One

9 0 0
                                    

Downfall and rising sun.

------------------------------------------------------
Iyak ako nang iyak sa kwarto dahil sa nalaman ko nang pumasok si ate Donna.

"Hoy Gaela, mag impake ka na at pupunta ka na sa totoo mong ama! bilis! Istorbo ka lang sa pamilya!" napayuko at naramdaman ko nalang ang luha ko sa pisngi ko. Narinig kong nag tatawanan ang nanay at mga kapatid ko sa baba. Habang ako umiiyak, parang walang halaga at hangin lamang ako sa buhay nila. Naiinis ako ngayon sa nalaman ko.

"bilisan mo Gaela! ano ba?! mag hihintay pa ba tayo nang alasais nang umaga ha Gaela?!" kinuha nya ang mga damit sa nanghihina kong mga kamay at ipinasok iyon sa bag ko.

"ang bagal!"

"ate...." gusto kong tanungin kung bakit, bakit nangyayari ang lahat nang ito saakin.

"ano?!" iritable nyang sagot, nang natapos sya sa pag eempake ay binato nya saakin ang bag ko, umiiyak na ako, habang sya ay nakataas lang ang kilay at tinuturo ang pintuan palabas.

Napatingin naman ako sa alkansyang pinag iipunan ko. Akmang kukuhanin ko na sana iyon ay kinuha na nya. Bakit?! 1 taon ko rin pinag ipunan yan mula sa kakarampot ninyong binibigay saakin.

"saakin yan!" di ko na napigilan ang sarili ko at kinuha iyon. Hindi na ako papayag at hinding hindi na ako babalik sa bahay na ito. Hindi katwiran ang binuhay nila ako, sana nga ay hindi na nila ako binuhay, sana.

"hoy Gaela! hoy!" hinahabol ako ni ate pababa. Ipinasok ko na ang alkansya ko at nasa salas na ako ngayon kung saan sila masayang nagtatawanan. Nakita ko ang simangot sa mga mata at labi ni nanay. At ang ngisi ni tatay. Sa kanila ko nalaman ang totoo, na hindi ako anak ni tatay at isa lang akong napaka laking kasalanan sa pamilya. Napakalaki na sumakop sa bahay nila!

"buti naman Rosalia at pumayag ka nang paalisin ang bastarda mo." ngising ngisi ang pinaka masama kong nakilalang tao. Sa mga mata ni inay ay alam ko na gusto nya ako mabatili, pero hindi nya iyon nailabas at sinabihan pa akong umalis na. Alam ko na mas pipiliin nya ang tunay nyang pamilya kaysa saakin na pagkakamali nya. Nalaman ko na muntik na nya akong ipa...argh! nakakainis! Sana tinuloy na lang nya iyon! bakit oa sya naawa? eh mas nakakaawa pa nga ako ngayon dahil pinag tatabuyan ako nang sarili kong ina!

"alis na Gaela." utos saakin ni inay. Napailing nalang ako sa pagka bigo at umalis na. Nang pagtapak ko sa labas ay sinaraduhan na agad ako nang pinto ni tatay. Narinig ko ang tanong nang mga nakababata kong kapatid sa loob pero inignora ko nalang ito. Inignora katulad nang pagka ignora nila saakin.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Hindi ko alam kung saan ako.mag sisimula pero tinawagan ko nalamang ang kaibigan ko. Sya lang ang makakatulong saakin ngayon. Bumyahe ako papunta sa bayan. Sya nalang talaga ang tanging pag asa ko para maipag patuloy ang napka walang kwenta kong buhay!

"tao po....." kumatok muna ako sa pintuan nang parlor nila Mara.

"beklita! andito yung bespren mong napakaganda!" bungad saakin nang lasamahan nya sa parlor na si Magda. Nakangiti parin sya pero napawi iyon nang namumuo na ang luha ko.

"Magdee ano? Si Gaela?! oh emm! GAELA KO!!" tumakbo sya palapit saakin at niyakap ko sya. Pagka yakap nya saakin ay ibinuhos ko lahat, lahat lahat nang hinanakit ko sa kanila.

