Hope you like it!!
Lorea's POV
Hay nako! Klase nanaman. Kailangan ko na naman mag aaral every weekends. Nakakatamad kaya. Porket Valedictorian ako ng klase namin ibig sabihin di na ko tinatamad niyan? Haha nakakatamad, Sobra!
Btw! Ako nga pala si lorea marie vellanueva. Isang highschool student na nag aaral sa saint john.
Sabi nila "education is the key to success"
Hay nako! Kahit ano pa ang meaning ng education na yan wala akong pakelam. Basta! Mag aaral lang ako tuwing may quiz o exam. Ewan ko nga kung bakit naging valedictorian pa ko eh napakatamad ko naman. Haha.
Pag sa school dyan ko pinapakita na masipag ako. Pero pag sa bahay, nako! Akala niyo ibang tao ako.
Mabalik tayo sa realidad :)
Naglalakad na ko papuntang school. Malapit lang din naman kasi yun dito. Parang mga 2-3 mins andun ka na. Haha. Di naman ako maarte. Tamad lang.
Nung makarating na ko sa school parang ang daming nagbago. Marami ng inayos dito nung bakasyon namin eh. Gumanda nga siya.
"Waah! Ang pogi pogi mo!"
"Alam mo may kamukha kang artista! Si niall horan! Kilala mo yun?"
"Anong niall horan ka dyan! Kamukha niya si D.O noh!"
"Tsk! One direction gusto ko eh!"napatingin ako dun sa mga babaeng sumisigaw. For short nagtitilian sila.
Dahil nga directioner din ako edi tumakbo na ako papunta dun. Malay mo naman si niall horan talaga! Oh diba? Haha. Fangirling mode is ON :)Napatigil ako ng makita ko siya. Ang pogi pogi niya nga. Pero di niya kamukha si niall horan ng 1D at di niya rin kamukha si D.O ng EXO. Parang natural lang yung kapogian niya.
nakadapa na nga siya sa lupa dahil sa dami ng babae eh. Hay nako! Akala mo nakakita ng artista. Haha. Fangirl talaga eh!
Dahil gusto ko din makita si pogi edi lumapit pa ko sa unahan kaso may babaeng nagtulak saakin.
"Anuba! Wag ka ngang gumalaw! Inuusog mo ko eh!" Sigaw niya saaken.
"Sorry" Sabi ko at tumayo na. Ang sakit kaya ng tulak niya saakin.
"Umalis ka nalang kase! Hindi ka naman maganda kaya wag ka ng umasa pa" Ouch ha! Ang sakit naman nito makapag salita.
Umalis nalang ako dun at dumeretso na sa klase ko. Pagpasok ko sa loob bigla kong nakita si jilin. Ang best friend ko. Matalino din yan eh! Kaya nga star class diba? Haha.
Nag aaral nanaman siya?. Haha. Ano ba naman! 1st day pa nga lang eh!
Umupo ako sa tabi niya at binatukan ko nga."Aray naman bhe! Para saan naman yun?" Tanong niya habang hawak hawak ang noo niya
"Ano ba yang inaaral mo? Di pa nga nagsisimula yung klase nauuna ka na" sabi ko.
"Aba! Gusto nga kasi kitang taluhin sa top ngayon" Sabi niya na mukhang asar. Kung kaya mo lang! Hmmp!
"Sige! Tignan natin" Sabi ko.
"Si niall horan!" Napatingin kami sa sumigaw na babae. Seriously? Si niall horan?
"Wahh! Lorea! Si niall daw!" Sigaw ni jilin. Hayst! Mga fangirls nga naman. Hala! Parang ako hindi? Hahaha. Directioner lang naman ako.
Napatingin ako sa pinto at nakita kong pumasok si pogi. Di nga niya kamukha si niall horan eh! Ang layo!
"Oh? Si niall horan pa ba yan? Ang layo! Jusme naman!" sabi ko
"Wag ka na ngang pakealamera" ganyan kami magmahalan kaya masanay na kayo. Dahil nga mahal ko siya edi nilayasan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/36838275-288-k500659.jpg)
BINABASA MO ANG
Fangirling (one shot)
Teen FictionManiniwala ba kayo kung sasabihin ko na ang heartrob sa campus namin eh nagkagusto saakin? Ako na ang pangit, Isang nerd lang at adik na adik sakanya. sa daki ng fangirls niya saakin din pala siya. haha.