Change 67
Andito ako ngayon sa Fireon Kingdom nanonood sa parade.
"Salem" tawag sakin nila Aqua kaya nag wave naman ako ako sakanila pabalik.
"You came" sulpot ni Chase sa likod ko.
"Hindi ako pumapako ng pangako" sabi ko. "So ano nga yung sasabihin mo?".
"Later" sabi niya.
"Later? Anong later? So ibig sabihin tatagal pa ako rito?" Tanong ko sakanya.
"Yes" tipid na sabi niya.
"Look Chase importante ba talaga ang sasabihin mo o hindi?" Tanong ko sakanya.
"Very important" sabi niya.
"Edi sabihin muna" sabi ko.
Nagulat ako ng unti unti siyang lumapit sakin hanggang sa macorner niya ako.
"You're in hurry?" Tanong niya.
"U-umalis ka nga jan" inis na sabi ko sabay tulak sakanya palayo. "Ikaw ha wala kang respeto sa matanda sayo".
"The word respect is not in my vocabulary" sabi niya.
"By the way congrats, magiging hari kana" sabi ko.
"About that, that's the reason why I want to talk to you" sabi niya na ikinakunot noo ko.
Nagsimula na ang coronation at nakatayo lang ako rito sa isang gilid kasama si general.
"General Harrison, may napanaginipan po ako kanina" sabi ko kay General Harrison.
"Ano iyon mahal na prinsesa?" Tanong niya.
"Hindi ko po alam kung ano yun pero may nakita po akong sanggol, buhat buhat ni mommy, but suddenly darkness eat the baby then it disappears" sabi ko. "At nasisigurado akong hindi po ako ang batang iyon dahil lalaki po iyon, kaya may alam po ba kayo sa napanaginipan ko?".
"Ito na siguro ang tamang panahon para malaman mo ito mahal na prinsesa" sabi niya na ikinakunot noo ko. "Nakakalungkot lang isipin na hindi man lang ito naipagtapat ng mga magulang mo saiyo bago sila nawala".
"Ano po ang ibig ninyong sabihin general?" Tanong ko sakanya.
"Mahal na prinsesa, may---"
*Bogshhh*
"Ang barrier" sabi ko. "Mga demons, naaamoy ko sila".
"Protektahan ang royalties" sigaw ni general kaya naalerto naman ang mga kawal at agad na pinalibutan ang mga royalties.
"Hindi kami narito para sirain ang walang kwentang koronasyon ninyo" sabi ng isang demon's.
"Anong kailangan ninyo?" Tanong ng ina ni Aqua.
"Ang babaeng iyan" sabi ng demon's habang nakaturo sakin kaya napunta naman sakin ang atensyon nilang lahat.
"At bakit?" Tanong ng ina ni Chase.
"Pinatay niya ang aming Demon sect kaya dapat siyang managot sa mahal naming hari" sabi ng demon.
"Hindi pwede" sabi ni Aqua.
"Ayaw namin ng gulo kaya kung maaari ay ibigay niyo nalang saamin ang hinihingi namin" sabi ng demon.
"If you don't want others to get involve, come with us" napatingin ako sa nagsalitang si Rakim na nakatingin sakin.
"Rakim" bulong ko sa hangin.
"Hindi mo ba narinig ang Reyna ng Oceana Kingdom? Sabi niya hindi pwede at tutul din ako" inis na sabi ni Sky. "Hindi niyo maaaring kunin ang kaibigan namin".
"Have you forgotten already? Ginulo niyo na ang teritoryo namin kaya pano niyo napagtitimpiang sabihing ayaw niyo ng gulo?" Tanong ni Kurt.
"We promised not to bring any chaos again, in exchange for that woman" turo sakin ni Rakim.
"Like what they said, the woman you we're talking about is our friend" sabi ni Frost.
"Pwes wala din kaming pakealam" sabi ng demon. "Sugod".
Agad kong inilabas ang anyo ko at agad na nakipaglaban sa mga demons.
"Mahal na prinsesa umalis kana" sabi sakin ni General kaya umiling naman ako.
"Lalaban ako general" sabi ko.
"Stop being so stubborn woman" sulpot ni Chase sa gilid ko. "You'll get yourself killed".
"Eih ano naman, buhay ko toh" sabi ko sabay sugod sa mga demons.
"You should surrender yourself" napalingon ako sa nagsalita sa likod ko.
"Rakim" sabi ko.
"If you don't surrender yourself to my father, he will hunt you, and not only you, your love once also" sabi niya.
"Ano ba ang pakealam mo sa mga mahal ko sa buhay ha? Diba wala, so don't act like you care" sabi ko.
"I'm still 1 year younger than you, I still know better than you do" sabi niya.
"Isa ka ding demons kaya bakit kita pagkakatiwalaan at paniniwalaan?" Tanong ko at sinugod siya.
"Gusto mo bang mangyari ulit ang nangyari sa kaharian mo?" Tanong niya na ikinakunot noo ko. "But this time sa kaharian ng mga kaibigan muna iyon mangyayari".
"Napakasama niyo talaga" nagtitimping sabi ko.
"If you don't want that to happen, surrender yourself" sabi niya kaya napatingin naman ako sa paligid ko.
"Kapag ba sumunod ako sayo, mapapangako mo bang hindi niyo na guguluhin ang mga kaibigan ko?" Tanong ko.
"You are the most powerful here in the immortal world, having you in existence is unfair especially if you are in the bright side" sabi niya. "The only thing that the Demon King want is to make sure that everything is fair in this world".
"Pero wala na akong kapangyarihan, isa na lamang akong normal" sabi ko. "Na parang isang mortal na tao".
"Then prove it to my King" sabi niya kaya napatingin naman ako sakanya.
"Sasama na ako sayo" sabi ko. "Patigilin muna sila".
Itinaas niya ang kamay niya kaya nagsitigil naman ang mga demons.
Sumunod ako sakanya at hindi na nag abalang lingunin sila Aqua.
"Salem" tawag sakin ni Aqua at Sky pero hindi kona sila nilingon pa.
BINABASA MO ANG
The Cat Princess of Norris Kingdom (✔️COMPLETED) (UNEDITED)
Fantasybasahin niyo para masaya:^)