"besh, a-anong ginawa sayo?! Ha?!" inexamine nya ako mula ulo hanggang paa. Nagulat nalang ako dahil napa iling sya. Bakit? Parang alam nya ang nang yayari saakin?

"b-bakit?" pagtatanong ko sa kanya, pero tinawag nya si Magda at lumapit, dala ang baso nang tubig at iilang biscuit.

"upo na." pag aanyaya nya saakin. Nilibot ko ang paningin ko sa parlor nya. Ang laki rin nang naitulong nang bayan dito sa Coron. Maganda ang isla, laki ako sa liblib na lugar sa Coron. Kaya minsan lang ako nakakapunta sa bayan para dalawin ang kaisa isa kong kaibigan, dahil sa eskwela ay walang kumakaibigan saakin dahil sinisiraan ako ni ate, 1 taon lang ang agwat naming dalawa. Pero kung makaasta sya ay nasa mid 50's na ata sya.

"hmm mag 2-20 ka na sa march. Hmm mukhang dadatnan ka nang 20 sa ibang lugar? Ha?" napatigil naman ako sa sinabi nya. At nabaling naman ang tingin ko kay mags.

"oh anong drama itech bakit may dalang pagkalerkie lerkieng bag?!" pag kaarte arte naman ni Mags. Ayoko syang tawaging Magdalena, kasi di naman sya bayaran. Ano yun? Bayaran na bakla? Haha?

"pinalayas na nila ako matapos ko malaman ang lahat." napabitaw naman sya sa gunting nang ginugupitan nya. Iniabot nya ito kay Mags at ipinagpatuloy.

"what katotohanan?! What?!" bapa buntong hininga nalang ako at napahawak sa kamay nya.

"h-hindi a-a-ako tunay na anak ni tatay. Kumbaga anak ako ni nanay sa mayamamg lalaki na nagka gusto sa kanya." mahina at mangiyak ngiyak kong sabi kay Mara.

Napa nganga nalang sya at tumingin sa bag ko...bakit? Hindi sya umiling dahil alam nya, umiling sya dahil nasaktan ako. Kinwento ko lahat sa kanya. Lahat lahat. Gusto pala mgakaroon nang anak ang lalaki na syang tatay ko. Kaya heto ako ngayon, noong kukunin na nya ako ay hindi pumayag ang misis nang lalaki na tatay ko. Pero pinangako nya daw na kukunin nya ako sa tamabg panahon. Asaan na ang tamang panahon?! nasaan?

"luluwas kami nang manila for good. Gusto mo bang sumama?" nag aalala pero pursigido syang nagtatanong saakin.

"w-wala akong p-pamasahe..." nanliliit ang boses ko. Pero saan naman ako pupunta dito sa Coron?! Wala na akong mukhang maihaharap dito. At aalis na ang kanlungan ko dito kaya sana ay magawa nya akong isama.

"ako bahala." pag papapayag nya saakin. Nagkaroon naman nang ngisi ang mga labi namin.

Kay Mara muna ako tumutuloy,.isipin mo? Wala syang kahitvsinong kasama, pero nakayanan nya.

Ilang araw din ang lumipas, kailangan kasing makaoag ipon muna sya bago makapunta sa Maynila kaya naman tinulungan ko sya sa pag gugupit. Alam ko naman mag gupit at mag make up.

Ilang araw nalang at makakapunta na ako sa Maynila. Maganda daw doon pero mausok maraming may masasamang loob. Pero kung sanay ka naman. Ay walang problema. Siguro naman masasanay din ako. Sana naman may tumanggap saakin doon katulad nang pag tanggap saakin ni Mara,at Gaela, kaya mo ito! Kaya mo kung gugustuhin mo!

Malay mo Gaela mahanap mo na ang lalaking tatanggap sa iyo at magmamahal sa iyo. Yan ang makikita mo sa manila Gaela. Sana. Sana nga.

-------------------

Note/ gaela sounds like gayla. As in gay-la.

At hindi po bakla si Mara. Babae po sya na feeling bakla. Haha

One done. Vote and comment. Again. This is just a fanfic ^_^

Ebnjoy ^_^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 08, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forbidden LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon