Chapter 7

14 0 0
                                    

(a/n: Nade-depress ako :( Advice nga po. Anyway,enjoy this chapter )

- - -

[ Denver's Point of View ]

"Tutugtog kaba?"

Napatingin ako kay Chris.

"Hehe. Sige titignan 'ko mamaya kapag nasa mood ako"-sagot 'ko.

Matagal-tagal na din akong hindi tumutugtog.

Last time na nag-perform ako bago pa ako umalis ng basta a year ago.

"Ang arte pare! Papilit pa ba?! Haha! Dati-rati kapag ganito,automatic na yung banda nyo nila Ciela ah! Haha"-sabi nya habang hinahamapas yung braso ko.

Natigilan ako sa huling sinabi nya.

"banda nyo nila Ciela ah!"

"banda nyo nila Ciela ah!"

"banda nyo nila Ciela ah!"

"banda nyo nila Ciela ah!"

"banda nyo nila Ciela ah!"

"banda nyo nila Ciela ah!"

Paulit-ulit na nagpe-playback sa tenga 'ko.

Tama.

May banda kami dati nila Ciela nung high school pa lang.

Usually,tumutugtog kami sa bar na to.

Bale ito na yung hang out namin ni Ciela nung kami pa.Oo,naging kami ni Ciela. Supposedly,4 years na dapat kami ngayon.

5 kami sa grupo.

Ako at si Ciela ang vocalist.

Si Chris ang lead gitarist.

Si Trei ang drummer.

At si Ray sa bass.

Everything is alright. Sumikat yung banda namin. Masaya.

Ang kaso,

umalis ako.

iniwan ko sila.

nag-disband kami.

at ngayon eto ako inaalala nalang lahat ng masasaya araw.

"ARAY!"-sigaw ko

Hampasin ba naman kasi ako netong Chris na to!

"Bakit ka ba nanghahampas?!"-medyo naiirita kong tanong

"Tulala ka diyan e! Nag-eemote ka nanaman dyan e! Susumbong na kita kay Ciela"-sigaw nya.

Binatukan ko siya.

"Lalaki mong tao ganyan ka! Di ako nag-eemote no!"-sigaw ko.

Tumayo siya.

"WOOO! Lokohen mo lelang mo! Nabanggit ko lang si Ciela natulala kana! Haha"-sabi nya

Tinignan ko siya ng masama.

"HAHAHA! Joke lang. Di ko naman madalas makita yung pinakamamahal mo! Hahaha"-asar nya sakin

Inakmaan ko siya.

"Oops! Tama na! Haha dyan ka na nga! Tumugtog ka basta mamaya."-sabi nya sabay alis.

Pakilamero talaga yung Chris na yun.

Pero kahit ganyan yan,pagkabalik ko ng Pilipinas,siya pa din yung kaibigan kong tumanggap sakin.

Drama -.-

Pero totoo,siya lang talaga yung tumanggap sakin.

Hindi ko man lang naramdaman na nagalit siya.

A Life Outside my BodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon