Title: GIRL WITH RED SHOES
written by Serenity Amore
Genre: Erotic/R18+
Warning: Read at your own risk. Not suitable for young readers.Part 2
“NAKABIHIS na si Ella, Sir,” dinig kong wika ng aking floor manager sa customer na magte-take out sa akin.
Halatang naiinip na ang matanda na sa tantiya ko ay nasa late 40’s na ang edad, malaki ang tiyan na napabayaan. Marahil sa kakainom ng alak at hindi magawang mag-ehersisyon
Nagpupuyos man ang aking kalooban sa pagsama ko sa isang lalaking katawan ko lamang ang nais, maliban pang parang ama ko na siya. Ngunit wala naman akong magawa dahil bayad ako at iyon ang trabaho ko.
Gustong-gusto kong tanggihan ang ganitong trabaho, tumakas sa impyernong kinasasadlakan ko. Subalit hindi ko magawa. Dahil once na umalis ako rito ay siguradong sa simenteryo ang bagsak ko. Sapagkat sa organisasyong kinabibilangan ng may-ari ng club na masyadong brutal at walang patawad ang mga ito.Minsan ay nasaksihan ko nang may mag-quit na isang dancer. Iyon ang pinalitan ko kung kaya ako napasok dito. Makalipas lamang ng ilang araw na mag-quit ito ay nabalitaan na lamang namin na natagpuan ito sa isang creek na patay na at puno ng latay.
Nanginig ako sa napagtanto na hindi ka basta-basta makakatakas sa lugar na ito. Bagaman at sinabi ko iyon kay Inay at pinilit siyang umalis na kami roon ay pinangatuwiranan lang niya ako na kaya nangyari sa babae iyon ay dahil malaki ang utang niyon sa may-ari ng club.
Sa huli ay hindi ko pa rin napapayag si Inay na huwag na kaming tumuloy sa pagtatrabaho roon. At nang gabing iyon ang una kong karanasan sa kamay ng kliyenteng hanggang ngayon ay natatandaan ko pa rin ang mukha habang tuwang-tuwang umiindayog sa akin dahil naka-jackpot sapagkat birhen pa ako ng mga sandaling iyon.
Kalahating oras na kaming nagbibiyahe ng customer kong nagpakilalang si Franco. Isinakay niya ako sa Mercedes-Benz niya at pinaupo sa passenger seat.
Kanina pa ako naiirita sa mga pahaplos-haplos nito sa aking hita habang kami ay nagbibiyahe. Halatang hindi na ito makapagpigil na ako ay angkinin.Gusto ko mang magprotesta ngunit wala akong karapatan, bayad na ako. Nagbayad na sa aking ina na ngayon ay siguradong nagbibilang na ng napagbilhan sa akin.
Dinala ako ng lalaki sa isang magarang hotel. Nag-check-in kami roon. Pagkapasok ko pa lamang sa silid ay sinibasib na agad ako nito ng halik sa labi, sa aking punong tainga at leeg.
Nakikiliti ako sa ginagawa ng lalaki ngunit kasabay noon ang sakit sa marahas nitong pagroromansa sa akin.
Ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at nag-usal ng isang panalangin na sana ay matapos na agad iyon.
Pagkaraan ng ilang sandali ay binitiwan na niya ako. Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano.Pagkatapos ay nagpunta siya sa banyo upang mag-shower. Nang matapos ang lalaki ay inutusan naman niya ako na maglinis na rin ng aking katawan.
Nakita ko sa kaniyang mga mata ang disgusto na may kasamang pandidiri dahil marahil ang nasa isip nito ay ilang lalaki na ang lumaway sa akin bago siya.
Mariing nakagat ko na lamang ang aking pang-ibabang labi dahil totoo iyon. Ilang lalaki na nga ang nakalaway at nagsawa sa akin.
Matagal akong nagbabad sa bathtub na animo ay ayaw nang lumabas pa. Ngunit hindi iyon maaari kaya tinapos ko na ang ginagawa at lumabas na ng nakatapis at lumapit sa lalaking kanina pa nakahiga sa kama at hinihintay ako.
Dahan-dahan akong lumapit sa lalaki habang tinitingnan ang tayung-tayo nitong alaga. Napapalunok na lamang ako sa kaba. Nandidiri ako ngunit wala naman akong magawa.
“Ipipikit ko na lamang ang aking mga mata,” pipi kong wika sa sarili.
Pagkalapit ko sa kaniya ay muli niya akong sinibasib ng halik, marahas na inihiga sa kama at kinubabawan. Ang mga kamay niya ay naglalaro sa aking matatayog na dibdib habang unti-unting nilalasap ang aking kabuuan.
Noong una ay marahan lamang ang kilos ng lalaki subalit habang tumatagal ay nagiging marahas at mapusok na siya sa pag-angkin sa akin.
Bumibigat ang mga kamay niyang dumadama sa aking katawan. Hangang ang isang kamay niya ay bumaba sa aking kaselanan. Marahas, walang pakundangan niya akong sinasalbahe. Hindi niya naiisip na nasasaktan na ako sa ginagawa niya. Animo isang laruang walang buhay ang tingin niya sa akin.
Dumadaing na ako sa sakit ngunit animo walang naririnig ang lalaki at patuloy pa rin sa ginagawa. Nang itulak ko ang dibdib niya palayo sa akin ay marahas niyang hinablot ang aking dalawang braso at iniangat sa aking ulunan. Mahigpit niyang hawak ang aking mga kamay habang naglalaro ang bibig sa aking buong katawan.
Napahiyaw ako sa sakit nang biglang ipasok niya sa aking pagkababae ang kaniyang alaga na walang ingat. Inakala siguro niyang maluwang na ang aking lagusan at hindi na siya mahihirapan pang makapasok. Subalit nagkakamali siya dahil pangatlo pa lamang siya sa mga naging kliyente ko.
BINABASA MO ANG
Girl With Red Shoes
General FictionMaiksing kuwento ng isang dalagang sumuong sa mapanganib na buhay. Isang dalagang ang hangad lamang ay ang pagmamahal ng kaniyang ina, subalit kahit iyon ay ipinagkakait pa sa kaniya. Paano nga kaya niya malalampasan ang mga pagsubok na dumarating...