Gab's POV
Shit may nabangga pa ako pag baba ko ng hagdan!
*Plaaaaaaag*
"Sorry miss! Sorry di ko sinasadya. Sorry "
Pinulot ko yung gamit niya na nahulog nung nabangga ko siya.
"Miss oh, eto na yung gamit mo. Sorry ulit. I didn't meant that to happen." sabi ko sakanya.
Nung iaabot ko na yung gamit niya, nagulat ako bigla. Kasi pagtingin ko.. Si Sam pala.
Hayyyys. :( Akala ko okay na ako sakanya. Akala ko wala na akong feelings sa kanya. Akala ko lang talaga. Pero bakit ganun? Nung nakita ko siya kinabahan ako bigla. Yung tibok ng dibdib ko sobrang bumilis. Bat ganto? Posible bang mahal ko pa siya? Posible bang gusto ko pa si Sam?
Okay papakilala ko na si Sam Rojean Domingo. Everyone is calling her Sam. 15 years old na din siya, Senior Student, Mabait, Maganda, Maputi, Matangkad, Matalino, Mayaman yan may business kasi sila sa ibang bansa eh, Hindi siya maarte pero parang sossy yung ganun. Madaming nagkakagusto sakanya at sikat din siya sa school. First Honor na kasi siya since she started to study here. Freshmen palang siya nun pero marami na agad manliligaw si Sam pero di ko alam bakit ako sinagot niyan.
Going back, Nung iaabot ko na yung gamit niya nagulat ako. I saw may ex-girlfriend. Kinabahan talaga ako ng todo. Yung sobrang kaba. Grabe talaga. Shz.
"Sa-saaam, ikaw pala yan. Sorry sorry" I stuttered
"Okay lang Gab" Sorry din. I wasn't looking so I accidentally bumped into you" sabi niya
"Sure ka, okay ka lang talaga?" tanong ko habang pinagpapawisan na ako.
"Yes I'm good. Sorry and thanks tho." sagot niya.
"Okay. So see you out there. Sorry again Sam. I gotta go" sabi ko naman.
"Likewise" yan nalang sinabi niya.
Pagkatapos nung nangyare kanina dumeretso na ako sa Cr sa may school campus sa may canteen. Pagkatapos kong mag Cr tumingin ako sa watch ko and nakita ko 8am na pala!?
"What the?! Late na ako sa first class ko!!"
Tumakbo ako na mabilis paakyat sa St.Paul. Nakakapagod!! Srsly.
*Takbo takbo takbo*
Ng makarating na ako sa classroom namin, nakita ko na nandun na si Ms.Deguzman. Siya yata yung class adviser ngayong year eh.
"Shit na-late ako, nakakahiyang pumasok. Ang malas mo naman ngayon Gab!" bulong ko sa sarili ko.
"Mr. Marasigan! Why are you late?" tanong ni Ms. Deguzman
"Miss Im sorry. Can I come in?" sagot ko naman habang hinihingal pa.
"Take that vacant seat" sabi niya.
*LAKAD LAKAD LAKAD*
Nakita ko sila Eych at Migz na tumatawa ng mahina. Yung tipong nang aasar. >///< nakakainis naman.
Dinaanan ko muna kung saan sila nakaupo tapos sabay bulong sakanila.
"Mamaya kayo sakin!!" mahina kong sinabi sakanila.
Pagdating ko dun sa Vacant seat na kung saan ako uupo may nakita akong babae. Nakatingin siya sa isang side. Yung tipong parang may iniisip na malalim.
"Hi Miss. Goodmorning" Bati ko sakanya.
Paglingon niya sakin. -_______-
WHAT SI SAM NANAMAN? :|
BINABASA MO ANG
Chances (Bestfriends - Lovers Story)
Teen FictionChances.. May mga pagkakataong pagsisihan mo ang mga bagay na nagawa mo. You know it's really good to take a risks, to grab the chances that you have before it was gone. Pero may mga bagay ding sana di mo nalang tinake yung pagkakataon. Minsan mas m...