “Wala ba talaga kayong magawang mabuti para sa akin?”

Napayuko na lamang si Inay sa mga sinabi ko. Hindi ko na rin hinintay ang iba pa niyang sasabihin at agad ko na siyang pinagsarhan ng pinto ng aking silid.

Narinig ko pa ang tinuran ng aking ina sa kabilang bahagi ng pinto, “Patawarin mo ako, Anak,” ma

Kahit na rinig ko ang paghingi niya ng tawad at ang kalungkutan sa boses niya ay hindi ko iyon pinansin at pinagkibit-balikat ko lamang. Wala talaga akong nararamdamang kahit na kaunting awa sa aking ina.

Muli akong humiga sa malambot kong kama upang bawiin muli ang naudlot kong tulog. Subalit ilang minuto na akong nakahiga at pabaling-baling sa aking higaan ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok kung kaya bumangon na lamang ako kahit alas-diyes y medya pa lang ng umaga.

“Haist! Buwisit talagang matanda iyon!” Pagdadabog ko pa at naupo sa aking kama.

Pagkatapos ay pinagmasdan ko ang regalong sapatos niya na initsa ko lang sa isang tabi kanina. Dinampot ko iyon at sinipat ng mabuti; Louboutins Shoes ang tatak nito, mamahalin at alam kong hindi biro ang halaga.

Napangiti ako nang mapakla at malakas na ibinato sa pinto ang hawak kong sapatos. Dahil sa sobrang inis ko ay tuluyan nang nagising ang aking diwa.

Dahil doon kung kaya bumangon na ako at lumabas ng kuwarto at hinanap ang aking walang kuwentang ina.

“Inay! Inay!” malakas na tawag ko sa kanya ngunit walang sumasagot. “Buwisit talaga! Kung kailan kailangan saka naman nawawala!” pang-gigigil ko pang wika.

Dahil hindi ko mahanap si Inay kaya nagpasya na lang ako na manood ng television.
Ilang sandali pa lang akong nakakapanood nang bumukas ang pinto at iluwa niyon si Inay na may mga bitbit na mga pinamili galing palengke.

“Oh! Gising ka na pala, Anak? Kaunti lang ang itinulog mo, alam ko namang puyat ka magdamag,” nag-aalalang wika niya. Nirolyohan ko lang siya ng mata at hindi na sinagot pa. Muli kong itinuon ang aking mga mata sa pinapanood ko.

“Pakitulungan mo nga ako rito sa mga pinamili ko, Anak,” kapagdakan ay utos niya nang nasa harapan ko na siya.

“Nakita mong nanonood ako! Umalis ka nga diyan, hindi ko makita!” singhal ko naman sa kanya at malakas siyang tinabig palayo sa harapan ko.

“Wala kasing common sense. Hindi man lang makaramdam!” habol ko pang pang-iinsulto kay Inay bago ko siya inirapan.

Subalit hindi siya kumibo, gaputok man lang sa pang-iinsulto ko sa kaniya at sa halip ay tumuloy na lanh sa aming kusina upang maghanda ng aming tanghalian.

Pasimple ko siyang sinulyapan na may poot pa rin na mababanaag sa aking mga mata. Nagtatagis ang aking bagang habang pinagmamasdan ko siyang masayang nag-aayos ng kanyang mga pinamili sa aming kusina.

Pagkalipas ng ilang minuto, nang maramdaman kong nagsisimula na siyang magluto ng aming tanghalian ay lumapit na ako sa kanya at naupo sa maliit na lamesa roon.

“Bilis-bilisan mo ang pagluluto, Inay, gutom na ako,” utos ko sa kanya saka naupo at binutingting ang aking cellphone.

“Oo, Anak,” impit na sagot naman niya sa akin.

Napabuga ako ng hangin upang alisin ang inis na aking nadarama. Pagkatapos ay pinagmasdan ko ang likod ni Inay habang abala sa pagluluto.

“Gano’n naman talaga si Inay. Ano pa ba ang ipagtataka ko?” sa isip-isip ko, “Napakamalambing, maalaga at mahinhin kapag nagsasalita na animo isang mapagmahal at maalalahaning ina sa akin. Isang anghel na ibinigay sa akin ng Diyos. Ngunit ang totoo ay isa siyang demonyo na nagpapanggap na Santo!”

Tandang-tanda ko pa noong nakaraang taon—noong unang dalhin ako ni Inay sa isang sikat na club; Mariposa ang pangalan.

Kakatuntong ko pa lamang sa edad na labing-walong taong gulang noon, inosente at wala pang karanasan sa makamundong pagnanasa. Bagama’t ang aking itsura ay dalagang-dalaga na dahil sa mahubog kong katawan at bilugang dibdib. May maamo rin akong mukha tulad ng sa aking ina, mapupulang labi, nangungusap na mga mata, makinis at balingkinitang katawan.

Napaka-inosente ko pa sa larangang ito ng buhay subalit maaga akong iminulat ni Inay sa kasamaan ng mundo. Marahil dahil maganda ako kung kaya ito ang napili ni Inay na maging trabaho ko? Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya ng mga sandaling iyon.

Sobra ang aking pagtangis at takot ng mga oras na iyon. Ang tanging inang masasandalan ko at magpoprotekta sa akin ay siya pa mismo ang unang nagtutulak sa aking pasukin ang pagiging nude dancer sa club!

Hindi ko namalayang napaluha na pala ako nang maalala ang dinanas ko noon at nagbalik-diwa lang nang magsalita ang aking ina.

“Nagustuhan mo ba ang sapatos na regalo ko sa iyo, Anak?” untag na tanong niya sa akin.

Napabuntong-hininga ako sa tanong niya at muling nagliyab ang galit sa aking dibdib.

“Alam mo bang sobrang mahal ng sapatos na iyon?!” asik kong tanong sa kanya, “Saan mo na naman kinuha ang pinambili roon? Lahat ng kinikita ko sa club ay ginagasta mo sa mga luho mo!”

Gayunpaman, muli siyang hindi sumagot sa akin. Kahit na anong sumbat, mura at insulto ko sa kanya. Lahat ng iyon ay tinatanggap niya nang buong-buo.

Isa ang mga iyon sa ikinagagalit ko pa ng husto sa aking ina. Nagagalit ako na mukha siyang mapagmahal na ina datapwat hindi naman talaga iyon ang totoo.

Siguro kung kasungitan at kasamaan ang ipinapakita niya sa akin, siguro ay matatanggap ko pang ipinagbibili niya ako kung kani-kaninong lalaki.

Girl With Red ShoesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon